Makabuo ng batayan pagpapasyahan sa kalakalan at iba Makabagbigay ng kasiyahan sa kuryusidad Mapatunayan ang umiiral na kaalaman Makatuklas ng bagong kaalaman URI NG PANANALIKSIK a. BATAY SA PAKAY O LAYON 1. BATAYAN NG PANANALIKSIK ( BASIC RESEARCH ) Isang mausisang pananaliksik tungkol sa isang konsepto o kaisipan, isang di- maunawaan phenomeno, suliranin nararanasan ng lipunan o kaya’y sarili at kapaligiran na maaring matapos at makita ang kasagutan sa katapusan ng pananaliksik. Halimbawa: May kakayahan ba tayong maarok ang pinaka-pusod ng aktibong bulkan? Bakit tiwali ang mga politiko? Paano malulutas ang problema iligal na paggamit ng droga? 2. PRAKTIKAL NA PANANALIKSIK ( Applied Reseach) Ang layunin ay mabigyan ng kalutasan ang isang praktikal na problem sa lipunan. Malaki ang maitutulong nito sa sangkatauhan. Halimbawa: Paano malulutas ang trapik sa EDSA at karatig pook? Malaki ba ang maitutulong ng pamahalaan sa problemang lumalalang kahirapan? b. BATAY SA PROSESO 1. PALARAWANG PANANALIKSIK( DESCRIPTIVE RESEARCH Naglalarawan ito ng mga diskurso, pangyayari o penomenong ayon sa pananaw at karanasan ng kalahok sa pananaliksik. Halimbawa: Ang Pagtatrabaho ng mga Filipina sa ibang bansa. Ang lumalalang korapsyon sa iba’t-ibang department ng pamahalaan. 2. PAGALUGAD NA PANANALIKSIK ( EXPLORATORY RESEARCH) Pag-uusisa, paggagalugad, at pagtuklas sa isang penomenon o ideya. Paraan kung paano magiging mabisang gamut ang kamandag ng ahas. Pakikpaglaban ng mga babaeng biktima ng pang-aabuso sa paggawaan 3. PAGPAPALIWANAG NA PANANALIKSIK ( EXPLANATORY RESEARCH Nagpapaliwanag o nagsusri sa painag-aaralan Halimbawa: Epekto ng Computer Games sa Pag-uugali, Pag-iisip at Kalusugan ng estudyante Espiritual na Pagpapahalaga ng Kabataan. 4. EKSPIREMENTAL NA PANANALIKSIK ( EXPIREMENTAL RESEARCH) Nagpapaliwanag ito sa kahihinatnan, sanhi, at bunga batay sa salik o baryabol na ginagamit na disenyo ng pananaliksik HALIMBAWA Pinakamainam na Gawin sa Pagtuturo ng wika. c. BATAY SA SAKLAW NA MGA LARANGAN 1. DISIPLINARING PANANALIKSIK Ito’y tuon sa isang larangan o espesyalisasyon ng mga mananaliksik Halimbawa Ang Umuusbong Gramatika sa Kasalukuyan 2. MULTIDISIPLINARING PANANALIKSIK Higit sa isang mananaliksikang kabilang at sila ay mula sa iba’t-ibang larangan na ang pinag-aaralan ay isang paksa lamang. HALIMBAWA: Ang Politika sa Pilipinas…( Mag-aaral, Sosyologo, Edukador, Sikologo ) 3. INTERDISIPINARING PANANALIKSIK Ginagawa ito kung ang mananaliksik ay may kaligiran (background) sa dalawa o higit pang larangan HALIMBAWA: Ang Makabayang Musika/ Awitin ( pag-aaralan ng may kaligiran sa Eduksayon at Musika) 4. TRANSDISIPLININARING PANANALIKSIK Pag-aaralan ng mananaliksik ang paksang hindi kabilang sa larangang pinagkadalubhasaan. HALIMBAWA: Ang Therapy ng tinaguriang “Doctor Dog” ( Pinag- aaralang ng clinical Phycologist) ang epekto ng isang palakaibigang at talentadong aso sa may mga sakit na bata at matanda. ANG MAKA-PILIPINONG PANANALIKSIK Ang pananaliksik ay paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga partikular na katanungan ng tao tungkol sa kanyang lipunan o kapaligiran. KATANGIAN NG MAKA-PILIPINONG PANANALIKSIK Gumagamit ng wikang Filipino at mga katutubong wika ng Pilipinas at tumatalakay sa mga paksang malapit sa puso ng mga puso at isipan ng mga mamayanan. Mga piling paksa na naayon sa interes at kapaki-pakinabang sa sambayang Pilipino. Komunidad ang laboratory ng mga maka-Pilipinong pananaliksik. Isang mahagang tungkulin ng mag-aaral na lumabas at tumungo sa mga komunidad bilang lunsaran ng mga maka-pilipinong pananaliksik upang makakuha ng tunay na karanasan at kaalaman sa masa.