Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

ANG PLASTER NI BONG

ISANG ARAW, PUMASOK SI BONG SA KLASE NA NAKA-BENDA ANG KAMAY. NAGTAKA


ANG
KANYANG MGA KAKLASE AT UNTI-UNTING NAGLAPITAN SA KANYA. “ANONG NANGYARI
SA IYO,
BONG?”, TANONG NI ANNIE.
“PLASTER YAN, HINDI BA? NAKU, NABALIAN KA NG BUTO!” ANG MALAKAS NA SIGAW NI
TITO MULA
SA LIKURAN
“OO, TITO. NABALI ANG BUTO KO SA BRASO. NAG-BISIKLETA KASI AKO SA MADULAS NA
KALSADA
AT NADISGRASYA. DAPAT TALAGA NAKINIG AKO KAY NANAY. HINDI PA SANA NANGYARI
ITO.”,
MAHINANG SAGOT NI BONG.
“HAYAAN MO NA, BONG. GAGALING DIN YAN PAGKATAPOS NG ILANG BUWAN.”, SABI NI
EMY
HABANG INAALALAYAN SI BONG SA KANYANG UPUAN.
TUMAHIMIK ANG LAHAT NG DUMATING SI GNG. SANTOS. HUDYAT NA ITO NG SIMULA NG
KLASE.
MATAPOS NILANG MAGDASAL AY NAGSALITA ANG GURO SA LAHAT.
“SALAMAT SA PAG-AALALA NINYO SA INYONG KAKLASE. TULUNGAN MUNA NATIN SIYA
SA ILANG
MGA GAWAIN HABANG ANG KAMAY NIYA AY NAKA-PLASTER.
Ano ang damdaming ipinahayag ng bawat sinabi ng mga karakter sa kwento? Isulat
ang titik ng tamang sagot sa patlang.
____1. Bong ________ 2. Annie ______ 3. Tito
________4. Emy __________5.. Gng. Santos
a. pagbibigay pag-asa
b. pagbibigay paalala
c. pag-aalala
d. pagtataka
e. pagsisisi
. Paano kaya ipapakita ng mga kaklase ni Bong ang pagtulong sa kanya habang ang
kamay niya ay naka-plaster?
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Ang Alamat ng Langaw
Noong unang panahon, mayroong isang bayang kahit saan
ka lumingon at may basura.
Ang mga tao ay masasayang namumuhay sana ngunit hindi
sila marunong maglinis ng kanilang mga bakuran. Ang mga
bata ay laging marurumi at hindi marunong maligo.
Ngunit walang gumagawa ng hakbang para luminis ang
lugar. Kuntento lamang ang mga tao sa kanilang buhay
hanggang isa-isang nagkawalaan ang mga tao.
Natakot ang mga mamamayan ng bayan. Napadalas kasi
ang pagkawala ng kanilang
mga kababayan. Iniutos ng hari na magkaroon ng mga
grupo ng tao na mag-iikot araw
at gabi upang magbantay. Doon nila nakita ang higanteng si
Angaw.

Masarap talagang kumain ng tao lalo na kung ito’y marumi, ” narinig pa nila itong
sinabi ni Angaw habang nag-iikot sa kadiliman ng gabi. Isinumbong ito ng mga
mamamayan sa hari.
Dahil doon, ipinagutos ng hari na magtulong-tulong ang lahat na maglinis ng kanilang
bayan. Tinuruan din nila ang mga batang maglinis ng katawan. Bumango at luminis
ang bayan.
Natigil ang pagkawala ng mga tao mula sa bayang ito.
Nagtaka sila kung anong nangyari kay Angaw. Sa
kanilang paghahanap, nakita nilang ito’y namatay na
sa gutom dahil wala nang makaing maruruming tao.
Inihagis nila ang bangkay nito sa isang malalim na
bangin kung saan nila itinapon ang mga basura ng
kanilang bayan. Pagkatapos ng ilang lingo ay nawala
ang bangkay ni Amok at nagkarooon ng maraming
lumilipad-lipad na insekto dito. Tinawag nila itong
Langaw upang maalala ang higanteng si Angaw.
Tinabunan nila ang basura ng lupa at nawala ang mga
langaw na lumilipad-lipad. Magmula noon ay hindi na
pinabayaan ng mga mamamayan ang kalinisan sa
kanilang
lugar at mga katawan. Ayaw na nilang bumalik ang mga
langaw sa kanilang lugar.
1. Ano ang pangyayaring nagdulot ng takot sa mga mamamayan ng bayan?
______________________________________________________________________
2. Ano ang pangalan ng higanteng kumakain ng tao sa kanilang lugar?
______________________________________________________________________
3. Bakit gustong-gustong kainin ng higante ang mga tao sa kanilang bayan?

You might also like