Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

Impormatibo:Ur

i ng Teksto
Ano pala ang Impormatibo?
• Tinatawag din itong "ekspositori" o
nagpapaliwanag.
• Ito ay naghahatid ng wastong kaalaman o
impormasyon.
• Layunin ng manunulat ay upang maragdagan ang
kaalaman ng mambabasa, tulungan ang
mambabasa na higit na maunawaan ang isang
prosidyor(procedure) o di kaya ay palawakin ang
pag-unawa ng isang mambabasa kaugnay sa isang
konsepto.
• Ang tono ng tekstong impormatibo o ekspositori ay
nasa anyong awtoridad (Fisher & Frey, 2008 sa
Sejnost & Thiese, 2010).
• Nagsisimula sa mga katotohanan at sinasagot ang
mga katanungang bakit o paano.
• Ito ay kilala bilang isa sa apat(4) na pangunahing
anyo ng diskurso at kinabibilangan din ng elemento
ng paglalarawan, pagsasalaysay at pangungutwiran
ngunit lubhang naiiba sa malikhain at
mapanghikayat na pagsulat.
Mga Elemento ng
Tekstong Impormatibo
Layunin ng May-akda
• Layunin nitong maglahad o magbigay
ng impormasyon.
Pangunahing Ideya
• Ito ay dagliang inilalahad ang mga
pangunahing ideya sa mambabasa.
Pantulong na kaisipan
• Mahalaga rin ang paglalagay ng mga angkop
pantulong na kaisipan o mga detalye upang
makatulong na mabuo sa isipan ng mambabasa ang
pangunahing ideyang nais nyang maitanim o
maiwan sa kanila.
Mga Estilo sa
Pagsulat,Kagamitan/Sangguniang
nagtatampok sa Kaisipan
• Makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mga
malawak na pag-unawa sa binabasang tekstong
impormatibo ang paggamit ng mga estilo o
kagamitan/sangguniang magbibigay-diin sa mahahalagang
bahagi tulad ng sumusunod:
a. Paggamit ng mga nakalarawang representasyon
b. Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto
c. Pagsulat ng mga talasanggunian
Walong Estratehiya sa
Pagsulat ng Tekstong
Impormatibo
1. Analohiya
• Ito ay ang paghahambing ng dalawang bagay,
karaniwang nakabase sa kanilang mga katangian,
sa layong magpaliwanag o magbigay-linaw.
• Sa retorika, ang analohiya ay isang pangagatwiran o
pagpapaliwanag mula sa magkakahilerang ideya.
• Ang simili ay isang expressed analogy samantalang
ang metapora ay isang implied analogy.
Mga Halimbawa:
• Analohiya
Rizal:bayani::Hidilyn Diaz:kampeon
"Si Rizal ay sa bayani katulad ng si Hidilyn Diaz sa kampeon"
• Simile
Ang buhay ay parang isang kahon ng tsokolate-hindi mo
malalaman kung ano ang iyong makukuha.
"Ipinapakita nito na ang buhay ay may maraming
pagpipilian at sorpresa, katulad ng kahon ng tsokolate"
• Metapora
Ang kanyang utak ay isang kompyuter.
"Ipinahihiwatig dito na ang bata ay sobrang matalino
o kaya'y marami syang alam. Ang pagkukumpara nito
ay hindi sinadabi ng diretsahan."
2. Pagsusuri
• Ito ay tumutukoy sa detalyadong examinasyon ng
mga elemento o istruktura ng isang bagay o
kaisipan, karaniwang bilang basehan ng
interpretasyon o talakayan. Sa pagsusuri, maingat
na inaalam ang mga elementong sangkot sa isang
bagay o kaisipan at tinutukoy sa kung papaanong
pamamaraan ang mga ito ay napag-iuugnay.
3. Sanhi at Bunga
• Ito ay isang ugnayang kinasasangkutan ng isang
pangyayari na syang nagiging daan ng isa pang
pangyayari.
• Masasabing sa bawat pangyayari ay may
nagaganap na bunga ngunit hindi tuwirang
masabi kung bakit ganoon ang nagiging bunga
dahil maraming maaaring posibleng paliwanag
sa mga bunga (Williams, n. d. )
Halimbawa:
• Kung patuloy ang pagpapanatili ng kalinisan sa Ilog
Pasig, maaaring dadami pa ang iba't ibang uri ng
isda na makikita rito.
• Ang patuloy na pagpuputol ng mga puno sa
kagubatan ay magreresulta ng pagkakaroon ng
landslide at madalas na pagbaha.
4. Pag-uuri
• Ito ay tumutukoy sa pagpapangkat-pangkat ng
mga tao o ideya o mga bagay ayon sa kanilang
pagkakatulad.
• Ito ay ang sistematikong pagsasaayos ng mga
tao, bagay o kaya ay ideya ayon sa isang tiyak o
ispesipikong criteria.
Halimbawa:
Mga Pangunahing Pangkat ng
Pagkain

Go Grow Glow

Tinapay Karne ng Baboy


Cereals Karne ng Manok
Gulay
Kanin Karne ng Baka
Prutas
Patatas Itlog
Gatas
5. Paghahambing
• Ito ay ang pagpapahayag ng pagkakatulad at
pagkakaiba ng dalawang bagay, tao o ideya,
maaaring sa layuning palutangin o higit na
mabigyang pansin ang isa o di kaya ay upang
ipaliwanag ang dalawang kaisipan.
• Higit na mainam ang paghahambing kung ito ay
ginawa nang walang pagkiling sa alinman sa mga
bagay o kaisipan na ipinaghahambing.
Halimbawa:

Pangulong Duterte Pangulong Aquino


•Kauna-unahang presidente •Ang Chairman ng Liberal Party
na nanggaling sa Mindanao •Parehong noong 2010-2016
naglingkod sa
bayan •Malumanay
•Matapang
•Parehong may •Ang nag-iisang anak na lalaki ni
•Ang nagsulong ng Oplan- layunin na maging Pang. Cory Aquino
Tokhang sa Maynila maunlad at
mapayapa ang •Mayroon syang apat na
•Siya ang Chairman ng PDP- Pilipinas kapatid na babae kabilang
Laban Party na si Kris Aquino
6. Depinisyon
• Ito ang kahulugan ng isang ideya na naibibigay
gamit ang iba pang salita.
• Maaari itong maisagawa sa dalawang
pamamaraan: una ay sa pamamagitan ng
pagbigay ng pinakadiwa ng salita o konsepto o
intensional definition ang ikalawa ay ang
extensional definition kung saan itinatala ang
lahat ng mga bagay na inilalarawan ng naturang
konsepto.
Mga Halimbawa:
• Intentional Definition
Ang intentional na depinisyon ng bagong tao ay
walang kasal/asawa.

• Extensional Definition
Ang extensional na depinisyon ng bagong tao ay
ang listahan ng walang kasal/asawa sa buong
mundo.
7. Halimbawa
• Ito ay tumutukoy sa isang indibidwal na
penomenong kumakatawan sa isang tiyak na
kabuuan.
• Maaaring ito ay isang bagay o katangian na
naglalarawan ng isang pangkalahatang
tuntunin.
8. Pagsusuri ng Proseso
• Ito ay tumutukoy sa isang proseso ng pagpapaunlad
ng isang komposisyon kung saan ipinapaliwanag ng
isang manunulat, sa mga magkakasunod na
hakbang, ang pamamaraan ng pagsasagawa ng
isang bagay.
• Maaaring maisagawa ito sa dalawang pamamaraan:
a) impormatibo kung saan ipinaliliwanag kung
paano gumagana ang isang bagay at b) direktiba
kung saan ipinaliliwanag kung paano gawin ang
isang bagay.
Kalikasan ay Dapat Pangalagaan
Ni: Charlene Calica
Ang kalikasan ang nagbibigay kulay sa ating kapaligiran na sadyang pinagkaloob ng
ating Panginoon. Dapat natin itong ingatan at alagaan. Pahalagahan natin ang kalikasan,
dahil pinagkukunan ito ng pagkain, malinis na hangin at pangsangga sa anumang kalamidad
na darating. At ito ay mahalagang bagay na dapat nating palaguin at huwag abusuhin para
sa kapakanan sa susunod na henerasyon.
Ang kalikasan ay pinagmulan ng iba't-ibang pinagkukunang yaman. Ang mga yamang
ito ay maaring renewable at non-renewable. Ano nga ba ang renewable at non-renewable?
Ang renewable energy ay mga energy na napapalitan ng mabilis, hindi katulad ng non-
renewable energy na aabutin pa ng milyong taon. Ibig sabihin ang renewable energy ay
isang bagay na mabilis lamang itong palitan at halimbawa nito ay tulad ng tubig, hangin, at
solar energy. Kabaliktaran naman nito ang non-renewable , dahil ang non-renewable ay
matagal na mawala o maglaho. Halimbawa nito ay carbon-based, organic na nagmula sa
gasolina at oil o gas. Dito rin nagmula ang materyales sa paggawa ng mga bahay at iba't-
ibang mga gusali. Ang kalikasan ay tumutulong na mabawasan ang mga dumi at usok na
dulot ng proseso ng produksiyon at pagkonsumo.
Group 6 Members

Crisostomo
Laurente
Laping
Manatad
Limasa
Malawi

You might also like