Amerikanisasyon NG Isang Pilipino

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

AMERIKANISASYON NG

ISANG PILIPINO

GROUP 4
ALAM MO BA?

– Si Ponciano B.P. Pineda ay itinuturing na “Ama ng Komisyon ng Wikang Filipino.”


Kilala rin siya bilang isang mahusay na awtor ng mga librong pang-akademiko.
Siya rin ay pinarangalan ng Gawad Palanca sa kanyang mga maikling kuwentong
“Ang Mangingisda” (1958) at “Malalim ang Gabi” (1953). Siya rin ang may-akda ng
sanaysay na mababasa sa araling ito na pinamagatang “Amerikanisasyong ng
Isang Pilipino.” Sa mga pahina ng kasaysayan malimit nating mababasang ang
mga Pilipino ay tinaguriang “Brown Americans” sa dahilang nananatili ang kulay
kayumanggi ng mga Pilipino ngunit sa kaasalan ay nababahiran ito ng pag-
uugaling Kanluranin.
AMERIKANISASYON NG ISANG PILIPINO
PAGE 268 – 270
SANAYSAY

– Ang sanaysay ay isang paglalahad ng sariling opinion o kuro-kuro ng sumusulat tungkol


ssa isang bagay o paksa. Ang salitang sanaysay ay hango sa salitang Pranses na essayer na
ang ibig sabihin ay “sumubok” o ‘tangkain.” Ito ay nagsimulang yumabong sa mga sulatin ni
Michael de Montaigne (1533-1592). Bago pa man isilang si Kristo, ito ay nagsimula na rin sa
Asya sa pangunguna ni Confucius na sumulat ng Analects at Lao-Tzu na sumulat naman ng
Tao Te Ching. Noon naming ika-15 na dantaon, nakilala si Yushida Kenko ng Hapon na may
katha ng “Mga Sanaysay sa Katamaran.”
– Ayon kay Alejandro Abadilla ang salitang sanaysay ay nangangahulugang “nakasulat na
karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.”Ang pangunahing katangian ay ang pagkasaarili
nito ng may akda. Kailangan din dito ang pagpili ng angkop na pananalita at sariling estilo o
pamamaraan ng may-akda,
SANAYSAY

– Ang akdang “Amerikanisasyon Ng Isang Pilipino” ay isang sanaysay na didaktiko o


nangangaral. Ito ay naglalayong himukin ang mga mambabasa tungo sa pagkakaroon ng
kaisipang liberal sa pamamagitan ng pagkikintal ng damdamin at pananaw na makabago.
– Dahil ang pangunahing katangian ng sanaysay ay ang pagkakasarili nito ng may-akda,
naipapahayag ng sumulat ang kanyang sariling pananaw, kuro-kuro, at damdamin sa
kanyang sariling estilo o pamamaraan. Karaniwang hinahati ang kabuoan ng sanaysay sa
tatlo: panimula, katawan, at wakas,
– Sa pagsulat ng simula, kinakailangang ito’y nakatatawag ng pansin o nakapupukaw ng
damdamin ng mga mambabasa. Samantalang ang katawan o ang pinakanilalaman ng akda
ay kinakailangang maging mayaman sa kaisipan at marapat na nagtataglay ng kaisahan ang
mga detalyo nito at sa wakas ng sanaysay, dito karaniwang nababasa ang pangkalahatang
impresyon ng may-akda.
PAGPAPAHAYAG / PAGLALAHAD

– Ang paglalahad ay nagpapaliwanag, nagbibigay-kaalaman o


pakahulugan, at nagsusuri upang lubos na maipaunawa ang diwang
inilalahad o nais ipaabot ng nagsasalita o sumusulat.
IBA’T IBANG PARAAN NG PAGPAPAHAYAG

PAG-IISA-ISA
– isang paraan ng paglalahad ng isang kalagayan o sitwasyon sa pamamagitan ng
maayos na paghahanay ng mga pangyayari ayon sa talagang pagkakasunod-sunod
ng mga ito.

PAGHAHAMBING AT PAGSASALUNGATAN
– ginagamit ang paraan na ito sa paghahambing ng magkakatulad at pagkakaiba ng
mga bagay-bagay.
IBA’T IBANG PARAAN NG PAGPAPAHAYAG

PAGSUSURI
– sa paraang ito ay sinusuri ang mga salik o bagay-bagay na nakaaapekto sa isang
sitwasyon at ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ito.

SANHI AT BUNGA
– tinatalakay rito kung ano ang sanhi o dahilan at kung ano-ano ang kinalabasan.
IBA’T IBANG PARAAN NG PAGPAPAHAYAG

PAGBIBIGAY NG HALIMBAWA
– ito’y nagpapatibay ng isang paglalahad.

Sa pagsulat ng paglalahad ay kailangan ang malawak na kaalaman sa paksang


tatalakayin, pagpapaliwanag sa kahulugan, malinaw at maayos na pagpapahayag, at
walang kinikilingan.
THANK YOU

You might also like