Professional Documents
Culture Documents
KOMFIL
KOMFIL
Ilan sa mga asignaturang Filipino na maaaring ituro sa kolehiyo bilang core course ang mga
sumusunod: Wikang Filipino Bilang Wikang Intelektwal sa Agham Panlipunan,
Humanidades, Agham, at Teknolohiya; Panitikan at Lipunan; Mga Wika at Kultura ng
Pilipinas; at Mga Babasahin sa Araling Pilipinas (Philippine Studies).
RESOLUSYON NG NATIONAL COMMITTEE ON LANGUAGE
AND TRANSLATION KAUGNAY NG FILIPINO SA KOLEHIYO
Ang CMO No. 20 ay labag sa Konstitusyong 1987 gaya ng isinasaad sa Artikulo XIV,
Seksiyon 6 na ". . . dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at
bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Sa konteksto ng napipintong Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)
Integration, lumalaki ang pangangailangan na patibayin natin ang ating wikang pambansa
upang mapanatili nating buhay ang sariling identidad, gaya ng ginagawa ng ating mga kasama
sa ASEAN, kaagapay ng inaasahang integrasyong panrehiyon.
MGA PETISYON