Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 29

Kalinisang

Pansarili
Paunang Salita

Ang kalinisang pansarili ay mga gawi at


kaugaliang pangkalinisan na nagpapanatili ng
malusog na katawan at naiiwasan ang
pagkakasakit. Ang mabuting kalusugan ay
magbibigay ng mas kumpleto at masaganang
buhay.
Ang isang malusog na tao ay may lakas para
makapagtrabaho at makapaglaro. Ang
kalusugan ay nangangahulugan ng
mabuting pagiisip at malakas na katawan,
hindi lang ang kawalan ng sakit o
karamdaman.
Paano Pangangalagaan ang
Kalusugan ko?

Sinasabing ang “KALUSUGAN AY KAYAMANAN”

Sa hirap ng buhay, sa mahal ng presyo ng gamot


ngayon, laging tandaad na “BAWAL
MAGKASAKIT”
Ano nga ba ang
dapat mong gawin?
Itanong sa sarili,
“Paano ko nga ba
mapapangalagaan
ang Kalusugan ko?”
Gawin natin ang mga
sumusunod upang
malabanan ng ating
katawan ang
pagkakasakit
1. Maligo araw-araw
-sa pamamagitan ng
tubig at sabon
napapanatili nitong
malinis ang ating
balat upang
mabawasan ang mga
mikrobyo na
nagiging sanhi ng
karamdaman.
2. Maghugas ng kamay
-bago at matapos kumain, pagkatapos
gumamit ng palikuran, o kapag marumi ito.
Maraming nakakapaminsalang mikrobyo
ang dumidikit sa ating kamay kaya
kinakailangang sabunin
ito at banlawang mabuti.
3. Maglinis ng tainga
-upang maalis ang alikabok at mikrobyo.
Ang ating tainga natin ay may maliliit na
buhok sa loob. Dumidikit
ang mga mikrobyo dito.
Pangangalaga sa ating Tainga
Paglilinis ng Tainga

Tama Mali

Linisin loob at labas


ng tainga gamit ang
malinis na bimpo na
dinampian ng
malinis tubig.
Maghilamos ng
4.
mukha
-panatilihing malinis lagi ang mukha.
Pinoprotektahan tayo ng ating mga mata at
ilong laban sa mikrobyo. Hinuhugasan ng
ating luha ang mga alikabok at mikrobyo
habang ang mga buhok sa ilong natin ay
sinasala ang mga alikabok na ating
nalalanghap.
1. Hugasan ang mga kamay upang
maalis ang mga dumi na
kumapit dito.
2. Basain ang mukha ng malinis
na tubig, lagyan ng sabon ang
kamay at marahang ikuskos sa
mukha na parang gumagawa ng
bilog.
3. Huwag kalimutang sabunin ang
ilong at leeg.
4. Banlawang mabuti ng malinis n
tubig at tuyuin gamit ang
malinis na bimpo.
5. Magsipilyo ng ngipin
-tatlong beses isang araw o tuwing
matapos kumain.
6. Magsuot ng tsinelas
-ang pagsusuot ng panapin sa paa ay
nagsisilbing protekta upang hindi tayo
mapasukan ng mikrobyo at bulate lalu na
kung may sugat.
7. Mag-gupit ng kuko
-ugaliin nang gawin ito, ang mahabang
kuko ay nagiging sanhi din ng pagkakasakit
dahil sumisiksik ang mga dumi at mikrobyo
dito.
8. Magpalit ng malinis
na damit
-pati damit panloob matapos maligo.
Ang maruming damit ay sanhi din ng mga
mikrobyo na maaari kumapit sa ating
katawan.
Dapat lagig malinis ang ating kapaligiran at ang
ating katawan upang maiwasan ang bulate. Huwag
maglakad sa kalye ng nakapaa.

Takpan parati ang mga pagkain


upang hindi dapuan ng langaw.

Ang karne tulad ng baboy at baka ay


kinakailangang lutuin ng mabuti bago kainin.
Tandaan!
“Ang bulate o itlog nito ay maaaring makapasok
sa ating katawan sa pamamagitan
ng ating bibig.”

“Ang bulate ay nakakapasok sa ating


katawan sa pamamagitan ng butas sa
ating katawan.”
“Kinakain din ng mga bulate na nasa bituka natin ang
pagkaing kinain natin. Ito ang nagiging dahilan upang
tayo ay manghina.”

“Ang ibang bulate ay kumakabit sa ating bituka


at sumisipsip ng dugo, ang iba
naman ay pumupunta sa ibang
bahagi ng katawan, tulad ng
atay o puso.”
Tandaan!
Ang mikrobyo ay madaling magpalipat-lipat sa ibat-
ibang tao o sa iba’t ibang lugar.

Kung hindi tayo magiingat, ang mga mikrobyo ay


maaaring makapasok sa ating
katawan na sanhi ng
ating pagkakasakit.
Kailangan nating takpan ang ating bibig o
gumamit ng panyo sa tuwing tayo ay uubo o
babahing…
-kung ikaw ay may sipon at bumahing ng hindi
nagtatakip ng bibig, ang mga mikrobyo ay liliparin ng
hangin. Ito ay maaaring malanghap ng ibang tao at
mahawa sa sakit.
TAMANG
GAWAIN

MALING
GAWAIN
Kailangan nating iwasan ang panghihiram ng
damit o gamit ng ibang tao…
-ang damit ay kinakapitan din ng mikrobyo lalo
na kung ang may-ari ay may sakit na nakakahawa, ito
ay maaaring maipasa sayo.
Ano mang karamdaman ay maaari ding
manggaling sa ating kapabayaan kaya upang
maiwasan natin ang sakit sa ating katawan,
sikaping maging malinis sa lahat ng bagay.
MARAMING SALAMAT
SA INYO 
Ang Kalinisan at
Kalusugan ay
nasa inyong mga
Kamay

You might also like