Professional Documents
Culture Documents
Pagmamapang Kultural Etnographiya Pananaliskik Sa Leksikograpiko
Pagmamapang Kultural Etnographiya Pananaliskik Sa Leksikograpiko
Pagmamapang Kultural Etnographiya Pananaliskik Sa Leksikograpiko
(Pagtitipon, Pagproproseso, at
Pagsusuri ng Datos) sa Pananaliksik
Panlipunan
Kabanata 3
GROUP 4
METODOLOHIYA
Kapag tayo ay magsasagawa ng pananaliksik at mayroong
nang paksa at mga layuning nais matamo o mga
suliraning nais masagot, ang sunod na ating aalamin ay
kung ano ang metodolohiyang gagamitin. Ang layunin ng
pananaliksik o ang suliraning nailatag sa isang
pananaliksik ay maaring matugunan sa pamamagitan ng
iba’t ibang metodolohiya. Kung walang metodolohiya
hindi magtatagumpay ang pananaliksik.
METODOLOHIYA
Napakahalaga sa isang mananaliksik ang taglay na
kahusayan sa mga batayang kaalaman sa ibat’t ibang
metodolohiya sapagkat sa pamamagitan nito mailalapat
ang pinaka mabisang paaran (ways) at mga pamamaraan
(means) na magagamit sa pagtugon sa mga layunin o
kaya suliranin.
Pagmamapang kultural,
etnographiya, pananaliskik
sa leksikograpiko at video
documentation
Kabanata 3.1
GROUP 4
Pagmamapang Kultural
(Cultural Mapping)
Isa sa mga uri ng pananaliksik na deskriptibo ang pagmamapang
kultural. Mula sa salitang "pagmamapa" ito ay tumutukoy sa "pag-
uugat" o kaya ay “pagtukoy”. Kaugnay nito, ang salitang 'kultural' na
tumutukoy sa salitang kalinangan.
Kaya kapag pinagsama ang salitang pagmamapa at kultural ito ay
tumutukoy sa pag-uugat ng kaparaaanan ng buhay na kinabibilang ng
ugaliin, gawain, paniniwala, pagpapahalaga at tradisyon na mayroon
ang isang pangkat mula sa nakalipas na panahon hanggang sa
kasalukuyan.
Ang pagmamapang kultural ay tinatawag na ding "cultural resource
mapping o cultural landscape mapping."
Pagmamapang Kultural
(Cultural Mapping)
(tangible or intangible cultural assets) Ang mga halimbawa nito ay ang nakikita o
tangible ay patukoy sa mga estraktura, kagamitan, bagay, pagkain at pananamit
na may kaugnayan sa pamumuhay ng isang pangkat. Ang halimbawa naman ng
pagmamapa ng di-nakikita o intangible ay ukol sa wika at paggamit nito, pagsulat
tulad ng ortograpiya, literatura katulad ng bugtong, awit, tula, sanaysay,
kasabihan at salawikain.
Ang pagmamapang kultural ay isa sa mga sinusuportahan ng UNESCO. Kasama
ito sa hangarin na inilahad sa Universal Declaration on Cultural Diversity, na
nagpapahayag ng pagpapahalaga sa pagpapanatili, pagpapaunawa at pag-ulad ng
alinmang usaping nakaugnay ang kultura at tradisyon.
Pagmamapang Kultural
(Cultural Mapping)
Dahil sa lawak ng impormasyong nauugnay o maaaring masaliksik sa
pagmamapang kultural, ang katangian nito bilang interdisiplinaryong larangan
ay ginagamit na rin sa sumusunod:
a. Paraan ng pagdalumat at metodolohiya (planning), pagpapanatili,
pagpapayabong-kultural (cultural sustainability) at pagpapaunlad ng
komunidad.
b. Pag-uugat, pagsasama-sama, pagpapaunlad at pagpapanatili ng lokal na
kagawian kasama na ang mga kwento, gawi, kaugalian, ugnayan at karanasan
bilang kabuoang 'indentidad' ng isang pangkat sa isang tiyak na lugar.
c. Panimulang pag-aaral sa larangan ng agham panlipunan upang matukoy ang
mga sakop na lugar na nangangailangan ng pag-unlad.
d. Teknik sa pagpapaunlad ng kominidad.
Pagmamapang Kultural
(Cultural Mapping)
Buck (2017)
Ang pagmamapang kultural ay napakahalaga at may potensyal
na isakatuparan ang sumusunod:
a. Mapanatili ang pang-unawang interkultural.
b. Mapangalagaan ang karapatan ng mga katutubong pangkat
sa kanilang mga lupain o teritoryo.
c. Mapangalagaan ang katutubong 'identidad' (indigenous
knewlege)
Pagmamapang Kultural
(Cultural Mapping)
d. Makatulong sa mga komunidad ng mga katutubo upang makabuo
ng estratehiya para sa anumang hangaring nauugnay sa kanilang
pangkat.
e. Makapagbigay kaalaman sa iba pang mga organisasyon na
magkaroon ng komprehensibong kaalaman sa iba't ibang uri ng
pamumuhay (biodiversity) na mayroon sa nakaraan at sa
kasalukuyan.
f. Magkaroon ng katunayan ang katutubong yaman at kahusayan ng
etnikong pangkat (ancestral tangible wisdom).
PANANALIKSIK
ETNOGRAPHIYA
Nahahwig sa pagmamapang
kultural, ito ay naglalahad ng mga
kagawian ng isang pangkat.
PANANALIKSIK
ETNOGRAPHIYA
Weston (2017)
ang pananaliksik etnograpiya ay isang uri ng
kwalitatibong pananaliksik na nauukol sa obserbasyon at
interaksyon ng mga sangkot na mananaliksik at tagatuon
sa tiyak na kaligiran na pag-aaral. Ginagamit ito madalas
ng mga antropologo at madalas isinasakatuparan sa
larangan ng agham.
PANANALIKSIK
ETNOGRAPHIYA
Tiyak na layunin sa pag-aaral etnograpiko ang sumusunod:
Mapalalim ang kaalaman ukol sa gawi ng isang pangkat.
Mailahad ang mga kultura na katangian at mga isyung
kinahaharap ng isang pangkat.
Makapagdisenyo ng angkop na estratehiya upang malutas ang
mga suliranin.
PANANALIKSIK
ETNOGRAPHIYA
Dahilan kung bakit isinasagawa ang Pananaliksik Etnograpiya
Isinasagawa ito hindi lamang upang matukoy ang nakalipas na uri ng
pamumuhay o karansan kundi nakahigit dito ang hangarin na
maranasan kung paano mamuhay kasama ang pangkat na pinag-
aaralan, matanggap ang kanilang mga ideya, maunawaan ang
kanilang mithiin, kaisipan, pagpapahalaga at paniniwala.
Itinuturing itong makatao sapagkat maliban sa pakikibahagi ng
mananaliksik sa komunidad naipaparanas din niya ang kanyang ugali,
gawi, pagpapahalaga at paniniwala kasabay ng mga tagatugon.
Dahil dito ang kanyang karanasan ay nagiging makabuluhan.
PANANALIKSIK
ETNOGRAPHIYA
Metodo
Tinatawag na “anthropological ethnographer” ang nagsasagawa ng
pagaaral etnograpiko. Ang mga ethnographer ang nangangalap ng
kinakailangang datos. Upang maisakatuparan ito isinasagawa ang
mga sumusunod na metodo:
Live and Work approach. Ang mga ethnographer ay nakikipamuhay
sa lugar ng kanilang mga tagatugon sa loob ng isa o mahigit pang
isang taon. Sa ganitong paraan ay lumalawak ang impormasyon at
kasapatan sapagkat naoobserbahan at nararanasan ang aktwal na
gawi ng mga tao sa isang lugar.
PANANALIKSIK
ETNOGRAPHIYA
Individual Approach. Kung saan ang mga tala ay ukol sa mga
tagatugon na nakuha mula sa obserbasyon, panayam at survey
ay napakahalagang suporta upang maipakita ang kabuoang
gawi ng pangkat.
Etic and Emic Approach. Matapos makuha ang mahalagang
impormasyon. Itinatala at masusing pinagaaralan ang mga
datos, ginagamit ang emic (folk or inside) at etic (analytic or
outside) upang mailarawan ang komunidad at kultura.
PANANALIKSIK
ETNOGRAPHIYA
Kabutihan at Di-Kabutihan ng pagaaral ng Etnograoiko
Kabutihan
Isa sa mabuting dulot ng pag-aaral nito ay ang katangian nitong
matukoy at maipaliwanag ang mga isyu ukol sa pangkat at ang
mga isyung maari pang mangyari. Bukod rito ang ganitong uri
ng pag-aaral ay naihahatid nang detalyado at makatotohanan
ang mga ugali at gawi ng pangkat na pinag-aaralan kasama ang
kanilang emosyon, kilos at pananalita.
PANANALIKSIK
ETNOGRAPHIYA
Di-Kabutihan
Sng tiyak na di-kabutihan naman nito ay ang oras na
ginugugol sa pagsasagawa ng pag-aaral etnograpiko. Hindi
maisasagawa ang ganitong pagaaral sa mabilis na panahon
sapagkat ang kinakailangang maobserbahan na hindi
nagbabago ang katangian, gawi, pag-uugali, kilos maging
pananalita ng pangkat. Dahil din sa haba ng panahon , matagal
din ang isasagawang pagkakalap ng aktuwal na impormasyong
kakailanganin.
PANANALIKSIK
ETNOGRAPHIYA
Paraan ng pagkalap ng Datos
Obserbasyon (participant observation)
Panayam (face-to-face Interview)
Survey
Pakikisalamuha
Pakikipamuhay
PANANALIKSIK NA
LEKSIKOGRAPIKO
Pagbigay katuturan
Pagsulat ng paraan ng pagbigkas ng salita
Pagsasama ng iba-ibang rehistro, diyalekto, at iba pa
Pagsasalin sa mga lahok
PANANALIKSIK NA
LEKSIKOGRAPIKO
Dalawang Pangunahing tungkulin:
1. Pagplaplano, pagbabalangkas, paghahanda,
paglalahatla at pagsasapanahon ng mga diksyonaryo,
tesauro at ensayklopidya.
2. Pagtitipon at pagsasapanahon ng mga diksyonaryong
monolinggwal, bilinggwal, bokabularyong siyentipiko at
espesyalisado at mga terminolohohiyang teknikal.
PANANALIKSIK NA
LEKSIKOGRAPIKO
Mahalagang pamantayan sa pagklasipika ng mga diskyonaryo sa pananaliksik
leksikograpiya:
Uri ng salita (Density of entry). Kung ang mga salita ay bibigyan ng kahulugan
panlahat ayon sa gamit nito sa lahat ng larangan. Kung ito ba ay maglalaman ng mga
salitang rehiyunal o salitang balbal (social dialect), jargon, slang, o salitang may
kalaliman kahulugan ng sanhi ng kasaysayan (archaism)
Bilang ng gagamiting monolinggwal, bilinggwal o multilinggwal
Ang katangian ng salita (nature of entries) kung leksikal o encyclopaedic
Gamit ng salita batay sa panahon (axis of time) maaring diksyonaryo o singkroniko
Layunin
Kinauukulang gagamit (Prospective user)
PANANALIKSIK NA
LEKSIKOGRAPIKO
Minsan ginagamit lamang ang isang pamantayan ngunit madalas ay maaring
ginagamitan ng dalawa o higit na pamantayan bago ito maihanay sa
klasipikasyong kinakabilangan nito. Sa unang batayan ng pagbuo ng diskyonaryo,
binibigyang diin ang uri ng mga eleganteng titik sa paglilimbang upang maihanay
sa klasipikasyon. Ito ay dahil sa calligraphy.
May mga mahahalgang dapat isaalang-alang sa pagklasipika nito. Ito ay ang lawak
(scope) at nilalaman (coverage) at kahulugan (definition).
Ang diksyonaryo ay nalilimbag sa bawat panahaon upang maging paalala na ang
wika ay buhay, dinamiko at pagpapatuloy sa darating na pahahon.
VIDEO DOCUMENTATION