Alpabeto at Ortograpiyang Filipino

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

MC STEVEN AGBUYA

 - Tawag sa paraan ng pagbibigay-simbolo sa


wikang pasalita sa pamamagitan ng paraang
pasulat.

 - Sa simpleng salita,ito ang paraan ng ispeling


na ginagamit sa isang wika.

 - Ito ay paglalapat ng simbolo/letra/karakter


sa mga makahulugang tunog o penema.
 - Ang sistema ng pagbaybay at pagsulat na
mas kilala sa tawag na baybayin, alibata o
alif-ba-ta (tawag ng mga arabo) bago
dumating ang mga Kastila ay maituturing na
sinaunang anyo ng pagbibigay-simbolo o
pagsasatitik sa bansa.

 -Ito ay binubuo ng tatlong patinig (vowels) at


labing apat na katinig (consonants)
 - Sa pag dating ng mga Espanyol, inalis ang
mga paganong pag-uugali ng mga katutubo,
kabilang na ang pag-iiba sa sistema ng
pagsusulat, pagbasa at mga salita ng mga
ito.Ipinakilala ng mga kastila ang kanilang
abecedario o ang alpabetong Espanyol/
alpabetong Romano.
 - Maituturing na unang hakbang sa
pagkakaroon ng istandardisadong alpabeto
sa bansa ang pagkakalimbag ng Balarilang
Wikang pambansa ni Lope K. Santos kung
saan ipinakilala niya ang Abakadang Tagalog
na may 20 titik, 5 ang patinig at labinlimang
(15) ang katinig.
 - Nagkaroon muli ng pagbabago sa alpabeto
bilang pagtugon sa pagbabago ng
Konstitusyon at wikang pambansa.

 - Idinaos ang mga serye ng konsultasyon,


simposyum at pulong nagbibigay-daan sa
pagbabagong gawing dalawampu’t walo
(28) na tinatawag na Alpabetong Filipino
 - Patitik ang pasalitang pagbabaybay sa
Filipino na ang ibig sabihin ay isa-isang
pagbigkas sa maayos na pagkasunod-sunod
ng mga letrang bumubuo sa isang salita,
pantig, daglat, akronim, inisyal, simbolong
agham, atbp.
 Salita  Akronim
 Boto= bi-o-ti-o  MERALCO (Manila
 Plano= pi-el-ey-en-o Electric Company)
 Em-i-ar-ey-el-si-o
 Pantig  ASEAN (Association of
 It= ay-ti Southeast Nations)
 Tsart= ti-es-ey-ar-ti  Ey-es-i-ey-en
 - May 28 letra pa rin sa 2001 alfabeto, walang
idinagdag, wala ibinago at ang mga tuntunin
sa paggamit ng walong dagdag na letra na
pinagmulanng maraming kalituhan simula
nang pormal na ipinasok sa alpabeto ng 1976.
- Isa realidad ang pangangailangan ng wikang
Filipino na manghiram sa Ingles, Kastila at iba
pang wika para matugunan ang malawakang
pagpasok ng mga bagong kultura na aytem
at mga bagong konsepto na dala ng
modernisasyon at teknolohiya
 - Pinababagal ng 1987 patnubay sa Ispeling
ang leksikal na elaborasyon ng Filipino.
Nililimitahan nito ang panghihiram ng mga
salita dahil sa pahihigpit sa paggamit ng
walong dagdag na letra (C, F, ñ, J, Q, V, X at Z)
doon lamang sa mga sumusunod:
 Pantanging ngalan
 Salitang katutubo mula sa ibang wika sa
Pilipinas.
 Salitang hindi konsistent ang ispeling o
malayo ang ispeling sa bigkas na kapag
binaybay ayon sa alfabetong Filipino ay hindi
mabakas ang orihinal na ispeling nito.
 Salitang pang-agham at teknikal
 Simbolong pang-agham
 Letrang C
 - Panatilihin ang letrang C kung ang salita ay
hinihiram sa orihinal na anyo. (Calculus,
Chorophyll, Carbohydrates)
 -Palitan ang letrang C ng letrang S kung ang
tunog ay /s/, at ng letrang K kung ang tunog ay
/k/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na
salitang may letrang C (Participant=Partisipant,
Central=Sentral, Census=Sensus,
Circular=Sirkular)
 Letrang Q
 - Palitan ang letrang Q ng letrang KW kung
ang tunog ay /kw/, at ngletrang K kung ang
tunog ay /k/ kapag binaybay sa Filipino ang
hiram na salitang may letrang Q.

 Quarter=Kwarter, Sequester=Sekwester,
Quorum=korum
 Letrang ñ
 - Palitan ang Letrang ñ ng mga letrang NY
kapag binaybay sa Filipino ang hiram na
salitang may letrang ñ.

 Piña=Pinya,
Cariñosa=Karinyosa,Cañon=Kanyon
 Letrang X
 - Palitan ang letrang X ng KS kung ang tunog
/ks/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na
salitang may letrang X.

 Experimental=eksperimental,
Taxonomy=Taksonomi,Texto=Tekto
 - Di
 - Ipinalabas ang pinal na borador ng
Komisyon sa Wiking Filipino tungkol sa mga
gabay sa ortograpiya ng wikang pambansa
noong May 20, 2008. Ito ng naging tugon sa
komisyon sa pagkalito sa mga tuntunin ng
paggamit, pagbaybay at panghihiram.
 Mula sa nasabing pinal na burador, narito ang mga
pangkalahatang
tuntunin

 1. Nananatili ang tuntuning kung ano ang bigkas ng mga salita,


yon din ang sulat.

 2. Panatilihin ang orihinal na anyo ng mga salitang buhat sa ibang


mga katutubong wika sa Pilipinas kapag babaybayin. Kung ano
ang bigkas sa mga salitang iyon ng pinagkunang wika, iyon din
ang sulat batay sa palabaybayan ng parehong wika. (halimbawa:
hadji, ifun, vakul atbp.)
 3. Hanapan ng katumbas sa wikang pambansa ang konsepto.
Huwag manghiram.
 Halimbawa
rule= tuntunin at hindi maaaring rul
narrative= salaysay at hindi maaaring narativ
persuasive= panghikayat at hindi persweysiv
 4. Maaari ring hanapan ng katumbas sa mga lokal na wika ang
mga konsepto. Huwag manghiram.
 Halimbawa:
tarsier= maomag o malmag sa mga Bol-anon
whale shark= butanding sa Bikol
 5. Kapag walang cksaktong katumbas, hiramin ang salita
ayon sa mga sumusunod na tuntunin

 a. Baybayin ang salita avon sa ABAKADA kung wikang


Espanyol ang pinaghiraman.
cebollas-sibuyas
psicologia sikolohiya
 b. Panatilihin ang orihinal na anyo kung wikang Ingles at iba pang wikang
dayuhan ang pinaghiraman
 Halimbawa:
girlfriend
psychology (hindi saykoloji)

 c. Ang mga salitang pantangi, panteknikal at pang-agham ay panatilihin


sa orihinal nitong baybay.
 Halimbawa:
Manuel Luis Quezon
La Union
chlorophyll
sodium chloride
 d. Ang mga hiram na salita na naiba na ang bigkas at/o kahulugan
sa orihinal ay nararapat na baybayin alinsunod sa ABAKADA.
 Halimbawa:
stand by- istambay
hole in- holen
caltex - kaltek (tabo)
e. Ang baybay ng salitang hiram na matagal na o laging ginagamit
ay nararapat pa ring gamitin.
 Halimbawa:
telepono hindi maaaring telefono
pamilya hindi maaaring familia o familya
epektibo hindi maaaring efektibo o efektiv
 f. Ang paggamit ng mga letrang wala sa ABAKADA sa pagbaybay
ng mga hiram na salita ay iwasan.
 Halimbawa
ponolohiya o palatunugan hindi maaaring fonoloji
morpolohiya o palabuuan hindi maaaring morfoloji
uri ng wika o barayti ng wika hindi maaaring varayti ng wika
pasalaysay o naratibo hindi maaaring narativ
pagbabago o rebisyon hindi maaaring revisyon
 G. Sumunod sa opisyal na pagtutumbas.
 Halimbawa:
Republika ng Pilipinas hindi maaaring Republika ng Filipinas
agham-panlipunan hindi maaaring sosyal-sayans
 Ang mga naunang inilahad na tuntunin sa
1987 Patnubay ay mananatili.

 Mula sa mga inilahad na mga gabay ng KWF,


tinapos na ang pagkalito
sa maluwag na paggamit ng 2001 Revisyon....
o yaong paggamit ng walong
dagdag na titik (c, ñ, q, x, f, j, v, z). Tuluyang
ibinasura ang 2001 Revisyon..

You might also like