Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

PAGBANGON MULA SA

HAMON NG DIGMAAN QTR 3


WK 1
ARALING PANLIPUNAN 6
HULYO 4, 1946 – tuluyan na tayong
pinalaya ng mga Amerikano mula sa
kolonyalisasyon.

- Nanumpa si Manuel Roxas bilang


pangulo ng Ikatlong Republika
-Kinilala ang Pilipinas bilang
pinakaunang malayang
demokratikong bansa sa Asya
MGA SULIRANIN NG BANSA
MATAPOS ANG DIGMAAN:

1. Hindi naging sapat ang trabaho at


mababa ang sahod ng mga
manggagawa.
2. Ang produksyon ng agrikultura at
industriya ay nanatiling mababa.
3. Ang halaga ng pananalapi ay
dumausdos at nasa kritikal na
sitwasyon
MGA SULIRANIN NG BANSA
MATAPOS ANG DIGMAAN:

4. Mabagal ang pagkakaroon ng mga


bagong trabaho at ang
pagpapalakas ng ekonomiya.
5. Masyado pa ring umaasa ang mga
Pilipino sa kakaunting kinikita sa
pagtatanim ng palay, niyog, asukal
at abaka.
April 30, 1946 – Inaprubahan ang Philippine
Rehabilitation Act

WAR DAMAGE ACT / PHIL. REHABILITATION ACT :


-nagbigay ng pondo para sa mga nawasak
na gusali noong digmaan
-binigyan din ng tulong ang mga
negosyong naapektuhan.
-ang ilang kagamitan ng mga Amerikano
ay ibinigay na rin sa pamahalaan
NILALAMAN NG PHIL. REHABILITATION ACT

1. Naglaan ng kabayarang umabot sa


$400 milyon para sa pinsalang dulot
ng digmaan.
2. Pagbibigay ng sobrang kagamitang
militar na nagkakahalaga ng $100
milyon.
3. Karagdagan $150 milyon para sa
pagsasaayos at pagpapagawa ng
mga pampublikong imprastraktura.
NILALAMAN NG PHIL. REHABILITATION ACT

4. Nagkaroon ng malayang kalakalan


o “Open Trade” sa pagitan ng
dalawang bansa sa loob ng 8 taon,
na susundan pa ng karagdagang 20
taon. Kasabay nito, unti-unting tataas
ang taripa (tariff) ng bawat
produktong pumapasok at
lumalabas sa bansa.
ILANG KASUNDUANG NABUO SA PAGITAN NG
PILIPINAS AT AMERIKA:

1. Military Base Treaty


2. Bell Trade Act
MILITARY BASE TREATY :
-ang mga base militar sa Pilipinas ay
mananatili sa kontrol ng US.
- nilimitahan ang pakikialam ng
Pilipinas sa mga usaping may
kinalaman sa pamamalakad ng mga
base militar
ILANG KASUNDUANG NABUO SA PAGITAN NG
PILIPINAS AT AMERIKA:

BELL TRADE ACT :


- Makakapasok ang mga produktong
Pilipino sa Amerika na walang ipinapataw
na buwis o taripa.

PARITY RIGHTS – nagbigay ng karapatan sa


US at mga Amerikanong korporasyon na
pakialaman ang mga pinagkukunang-
yaman ng Pilipinas.
ANG PAGPASOK NG
NEOKOLONYALISMO
(NEO-COLONIALISM)
• NEOKOLONYALISMO – tumutukoy
sa relasyon ng dalawang
nagsasariling bansa na ang mas
malakas na bansa ay may
impluwensya sa mas mahinang
bansa
KATANGIAN NG NEOKOLONYALISMO
AYON SA RELASYONG US-PILIPINAS:
1. Naging “obligasyon” ng Estados Unidos
na tulungan ang Pilipinas dahil ito ay
kaalyado niya noong digmaan.
2. Nagkaroon ng patuloy na kalakalan sa
pagitan ng dalawang bansa dahil
itinuturing ng US na isang mahalagang
pamilihan ang Pilipinas.

You might also like