Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 68

KAGAMITAN SA

SARILING PAGKATUTO
• Kaiba sa ibang instruksyunal na kagamitan ang
mga kagamitan sa sariling pagkatuto katulad ng
Pinaluntunang kagamitan, Sariling linangan kit
(SLK), Kagamitan sa Sariling Pagkatuto(KSP), at
modyul. Ang mga ganitong uri ng mga
kagamitan ay may layuning makapagturo na
hindi kinakailangan ang palaging patnubay ng
guro.
•Karaniwang inihahanda ang kagamitan sa
sariling pagkatutopara sa mga mag-aaral
na hindi makapapasok sa paaralan dahil
sa ibat-ibang kadahilanan bagama't
maari rin namang ihanda ito para sa
karaniwang mag-aaral upang lalo pang
malinang ang taglay na nilang kaalaman.
ISA SA MGA KAGAMITAN SA
SARILING PAGKATUTO
A. MODYUL
• Buo at ganap da kanyang sarili ang
modyul.Sistematikong nakalahad dito ang mga
nakatakdang gawain na maaaring gawing
makatutulong sa mag-aaral upang matamo ang mga
layunin sa aralin nang hindi pinapatnubayan ng guro.
• Nakalahad ang mga nakatakdang gawain na
maaaring makatutulong sa mga mag-aaral upang
matamo ang mga layunin sa aralin ng hindi
pinapatnubayan ng guro.
B. BAHAGI NG MODYUL
• Iba iba ang balangkas o pormat ng modyul
depende sa gumagawa nito, subalit may
mga batayang bahagi na maaaring gawing
gabay lalo na ng mga nagsisimulang
maghanda.
1.PAMAGAT
•Ang mga Patinig
2.TARGET NA
MAG-AARAL
• ilalahad dito kung sino
ang tiyak na gagamit ng
modyul.
3.PANIMULA
• Ipinapaliwanag kung tungkol saan
ang modyul. Bakit mahalaga ang
modyul sa target na mag-aaral?
4.LAYUNIN
• kailangang ilahad kung ano-ano ang
kasanayang kailangang matamo ng
gagamit ng modyul matapos niyang
magawa ang gawin dito.
5. KINAKAILANGANG
KAHANDAANG GAWAIN O
ENTRY BEHAVIOR
•kailangan malaman muna niya
kung anong mga kaalaman,
kasanayan, o gawin na dapat ay
alam o marunong na siya.
6. PAUNANG PAGSUSULIT O
PRE- TEST
• kaugnay ng pagtataya kung
makahanda ba ang mag-aaral sa
modyul, kailangan masagutan nito ang
unang pagsubok.
7.TAGUBILIN O
PANUTO

• Pangkalahatang panuto sa
paggamit ng modyul.
8. GAWAIN NA
PAGKATUTO
• Pinakakatawan ng
modyul.
9.KATANUNGAN

• Bawat aralin ay may


sinusundan ng katanungan
na kinakailangan sagutin
ng mag-aaral.
10. SAGOT SA
TANONG
• Paglalahad ng sagot sa bawat
tanong nang sa ganoon ay
malaman agad ng mga mag-
aaral ang kawastuhan ng
kanilang tugon.
KAGAMITANG
NAMAMASDAN
• Isa sa mga karaniwang inihahanda ng mga guro sa
pagtuturo ay ang mga kagamitang namamasdan o
biswal na materyal. Ang mga halimbawa nito ay ang
Modelo, bulletin at iba pang paskilan, ipinapaskil,
larawan, desinyong grapiko at mga tunay na bagay.
• Kabilang din dito ang mga electronikong kagamitan
tulad ngn telebisyon, kompyuter, power point
presention, video, pelikula, at mga katulad nito.
•Nakatutulong ang mga kagamitang
namamasdan upang mabigyan ng
diin ang paksang aralin.
•Ang iba’t ibang anyo, liwanag, kulay,
galaw, at tunog ay nagdudulot ng
kakaibang karanasan sa mga mag
aaral at nakapag-aalis ng bagot sa
karaniwang gawain sa pagkatuto.
MODELO
• Ayon kina Abad at Ruedas (1996), ang modelo ay
panggagaya sa orihinal na kaanyuan at kabuuan ng isang
tunay na bagay. Maaring ito ay yari sa anumang materyal
tulad ng kahoy, plastik, bakal, putik (clay), at iba pa.
• May mga modelong nabibili at may mga modelo rin
naming maaaring gawin ng guro o ng mga mag-aaral. Nasa
susunod na pahina ang halimbawa ng paggawa ng isang
modelo.
PAGGAWA NG MODELONG
PAMAYANAN
MGA KAKAILANGANIN:
• Mga kahon, karton, sisidlan (iba’t-ibang laki at hugis)
• Papel (iba’t-ibang kulay)
• Pansulat(lapis, ballpen, pentel pen, iba pa)
• gunting
• Pandikit(glue, tape, iba pa)
• Pangkulay(krayola, pinta, iba pa)
• Mga butones
• ¼ illustration board
• Sa isang pamayanan, karaniwang
makikita ang mga gusali, bahay, sasakyan,
puno o tanim, mga tao at marami pang
iba. Sa pamamagitan ng mga inihandang
bagy, gamitin ang imahinasyon upang
gumawa ng mga ito.
• Tulad ng sumusunod;
PAGGAWA NG GUSALI O
BAHAY
• Balutan ang mga kahon, karton o iba pang sisidlan ng may kulay
na papel.
• Guntingin/butasan ang mga kahon para sa pintuan, bintana at
iba pa (humingi ng tulong sa nakatatanda kung kinakailangan)
• Maaaring gumamit ng mga tubo ng tisyu upang gawaing
tsimeniya.
• Guhitan, kulayan at lagyan pa ng ibang dekorasyon ayon sa
kagustuhan.
B. BULLETIN AT IBA
PANG PASKILAN
• Karaniwan, nakapirme o walang galaw ang
buletin sa may dingding, subalit minsan
nagagalaw o napapagalaw ito. Ang panlabas
o pang-ibabaw nito ay maaaring gawa sa
malambot na wall board o cork board
upang madaling mapaskilan.
C. LARAWAN
• Kabilang sa uring ito ng kagamitang namamasdan
ay mga larawang kuha ng kamera, iginuhit ,
ginupit mula sa mga babasahin, kinuha mula sa
mga internet o kompyuter at epinirint sa papel,
at marami pang ibang maaring pagkunan. Tulad ng
modelo, nagsisilbi itong repliksyon ng isang tunay
na bagay o pangyayari.
MGA DAPAT
TANDAAN SA
PAGPILI NG
LARAWANG
GAGAMITIN
1. KAANGKUPAN
•Angkop sa mga katangian ng mga
mag-aaral. Hindi ito magdudulot ng
kalituhan o katanungan hindi
nararapat talakayin sa kanilang
edad o kakayahan.
2. KAWILIHAN
•Mga larawang makatawag
pansin na nakapupukaw ng
interes sa mga mag-aaral.
3. KULAY AT
KONTRAS
• Iwasang gamitin ang mga larawang
madidilim na hindi Makita nang
malinaw ang inilalarawan.Yaon ding
sobrang liwanang o nakasisilaw ay
hindi makabubuti sa paningin ng mga
mag-aaral.
4. SUKAT
•Siguruhing sapat ang laki
ng larawang ipakikita.
5. PAGGAMIT
•Mas makabubuti kung ang
larawan ay naisasabi o naipapaskil.
Hindi kumbinyente sa mga mag-
aaral na pagmasdan ang larawan
kung ito ay galaw ng galaw.
D. DISENYONG GRAPIKO
• Isang metodo o pamaraang biswal sa pakikipagtalastasan at
presentasyon na ang pokus ay makapagbigay impormasyon ,
mkabuo ng mga ideya, magpakita ng ekspresyon ,
makapagbigay ng mensahe, konsepto at/o damdaming
nagdodokumento ng mga karansang pantao.
• Pinakapamilyar o gamitin at tiyak na halimbawa ng disenyong
grapiko ay ang mga graphic organizer. Pangunahing layunin
nito ang Mapagaan ang pagtuturo pagkatuto sa tulong ng
mga biswal na simbolo.
Ito ay nakatutulong sa motibasyon , sa pag-unlad ng pag-
alala (recall) , pag-antabay sa pang-unawa ,paglikha ng
kawilihan (interest) , pagtanggal ng Pagkabagot (boredom) at
pag-sasaayos ng mga naiisip o nadarama at ng mga ideya o
mensahing nais na iparating o itanghal.
• Maaring gamitin ang graphic organizer sa lahat ng
hakbang sa pamaraan ng pagtuturo . Kinakailangang maging
matalino aat malikhain ang guro sa paglikha ng mga
disenyog grapiko upang maging epektibo sa paggamit nito.
Mga halimbawa:

1. Semantic Map o Semantic Web -


Pinapalawak ang kahulugan ng ng isang salita o
konsepto o ,masagot ang isang partikular na tanong.

2.Word Map
Ipinakikita nito ang mahahalagang elemento ng isang
-

konsepto.
3. Concept Map

• Nag-uugnay rito ng mga konsepto


hanngang makabuo ng malaking ideya
o katuturan ng mga ito . Makikita rito
ang kaayusan o organisasyon ng mga
konsepto mula sa pangunahing teksto.
4.Factstorming Web
• Kung ihahambing sa semantic web sapagkat
makikita rito maging ang mga detalye. Nasa
sentro ang pangunahing konsepto at
nakapaligid dito ang mga kaugnay na
konsepto.
• Nakapaligid naman sa kaugnayan na
konsepto ang detalye.
5. Story Map
• Nakatutulong ang story map na magabayan ang mga
mag-aaral sa pag-unawa at pagsusuri ng isang kwento
(BECK and McKeowa,1981
• (BECK and McKeowa,1981). Maaring magamit ang
disenyong ito sa hindi lamang sa mga maiikling kwento
kundi maging sa mahahabang salaysayan tulad ng
nobela.Ipinkikita nito ang ibat ibang element ng isang
kwento upang maging madali sa mga mag-aaral ang
pag-unawa at pag-alala sa mga mahahalagang detalye ng
kwento.
6. Discussion Web

• Ginagamit sa pagtatalakay ng mga isyu


na halos timbang o balanseng
masasagot ng OO o HINDI.
Nagoorganisa rito ang mga argumento
o ebidensya tungkol sa isyung
tinatalakay.
Makikita sa ibaba ang gabay sa pagtalakay:
• a. Umiisip ng tanong na halos timbang o balanseng
masasagot ng OO at HINDI at isulat iyon sa loob
ng isang kahon.
• b. Isulat ang sagot sa tanong sa ilalim ng OO o
HINDI .
• c. Suriin ang bawat sagot.
• d. Magbigay ng kongklusyun batay sa mga datos na
nasa ilalim ng OO o HINDI.
7. Venn Diagram

•Ginagamit ito sa paghahambing ng mga


katangian ng dalawangn paksa
(pangyayari, bagay, atbp.) upang Makita
ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga
ito.
8. CLINING
DESINYO NA NAGPAPAKITA NG
PAGKAKAUGNAYAN NG MGA SALITA
AYON SA ANTAS O TINDI NG
KAHULUGAN NITO. INILALARAWAN
NG CLINING ANG SIDHI NG BAWAT
SALITA AT DITTO MAKIKILALA ANG
PINAKAANGKOP NA SALITANG DAPAT
GAMITIN PARA SA ISANG
KONSEPTONG NAIS ILARAWAN.
9. K-W-L Technique (know-
want-learn)
•Inaalam dito ang mga dati ng
kaalaman (prior
knowledge/schema) na iniuugnay sa
mga bagong kaalaman.
E.Tunay na Bagay
• Isang mahalagang kagamitang namamasdan ang mga
tunay na bagay. Kung kaya rin lamang at posibleng
madala sa loob ng silid-aralan nag kinakailangang bagay
ay dalin ito upang ganap na maranasan ng mga mag-
aaral ang kaalamang dapat matutunan.
• Ang pagmamasid lalo na ang paghawak sa mga tunay
na bagay ay nagbibigay ng kakaibang karanasan sa mga
mag-aaral.
ELEKTRONIKONG
KAGAMITAN
• Kasabay ng pagbabago ng panahon ay ang paglitaw ng
iba't-ibang kagamitan tumutugon sa makabagong
teknolohiya ng komunikasyon at edukasyon.
Karaniwan sa mga kagamitang ito ay gumagamit ng
kuryente tulad ng telebisyon, radyo, dvd player,
projektorvat iba pa. Naging sopistikado ang paraan
ng pagpapalaganap ng impormasyon sa iba't-ibang
anyo ng media - nakalimbag, brodkast (telebisyon at
radyo), pelikula o iba't-ibang film, at internet.
• Sa kasalukayan, internet ang mabilis na
lumalaganap na anyo ng media. Sumunod ito sa
paglitaw ng kompyuter at iba pang
elektronikong kagamit. Karaniwang nasasakop
ng internet ang iba pang anyo ng media at
maituturing na ito ang pinakapopular na media
sa kasalukuyan.
• Ang mga nabanggit na kagamitan ay
matatagpuan din sa iba't-ibang silid-aralan ng
tumululong sa guro sa kanyang pagtuturo.
A. ANG PAPEL NG
KOMPYUTER SA PAGTUTURO
• Ang IT o Information Technology ayon kina
Villafuerte at Bernales (2008) ang pinakamabisang
gamit sa pagpaplano at paghahanda tungo sa pagkatuto
ng mga mag-aaral. Isa itong makabagong teknolohiya ng
tinatawag na TELECOMMUNICATION kung saan
naipapasa ang mga impormasyon sa pamamagitan ng
kompyuter at internet. Ito ay ginagamit ng global
competitiveness.
ILAN SA MGA MABISANG NAIDUDULOT
NG PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYANG
ITO AY ANG MGA SUMUSUNOD
(VILLARFUERTE AT BERNALES 2018)

•1. Multisensory delivery- higit na


natututo ang mga mag-aaral kung gumagamit ang guro ng
dinig-tanaw o kinestetik.

•2. Sariling ekspresyon at aktibong


pagkatuto- nahihikayat ang mga mag-aaral na
makilahok sa proseso ng pagkatuto sa pamamagitan ng
makabagong teknolohiya.
•3. Pag-iisip kritikal- masusing nakagagawa
ng maraming bagay ang mga mag-aaral dahil sa
pagkakaroon nila ng interest sa pinag-aralan.

•4. Pagkatutung tulung-tulong- higit na


mas malaking bahagi ng buong klase ang masasakop ng
teknolohiyang ito sa maikling panahon kaya madali na
ang pagsasagawa ng mga pangkatang Gawain.
•5. Kasanayang pang
komunikasyon
• ang teknolohiyang ginagamit para sa pagkilala
ng tinig, paglalagom mula sa teksto patungo
sa pagsasalita at paggamit ng iba't-ibang
programang pangkompyuter ay daan upang
matukoy ang potensyal ng mga mag-aaral.
B. ANG E-KAGAMITANG
PAMPAGTUTURO
• Sa kasalukuyan, ang pagkakabit ng e- sa
iba't-ibang salita ay lumalawak na paraan ng
pagbuo ng salita sa larangan ng kompyuter
at ibternet. Noong una, ito ay nagsisilbing
daglat lamang ng salitang daglat lamang ng
salitang electronic tulad ng e-mail na muka
sa electronic mail.
• Hindi nagtagal, lumaganap ang gamit nito sa
iba't-ibang ekspresyon ayon kay Quinton
hanggang sa hindi na matiyak kung ito ay
daglat pa rin ng electronic o isang panlapi
na tinatawag itong e-prefix o panlapu ni
David Crystal sa kanysng Language and the
internet kung saan nagsasabi na anumang
salitang ikabit dito ay nagkakaroon ng
kahulugan may kaugnayan sa konsepto ng
kompyuter at internet.
• Ang e-kagamitang pampagtuturo sa makatuwid ay tumutukoy sa mga kahamitang
inihahanda ng guro na may kinalaman sa paggamit ng kompyuter at internet. Narito ang
ilan sa mga halimbawa ng mga e-kagamitan

• *kompyuter
• *internet
• *USB Flash Drive,diskette
• *scanner
• *CD/DVD (naglalaman ng mga tunog/musika
o video)
• *LCD Projector
C. MGA BATAYANG KAALAMAN SA
PAGHAHANDA NG E-KAGAMITANG
PAMPAGTUTURO

• Ang mga e-kagamitang pampagtuturo ay maaaring ihanda sa tatlong


sitwasyon ng paggagamitan -
• 1. guro ang maghahanda at gagamit bilang bahagi ng paglalahad ng aralin at
magmamadid lamang ang mga mag-aaral;
• 2. guro at mag-aaral ang gagamit bilang bahagi ng mga gawain sa
pagkatuto, at
• 3. mag-aaral ang maghahanda at gagamit sa ilalim ng pagsubaybay ng guro,
halimbawa nito ay sa pagbuo nila ng synthesis at ebalwasyon ng
natutunan nila.
D. MGA SIMULAIN SA PAGGAMIT NG
E-KAGAMITANG PAMPAGTUTURO
• May mga katangiang dapat taglayin ang guro sa epektibong pagtuturo na
nabanggit na sa unahang bahagi ng papel na ito. Maging ang mga bagay na
dapat isaalang-alang sa paghahanda ng mga kagamitang pampagtuturo ay
nasabi na rin. Subalit, bukod sa mga naunang tinatalakay, ang paghahanda
ng mga e-kagamitang pampagtuturo ay nangangailangan ng karagdagang
kaalaman at katangian. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod :
• 1. Sapat na kaalaman sa paggamit ng kompyuter at iba pang gamit
• Hindi kaialngang maging eksperto sa paggamit ng kompyuter ang isang
guro. Ang kaalaman sa pinakasimpleng pag-eenkowd ng tekso halimbawa
ay maaari nang puhunan upang makapaghanda ng e-kaganitang
pampagtuturo. kailangan ding matutunan ang sinpleng pagsasaayos at
pagiimbak(saving) ng mga dokumento sa kompyuterat sa iba pangstorage
devices tulad ng USB flash drive o diskette
Kabilang na rin dito ang pangunahing
kaalaman sa paggamit ng mgave-kagamitan
tulad ng pagbubukas at pagsara, pag-
aadjust, pagpindot ng mga boton, at iba pang
simpleng manipulasyon.
• 2. Pagkilala sa ilang karaniwang files o dokumento
• Ang pagkilala sa mga karaniwang files o dokumento sa kompyuter ay mahalagang
malaman din ng mga guro. May iba’t ibang format at iba’t ibang uri ng files tulad ng
tunog, larawan, animated graphics, at video/movie clips at ang pagbubukas nito
gamit ang agnkop na programang pangkompyuter ay hindi mahirap gawin kung
makikilala ang urin ng files na bubuksan.
• 3. Kasanayan sa ilang proramang pangkumpyuter
• May mga karaniwang programang pangkumpyuter na karaniwang ginagamit at
matatagpuan sa halos lahat ng kompyuter tulad ng Microsoft Word, media player,
movie maker, at Microsoft Powerpoint. Makatutulong sa madaling paghahanda ng
e-kagamitan ang kasanayan sa mga programang ito. Ang kasanayan ay maaaring
makuha sa palaging paggamit at pagsasanay sa pagbuo ng ilang mga dokumento
gamit ang mga programang ito.
4. KAALAMAN SA PAG-AKSES SA
INTERNET
• Hindi na mahirap sa ngayon ang magkaroon ng akses sa internet. Mula nang maging
pangkomersyal na ito ay nailapit ang internet maging sa mga bahay-bahay. Dahil dito,
hindi imposibleng magkaroon ng akses sa internet kung nanaisin lang. Ang kaalaamn sa
pag-akses sa internet ay nakatutulong nang malaki sa mga gawain ng guro tulad ng
pananaliksik at maging sa paghahanda ng mga kagamitan sa pagtuturo. Napakalawak ng
imporamsyong maaaring mabasa at makuha mula sa internet. Maaring makapag-
download mula sa internet ng mga kakailanganing files sa paghahanda ng mga e-
kagamitang pampagtuturo tulad ng tunog, larawan,animated graphics, o mga video at
movie clips.
• Ang pagiging lantad (exposed) at kasanayan sa paggamit ng mga kagamitang ito ang
pamgunahing kailangan upang makapaghanda ng mga e-kagamitang pampagtuturo na
magagamit sa klase. Huwag isiping mahirap, sa mga hindi pa nakakaranas, naririyan ang
mga gamit, kailangan lamang ang interes at determinasyon sa pag-aaral na magamit ito.
E. IBA’T IBANG ELEMENT SA
PAGHAHANDA NG E-KAGAMITANG
PAMPAGTUTURO
• Sa paghahanda ng e-kagamitang pampagtuturo,
kinakailangang maunawaan na iba’t ibang element ang
maaaring gamitin upamg makabuo ng isang mabuting
pantulong sa pagtuturo.
1. TUNOG/MUSIKA/BOSES
(SOUND/MUSIC/VOICE
• Ang mga tinatawag na sound files ay mga tunog na maaaring mula sa ispiker ng
kompyuter. Maaaring ito ay tunog na nalilikha ng tao (pag-iyak, pagtawa, paghilik),
hayop (huni, kahol, unga), o mga ingay ng iba’t ibang bagay (pagkulo ng tubig, ingit ng
pinto, busina ng jip). Ang mga ito ay tinatawag na sound effect.
• Music files naman ang mga awiting maaaring mula ds kompyuter. Ang mga awiting
karaniwang naririnig sa radio o mga CD/DVD player ay maaari ring patutgtugin gamit
ang kompyuter, mula sa mga awiting-bayan hanggang sa mga popular na awitin sa
panahon ngayon.
• Kabilang din dito ang mga boses o tunog na inerekord sa pamamagitan ng mga
gamit panrekord. Ang mga ganitong dokumento ay karaniwang may extension
name na mp3, wav, midi, o .wma.
• Maraming paksang-aralin ang maaaring paggamitan ng mga tunog na ito mula sa
kompyuter particular ang mga araling lumilinang sa kasanayan sa pakikinig. Sa
pamamagitan ng ispiker, ay maiparirinig sa buong klase ang tunog na nais iparinig.
2. IMAHEN/LARAWAN (IMAGE/PICTURE)
• Tinatawag naming image fukes ang mga imahen o larawang nakikita sa monitor o
kompyuter. Mga larawan ng iba’t ibang bagay, may kulay o wala. Tulad din ng mga larawang
makikita sa mga litrato, babasahin, poster, at iba pang pisikal na bagay, nakikita rin ito sa
elektronikong paraan.
• Ang ganitong uri ng ng files ay maaaring makuha mula sa internet. Napakalwak ng mga
mapagpipiliang imahe o larawan ng iba’t ibang bagay ang makikita at maaaring i-download
sa kompyuter. Sa pamamagitan naman ng scanner, naisasalin sa isang elektronikong imahe
ang mga litrato, larawang iginuhit, larawang iginuhit, larawan mula sa iba’t ibang babasahin,
at iba pa.
• Karaniwang may extension name na .jpg, jpeg, .bmp, o .png ang mga ganitong dokumento.
• Matagal nang gumagamit ng mga larawan ang maraming guro, bilang kagamitang
pampagtuturo. Nakatutulong ito sa pagkakaroon ng viswal na imahe ang mga mag-aaral sa
mga bagay na oinag aaralan o tinatalakay ng guro. Ang paggamit ng mga imahe o larawa
mula sa kompyuter ay higit na maginhawang (convenient) gamitin lalo na kung
napakaraming larawan ang dapat ipakita tulad ng paggamit ng slideshow.
3. ANIMATED GRAPHCS/PICTURES

• Ang mga animated graphics o pictures ay tulad din ng mga image files, iyon nga
lamang, gumagalaw ito o may animation. Maaaring buong larawan o bahagi lamang
nito ang gumagalaw. Karaniwang ang galaw nito ay limitado o paulit ulit kaya hindi ito
maituturing na video clips. Ang mga ganitong uri ng files ay karaniwang may
extension name na gif.
• Higit itong nakaaaliw kaysa mga imahe o larawan sapagkat may animation ito o
parang buha n a gumagalaw. Bagama’t nangangailangan ng natatanging pag-aaral sa
paggawa ng ganitong uri ng dokumento, hindi ito hadlang upang gamitin ng guro ang
ekementong ito sa pagtuturo. Hindi kailangang gumawa o lumikha ng animated
graphics o pictures sapagkat malawak ang mapagpipilin ng ganitong uri ng files sa
internet. Nasa masipag na paghahanao lamang ng ganitong uri ng files sa internet.
Nasa masipag na paghahanap ng guro sa internt at malikhaing paggamit nito
nakasalalay upang magamit nya bilang pantulong sa pagtuturo.
4.VIDEO/MOVIE

• Tinatawag na video o movie ang mga dokumentong napapanood. Karaniwang


nakasangkap din dito ang element ng tunog, larawan, o animation. Ang isang video o
movie files ay maaaring gawin sa pamamagitan ng mga programang pangkompyuter. Isa
sa pinakakomon na prgramang ito ay ag Windows Movie Maker na natatagpuan sa
halos lahat ng kompyuter na Windows ang ginagamit na operating system. Mula sa
koleksyon ng mga larawan at mga tunog o musika, maaari nang makagawa ng isang
video file. Karaniwang nagsisimulang matuto ang mga gumagamit nito sa paglilibang
lamang. Sinusubok na gawin hanggang makanuo na ng isang video.
• Samantala, maaari din naming manggaling sa isang video camera o cellphone ang mga
video files. Ang mga kuha o nirekord na video ay posibleng isalin sa kompyuter upang
mapanood. Gayundin naman, marami ring video files na makukuuha mula sa internet..
Isa sa popular na video sharing site sa internet ay ang Youtube na mapagkukunan ng
iba’t ibang video.
POWERPOINT PRESENTATION
Isa sa palasak ng e-kagamitan sa
kasalukuyan di lamang sa pagtuturo sa
paaralan kundi maging sa mga seminar,
pagpupulong, o demonstrasyon, ay ang
powerpoint presentation. Dito ay naiaayos
ang pagpapakita o pagpaparinig nito sa isang
paraang naaayon sa daloy na tinatalakay na
paksa.
• Gabay sa Paghahanda ng Powerpoint
Presentation
• Gumagamit ng mga simpleng background upang hindi masapawan ang
mga ilalakip na larawan maging ang estilo ng letra.
• Timplahin ang kulay ng background at kulay ng letra.
• Iangkop ang mga larawan (kung gagamit) sa isinasaad ng teksto o paksa.
• Iayos ang mga slides ayon sa daloy ng pagtatalakay.
• Tiyaking nababasa ang mga letra, gumamit ng wastong laki at nababasang
font.
• Subukan numa kung gumagana ang mga inilakip na tunog sa video bag o
actual na gamitin.
• Maging malikhain, gawing kaaya-aya sa mata ang presentasyon.
F. MUNGKAHING HAKBANG SA PAGHAHANDA

Mungkahing hakbang sa maaaring maging gabay ng guro.


1. Pagpaplano
Tulad ng palaksa n pagpaaplano ng anumang gawin ng
pagtuturo, tukuyin nuna ang layuning nais matamo. Backgroung
planning ay mabuting paraan ditto ay malinaw na kung ang dapat na
maging kahihinatnan sa katapusan.
2. Pangangalap ng materyales at Pananaliksik
Kapag tukoy na ang layunin at naiplano na ang dapat gawin,
umisip ng mga dokumentong kailangang gamitin.Sa tulong ng
pananaliksik, tulad ng paggamit ng search engine sa internet.
3. Pagbuo at Pagsasaayos

Maingat na buuin at iayos ang mga nakalap ng dokyumento


ayon sa plano. Maaring gumamit ng iba’t ibang programang
pangkmpyuter dito tulad ng word processor, multimedia presentor,
media player, atbp.
4. Pagsubok
Matpos mabuo ay siguraduhing maayos at tama ang nagawang
kagamitan sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagpapakita nito sa
iba (kasamang guro)
5. Paggamit
Maaari nang gamitin sa mga mag-aaral ang kagamitan kung
natiyak na na maaayos at malinaw itong magagamit sa klase

You might also like