PANANALIKSIK

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 32

PANANALI

KSIK
OFELIA D. DELAS ALAS
CTE Faculty
PANANALIKSIK
Ano ang pananaliksik? Bakit ito isinasa-
gawa? Bakit kailangan ang kasanayan sa
pananaliksik?

PANANALIKSIK
PANANALIKSIK

Pagtuklas o pagdiskubre sa
pagsagot sa tanong

Proseso o PANANALIKSIK kaalaman


paraan

Pagpapatibay ng Pag- Pagtugon sa


dating kaalaman iimbestiga pangangailangan
PANANALIKSIK
Ang salitang RESEARCH ay mula sa
panlaping “re” sa ingles na nanganga-
hulugang muli at “search” na ang ibig
sabihin naman ay paghahanap,
pagtuklas, pagdiskubre.
Samakatuwid, maipapalagay na ang
pananaliksik (research) ay muling
pagtuklas ng impormasyon o bagong
kaalaman.
PANANALIKSIK-kahulugan
- ito’y isang maingat na pagsusuri o
pagsisiyasat sa isang suliranin o
problema.

- Ito’y sistematikong pag-uusisa upang


patunayan ang kaalaman.
PANANALIKSIK-kahulugan
- ito’y isang pamaraang pormal, siste-
matiko at masaklaw na pagsasagawa
ng pagsusuring wasto, lohiko, ’di
madalian at matiyaga, na kumukuha
ng mga datos sa mga pangunahing
sanggunian, inaayos ang mga ito,
itinakda ang mga resulta at iniuulat
pagkatapos.
PANANALIKSIK-kahulugan
- ito’y pagsisikap sa paghahanap ng
bagong impormasyon sa kasaysayan,
agham, literature at mga katulad nito,
sa pamamagitan ng eksperimento o
pagsisiyasat sa mga sanggunian,
hanguan o mapagkukunan.
Kalikasan ng PANANALIKSIK
Ang pananaliksik ay isang masusing
pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya,
konsepto, bagay, tao, isyu at iba pang ibig
bigyang linaw, patunayan o pasubalian.
Ang mga sumusunod ay mga kalikasan
ng pananaliksik:
1. Masusi ito dahil bawat detalye ay
inuusisa, nililinaw, at pinag-aaralang
mabuti bago gumawa ng mga
kongklusyon.
Kalikasan ng PANANALIKSIK
2. Pagsisiyasat ito dahil anumang
palagay o haka-haka ay hinahanapan
ng katibayan para patunayan.
3. Pag-aaral ito dahil ang mga bunga ng
pagsisiyasat ay tinitimbang, tinataya
at sinusuri.
4. Nagbibigay-linaw ito sa mga ideyang
maaaring alam ng marami pero
nangangailangan ng dagdag na
impormasyon at paliwanag.
Kalikasan ng PANANALIKSIK
5. Nagpapatunay ito sa mga palagay,
haka-haka at paniniwala.

6. Nagpapasubali ito sa mga dati nang


pinaniniwalaang pero inaakalang may
mali, hindi totoo o hindi dapat
paniwalaan.
katangian ng PANANALIKSIK
1. Obhektibo – ang mga datos ay kinuha
sa mga ’di kumikiling na sanggunian.
2. Marami at iba’t iba ang mga
ginagamit na datos – lahat ng
posibleng pagkunan kahit pa
nakasulat sa wikang banyaga.
3. May pamamaraan o angkop na
metodolohihiya.
katangian ng PANANALIKSIK
4. Masuri o kritikal – sa paggamit ng
mga datos at sa pagtitimbang-
timbang sa mga ideya.

5. Dokumentado – sa mga materyales


na ginagamit bilang pagkilala sa
gawain ng iba at mga datos na
nakuha.
layunin ng PANANALIKSIK
1. Tumutuklas ng bagong datos at
impormasyon.
2. Magbigay ng bagong interpretasyon
sa lumang ideya.
3. Maglinaw sa isang pinagtatalunang
isyu.
4. Manghamon sa katotohanan sa
katotohanan o pagiging makatwiran
ng isang tanggap o pinapalagay na
totoo o makatotohanang ideya.
layunin ng PANANALIKSIK
5. Magpatunay na makatotohanan o
balido ang isang ideya,
interpretasyon, paniniwala, palagay o
pahayag.
6. Magbigay ng historical na
perspektiba para sa isang senaryo.
May mga ideyang makabuluhang
tignan o sueiin ang nakaraan at
hinahanap.
uri ng PANANALIKSIK
1. Palarawan (descriptive) – ito ay pag-
aaral sa mga pangkasalukuyang mga
ginagawa, kalagayan at pamantayan.
halimbawa:
Ang Pagtataya sa Saloobin ng mga
Mag-aaral at Instruktor ng Cebuano
sa Epekto ng Pagtuturo ng Wikang
Filipino
uri ng PANANALIKSIK
1. Palarawan (descriptive)
Ang pamaraang palarawan na
pananaliksik ay may iba’t ibang
kagamitang magagamit.
Kabilang dito ang:
- talatanungan o questionnaire
- mga pagsusulit - tape recorder
- anecdotal records - kamera
- interbyu - pagkuha ng tala
uri ng PANANALIKSIK
2. Pangkasaysayan (historical) –
binabakas nito ang pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari, ang pag-
unlad, ang mga dahilan ng bagay-
bagay, pinagmulan at bunga.
Halimbawa:
Ang Pag-aaral sa Ebolusyon ng
Wikang Filipino
uri ng PANANALIKSIK
3. Pamamaraang Eksperimental –
tumitingin ito sa hinahanap at kung ano
ang mangyayari. Ang obserbasyon dito
ay maaaring kontrolado.
Halimbawa:
Nais Malaman ng Isang Propesor o
Estudyante kung Higit na Mabisa
ang Paggamit ng Wikang Filipino
Bilang Wikang Panturo
Kaysa Ingles
uri ng PANANALIKSIK
4. Pamamaraang Batay sa Pamantayan
(normative) – kung ang resulta ng isang
pag-aaral ay ihahambing sa isang
umiiral na batayan o pamantayan
Halimbawa:
Paghahambing sa Nagampanan ng
Matematika sa Ikaapat na Taon sa
Isang Dibisyon sa Pambansang
Pamantayan sa Matematika sa
Ikaapat na taon.
uri ng PANANALIKSIK
5. Pag-aaral sa Isang Kaso (case study) –
ito ay isang malawakang pag-aaral sa
isang aklat, isang karanasan o
pangyayari, isang pasyente sa klinika,
isang usaping panghukuman, o isang
may takdang suliranin.
Halimbawa:
Ang Pag-aaral sa Kaso ng Isang
Drug Addict na Naging Dahilan
ng Pagkapasok sa
Rehabilitation Center
uri ng PANANALIKSIK
6. Hambingan at Pamaraan
(comparative) – gumagamit ito ng
mga hanayan ng paghahambing ng
mga paksa o datos.
Halimbawa:
Ang Pag-aaral sa Bunga o Epekto ng
Edukasyon sa Paaralang
Publiko at Pribado
uri ng PANANALIKSIK
7. Pag-aaral na Genetic (genetic study)
– sinusuri nito ang pagsulong at pag-
unlad ng isang paksa.
Halimbawa:
Ang Pag-aaral sa Yugto ng Pagdadalaga
o Pagbibinata (adolescent stage) ng
Isang Tao
Ang maNANALIKSIK
KATANGIAN NG MANANALIKSIK
1. Matiyaga sa paghahanap ng datos
2. Maparaan sa pagkuha ng datos.
3. Sistematiko sa pag-iskedyul ng mga
gawain.
4. Maingat sa pagpili ng mga datos batay
sa katotohanan at sa kredibilidad ng
pinagkunan, at pagsisiguro na lahat ay
sinisiyasat bago magbigay ng
kongklusyon.
Ang maNANALIKSIK
KATANGIAN NG MANANALIKSIK
5. Analitikal sa interpretasyon.
6. Kritikal sa interpretasyon.
7. Matapat sa pagbanggit ng mga
pinagkuhanang datos.
8. Responsible sa paggamit ng mga
nakuhang datos.
Etika at responsibilidad ng maNANALIKSIK
Malaki ang responsibilidad na naka-
atang sa balikat ng mananaliksik.
1. Kinakailangan lagi niya isaisip na ano
mang resulta ng kanyang
ginagawang pananaliksik ay
magbibigay ng epekto sa iba’t ibang
kaparaanan.
2. Kinakailangang maging makatoto-hanan
ang pananaliksik at dumaan sa isang
proseso, at ang mga interpretasyon ay
dumaan sa mabusising pamaraang
istatistikal.
Etika at responsibilidad ng maNANALIKSIK
3. Hindi nararapat hulaan ang
kalalabasan ng pananaliksik at hindi
nararapat manipulahin ang nagging
resulta at isunod ito sa kagustuhang
dapat maging resulta ng pag-aaral.
Etika at responsibilidad ng maNANALIKSIK
Isa sa malaking isyu sa pananaliksik
ay ang:

PLAGIARISM
o ang
PANGONGOPYA
Etika at responsibilidad ng maNANALIKSIK

Ang plagiarism ay ang teknikal na salitang


ginagamit sa wikang ingles kaugnay ng pango-
ngopya ng gawa ng iba nang walang pagkilala.
Ito ang nararapat iwasan ng mananaliksik
sapagkat itinuturing itong napakalaking
kasalanan sa larangan ng pananaliksik.
plagiarism at responsibilidad ng maNANALIKSIK
URI NG PLAGIARISM
1. Tahasang pag-angkin sa gawa ng
iba.
2. Pangongopya ng ilang bahagi ng
akda nang may kaunting pagbabago
sa ayos ng pangungusap at hindi
kinilala ang awtor.
3. Pang-angkin at/o paggaya sa
pamagat ng iba.
plagiarism at responsibilidad ng maNANALIKSIK
URI NG PLAGIARISM
1. Tahasang pag-angkin sa gawa ng
iba.
2. Pangongopya ng ilang bahagi ng
akda nang may kaunting pagbabago
sa ayos ng pangungusap at hindi
kinilala ang awtor.
3. Pang-angkin at/o paggaya sa
pamagat ng iba.
pananaliksik
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG NG
ISANG MANANALIKSIK
• Ano ang aking sasaliksikin?
• Saan ko ito makukuha?
• Paano ko ito uumpisahan,
palalawakin at tatapusin?
pananaliksik
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG NG
ISANG MANANALIKSIK
1. Karanasan sa Pananaliksik
2. Oras at Panahon
3. Lugar at mga Kagamitan
4. Pera o Pantustos
5. Etikal na Konsiderasyon

You might also like