Antas NG Katayuan NG Mga Pilipino

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Antas ng Katayuan ng mga

Pilipino
Nagkaroon ng maraming pagbabago sa
buhay ng mga Pilipino dahil sa matagal na
panahong nandito sa ating bansa ang mga
Espanyol.
Sa matagal na panahong nandito sa ating
bansa ang mga Espanyol ay itinanim nila sa
isip ng mga Pilipino na sila ay superior.
Ano sa palagay mo ang antas ng
katayuan sa lipunan ng mga Pilipino sa
panahon ng Espanyol?
Pagmasdan ang larawan. Kilalanin ang antas nito sa
lipunan.
•Anu-anong antas ng katayuan sa
lipunan mayroon ang mga
Pilipino bago dumating ang mga
Espanyol?
•Ano ang inyong pananaw ukol
dito?
Antas ng Katyuan sa Lipunan Bago Dumating
ang mga Espanyol
• Bago pa man dumating ang mga Espanyol, mayroon nang
sistemang panlipunan at pampulitika ang mga Pilipino. Nahahati sa
tatlong pangkat ang lipunang Tagalog at Bisaya: ang Datu, Timawa o
Maharlika at Alipin.
• Dato o Datuang tawag ng mga Tagalog at Bisaya sa kanilang
pinuno, ang pinakamataas na antas sa kanilang lipunan. Siya ang
pinuno ng pamayanan, tagaayos ng mga hidwaan at tagapagtanggol
laban sa mga kaaway nito. Ang mga timawa ay binubuo ng
malalayang tao at mga napalayang alipin. Ang mga alipin ang
pinakamababang antas sa lipunang Tagalog at Bisaya.
Antas sa Lipunan Noong Panahon ng Pananakop
• Sa ilalim ng pamahalaang kolonyal, nahati sa tatlong antas
ang mga nanirahan sa Pilipinas.
• Ang mga Espanyol ang may pinakamataas na katayuan
sa lipunan. Nauri sa dalawang pangkat ang mga Espanyol
na nanirahan sa kapuluan – ang Peninsulares, o mga
Espanyol na isinilang sa Spain, at ang creole o insulares, na
mga Espanyol na isinilang sa Pilipinas. Nagtangan ang
kanilang pangkat ng kapangyarihang pampolitika,
ekonomiko at panrelihiyon.
• Ang mga Pilipino, sa kabilang banda, ay nauri sa pangkat ng mga
principalia, inquilino at karaniwang tao. Kabilang sa pangkat ng
principalia ang mga inapo ng mga datu at maharlika, mayayamang
hacendero o may-ari ng lupa at mga pinuno at ating pinuno ng
pamahalaang local. Pinagkalooban ang pangkat na ito ng maraming
karapatang panlipunan at pampolitika kabilang ang karapatang
bumoto sa halalan, humawak ng tungkulin sa pamahalaang local, at
malibre sa polo y servicio o sapilitang paggawa.
• Ang mga pangkat ng inquilino ay binuo ng mga tagapangasiwa
ng lupa ng mga panginoong may lupa. Ang pangkat ng karaniwang
tao naman ay kinabibilangan ng mga manggagawa at magbubukid.
Limitado ang kanilang mga karapatan at pribilehiyo. Hindi rin sila
maaaring mahalal sa katungkulan sa pamahalaan.
Tanong:
1. Sino ang may pinakamataas na antas na katayuan sa
lipunan bago dumating ang mga Espanyol? Panahon ng
Pananakop?
2. Ilarawan ang mga Peninsulares at Insulares.
3. Sino ang mga itinuturing na Datu? Timawa o maharlika?
Alipin? principalia? Inquilino at karaniwang tao?
4. Sa iyong palagay, may pagkakaiba ba ang antas ng
katayuan ng mga Pilipino sa lipunan bago dumating ang
mga Espanyol at sa Panahon ng Kolonyalismo? Ipaliwanag.
Gamit ang Venn Diagram. Paghambingin ang antas ng katayuan ng mga Pilipino
sa lipunan bago dumating ang mga Espanyol at sa Panahon ng Kolonyalismo.

GAWAIN A

Antas sa Antas sa
Katayuan ng mga Katayuan ng
Pilipino bago mga Pilipino sa
dumating ang Panahon ng
mga Espanyol Kolonyalismo
Tandaan Mo
• Ang mga Espanyol ang may pinakamataas na katayuan sa
lipunan.
• Peninsulares o mga Espanyol na isinilang sa Spain
• Creole o insulares, mga Espanyol na isinilang sa Pilipinas.
• Nagtangan ang Peninsulares at Insulares ng
kapangyarihang pampolitika, ekonomiko at panrelihiyon.
• Ang mga Pilipino, sa kabilang banda, ay nauri sa pangkat
ng mga principalia, inquilino at karaniwang tao.
Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1. Ito kinabibilangan ng mga manggagawa at magbubukid.
Limitado ang kanilang mga karapatan at pribilehiyo. Hindi rin
sila maaaring mahalal sa katungkulan sa pamahalaan.
A.Inquilino C. principalia
B.Karaniwang tao D. Alipin
2.Ito ay binubuo ng mga inapo ng mga datu, nagmamay-ari ng
lupa at pinuno ng bayan.
A.misyonero C. ilustrado
B.encomendero D. principalia
3.Ito ay mga Espanyol na nakatira sa Pilipinas ngunit
ipinanganak sa Espanya.
A.insulares C. ilustrado
B.peninsulares D. principalia
4.Mga ipinanganak sa pilipinas na may dugong purong kastila
ang mga magulang.
A.insulares C. ilustrado
B.peninsulares D. principalia
5.Ito ay binubuo ng mga tagapangasiwa ng lupa ng mga
panginoong may lupa.
A.karaniwang tao C. inquilino
B.peninsulares D. principalia

You might also like