Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

Magbigay ng maikling kaisipan na may

kaugnayan sa mga larawan na ipapakita sa


ibaba.
Bumuo ng iba pang salita mula sa salitang
nasa ibaba
•Ang pagkakabigo ng mga Pilipino na makamit ang
kalayaan sa pamamagitan ng mapayapang paraan ang
nag-udyok sa mga ito na maglunsad ng isang marahas
na kilos upang ganap na makamit ang kalayaan. Ang
damdaming nasyonalismo at ang adhikaing makalaya
sa tanikala ng paghihirapan at pang-aalipin ng mga
mananakop na espanyol ang nagbunga ng panibagong
paraan ng paglaban tungo sa kalayaan – ang
Himagsikan.
ANG PAGKAKATATAG NG KATIPUNAN
•KKK- kataas- taasang, kagalang-galangang, katipunan ng
mga anak ng bayan
•Hulyo 7, 1892- nagkaroon ng isang lihim na
pagpupulong sa Azcarraga, Maynila at binuo ang KKK sa
pamamagitan ng sanduguan.
•Andres Bonifacio, Deodato Arellano, Ladislao Diwa, Pio
Valenzuela at iba pa.
ANG LAYUNIN AT PAMUNUAN NG KATIPUNAN
•Sa pangkalahatan ay hindi reporma o pagbabago sa
lipunan at pamahalaan ang layunin ng katipunan
kundi tuluyang mapalayas ang mga espanyol sa
pilipinas.
•Nais nilang mawakasan na ang mahabang panahong
pananamantala at pagpapahirap ng mga espanyol sa
mga pilipino sa pamamagitan ng paghihimagsik o
rebolusyon.
ANDRES BONIFACIO-
Ama ng katipunan at
tinatawag na
Supremo
EMILIO JACINTO-
Utak ng
katipunan
MELCHORA AQUINO-
Ina ng katipunan at
tinawag na
Tandang Sora
GREGORIA DE JESUS-
Lakambini ng
katipunan, tinawag na
“Orang Dampuan”
Ilan sa mga pangunahing kababaihan
ng katipunan ay sina Marina Dizon,
Teresa Magbanua at Trinidad Tecson.
KASAPIAN NG KATIPUNAN

•Katipon
•Kawal
•Bayani
Kalayaan- pahayagan ng katipunan
Kartilya- kalipunan ng mga aral at batas ng katipunan.
•Ang gawang magaling na nagbubuhat sa paghahambog sa
sarili at hindi talagang nasang gumawa ng kagalingan ay
hindi kabaitan.
•Ang tunay na kagalingan ay ang pagkakawanggawa, ang
pag-ibig sa kapwa at ang isukat ang bawat kilos, gawa at
pangungusap sa talagang katuwiran.
•Maitim man o maputi ang kulay ng balat lahat ng tao ay
pantay- pantay.
•Sa taong may hiya, salita’y panunumpa
•Ipagtanggol ang naaapi at kalabanin ang nang-
aapi.
•Ang taong matalino ay may pag-iingat sa bawat
sasabihin at marunong ipaglihim ang dapat
ipaglihim.
•Ang hindi ibig gawin sa asawa, anak at kapatid ay
huwag mong gagawin sa asawa, anak at kapatid ng
iba.
Pumunta sa inyong pangkat. Gumawa ng isang
simpleng “poster” na magpapakita ng layunin ng
KATIPUNAN sa loob ng 10 minuto.
Ipaliwanag ito sa klase.
Sa kasalukuyang panahon, paano
mo maipapakita ang damdaming
nasyonalismo?
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot
sa inyong papel.
1. Ano ang kahulugan ng KKK?
2. Sino ang “ama ng katipunan”?
3. Sino ang “utak ng katipunan”?
4. Sino ang “ina ng katipunan”?
5. Ano ang opisyal na pahayagan ng katipunan?
TAKDANG ARALIN:
Magsaliksik at magbasa tungkol sa mga
sumusunod:
1. Pagsiklab ng paghihimagsik ng Katipunan
2. Pagkakabunyag ng Katipunan

You might also like