ESP Q1 W3 Version 2

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

QUARTER 1

WEEK 3
Aralin 3
Bukas ang Isip ko, Mag-aaral Ako!
AAno ang mga
pamantayan sa
pakikinig?
Ano ang mangyayari
kapag hindi tayo
marunong makinig sa
hinaing ng iba ?
Alamat ng Keyboard

Noong unang panahon sa mga mundo ng letra


at numero, naghahari ang grupo ng mga numero.
Sila ang nagpapatupad ng mga batas, namumuno
upang mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Sabi
ng grupo ng mga letra, “dapat tayo naman ang
mamuno sa ating bayan!, upang magkaroon ng
pagbabago at mas mapa-unlad natin ang ating
bayan! Lagi na tayong alipin dito!” Dahil dito,
naglunsad ng pag-aaklas ang mga grupo ng mga
Letra laban sa pamumuno ng mga numero,”
Nagkaroon ng digmaan at nagkasira-sira ang
pamumuhay nila. Dahil sa ginawang ito ng mga
grupo ng Letra nagalit ang Inang Diwata, maayos
naman daw ang pamumuhay nila noon hanggang
sa magkaroon ng di pagkakaunawaan. Pilit na
pinag-aayos ng Inang Diwata ang dalawang grupo,
ngunit ayaw pa rin nilang mag-ayos. Sa galit ng
mga Inang Diwata, sinumpa niya ang mga numero
at letra na maging keyboard sa ibang dimension.
Sa makabagong panahon at henerasyon ngayon
ang keyboard ay ginagamit sa paaralan,
establisyemento at marami pang iba.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang pamagat ng alamat?
2.Sino ang dalawang grupong nabanggit sa
kwento?
3.Bakit naglunsad ng pag-aaklas ang grupo ng
mga Letra?
4. Bakit nagalit ang Inang Diwata?
5. Ano ang kinalabasan ng di pagkakaunawaan ng
dalawang grupo?
Gawain 1
Panuto: Pumalakpak ng tatlo kung tamang
saloobin sa pag-aaral ang ipinahihiwatig at tatlong
padyak kung hindi.

1.Makinig na mabuti kapag may nagsasalita.


2. Aktibong makilahok sa mga talakayan at
pangkatang gawain.
3. Makipagtalo sa kagrupo kapag hindi na sunod
ang gusto.
4. Pakinggan ang opinion o ideya ng mga kasama.
5. Makipagsabayan sa pagsasalita ng guro.
Gawain 2
Bumuo ng tatlong pangkat. Bawat pangkat ay
bubunot ng kanilang gagawin na tulad ng
sumusunod:
Unang Pangkat- Pagsasagawa ng pamantayan sa
pakikinig sapamamagitan ng rap.
Ikalawang Pangkat-Ipakita ang tamang gawi sa
pakikilahok sa pangkatang gawain sa
pamamagitan ng dula-dulaan.
Ikatlong Pangkat-Pagpapakita o pagsasagawa ng
tamang pakikipagtalakayan at
pagtatanong sa pamamagitan ng pagbabalita.
Mula sa mga nakaraang gawain, pagnilayan
kung ano ang tumimo sa inyong mga puso. Isulat
ito sa inyong reflection booklet. Gamitin ang
sumusunod na tanong bilang gabay:

1. Naipakita ko na ba ang kawilihan at positibong


saloobin sa pag-aaral?
2. Kung hindi, ano ang aking nararamdaman?
3. Kaya ko ba itong isagawa ngayon?
4. Paano ko ito dapat isagawa?
Tandaan Natin
Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa
isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa.
Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng
isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang
matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon,
magiging mahirap para sa kanila na abutin ang
pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na
ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa
kanilang mga inaasam na mga mithiin.
Maipapakita ng isang mag-aaral ang kanyang
kawilihin at positibong saloobin sa pag-aaral sa
pamamagitan ng pakikinig
sa talakayan, pakiki-isa sa mga gawaing pampaaralan,
at kusang loob na pagpasok sa paaralan. Sa tulong ng
mga nabanggit na katangian mas magiging masaya at
kanais-nais ang mga mangyayari sa paaralan.
Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga
kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata
sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang
kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa
ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay
na kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang
edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging
daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman
tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na
ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan
tungo sa isang matagumpay na mundo na
kailangan ng bawat isa upang lubusang
mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga
layunin nito.
Bilang mag-aaral
paano mo
maipapakita ang
kawilihan sa
positibong pag-aaral?
Subukin ang sumusunod na pangungusap. Lagyan
ng bituin ang iyong pinaniniwalaang sagot.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Mga Sitwasyon Oo Hindi
1. Nakikinig kaba sa oras ng talakayan o kaya ay
pagnagsasalita ang guro?
2. Tumutulong kaba na matapos ang nakalaang
gawain sa inyong grupo?
3. Gumagamit kaba ng magagalang na salita
tuwing ikaw ay nagtatanong sa iyong guro?
4. Dapat bang magpakita ng kawilihan sa pag-
aaral?
5. Magbigay ng opinion o ideya tuwing
pangkatang Gawain?

You might also like