ALLPPT.com _ Free PowerPoint Templates, Diagrams and Charts
Humarap sa iyong katabi at ibahagi ang sagot sa tanong na…
NAKABASA KA NA BA NG KOMIKS? Pagsasalarawan ng KOMIKS Mula sa mga dala ninyong komiks, maari nyo bang bigyan ng paglalarawan ito?
Isulat sa pisara ang sagot
(dalawa o tatlong sagot) Magkuwento tayo! KOMIKS isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. KOMIKS binubuo ito ng isa o higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang higit na makaapekto nang may lalim.
Bagaman palagiang paksang katatawanan ang komiks, sa
kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga uri (genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon. KOMIKS Ang komiks ay inilarawan bilang isang makulay at popular na babasahin na nagbigay-aliw sa mambabasa, nagturo ng iba't ibang kaalaman at nagsulong ng kulturang Pilipino. KOMIKS Manunulat – sumusulat ng kuwento sa komiks Debuhista – tagaguhit/taga-drowing sa komiks BAHAGI NG KOMIKS GAWAIN Gamit ang iyong dalang komiks, gumupit ng papel at isulat ang iba’t ibang bahagi ng komiks. Idikit ito sa dalang komiks upang maipakita ang bahagi tinutukoy. RIPLEKSIYON Bakit patuloy na kinagigiliwang basahin ang komiks? RIPLEKSIYON Mabisa bang midyum ang komiks upang mailarawan ang kultura, tradisyon at ang kasalukuyang kalagayan ng isang lipunan? PAGTATAYA Pagbubuo ng sariling komiks na may temang “Kapaligiran ko, Aalagaan ko.” Takdang Gawain Maaring iuwi ang hindi natapos na paggawa ng komiks.