Noli Me Tangere Kabanata 7-8

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Buod ng Kabanata 7 at Kabanata 8

Kabanata 7 “Suyuan sa Asotea”


 “Maaga pa lamang ng araw na iyon ay nakapagsimba na sina Maria at Tiya Isabel. Pagkatapos mag-
almusal ang mag-anak ay nagkanya-kanya na siya ng gawain. Si Tiya Isabel ay naglinis ng bahay
dahil sa mga kalat bunga ng hapunan ng nakaraang gabi. Nagbuklat naman ng mga kasulatan
tungkol sa kabuhayan si Kapitan Tyago. Si Maria Clara ay nanahi habang kausap din ang ama upang
malibang ang sarili sapagkat ngayon ang araw ng kanilang pagkikita ni Ibarra, at siya ay hindi
mapakali sa pananabik na masilayan ang kanyang sinisinta. Napagpasyahan na siya ay
magbakasyon sa San Diego sapagkat nalalapit na ang pista doon.
Pamaya-maya ay dumating na si Ibarra at hindi maikakailang nataranta ang dalaga. Pumasok pa ito
sa silid at tinulungan naman siya ni Tiya Isabel na ayusin ang sarili. Lumabas rin ito at nagkita ang
dalawa sa bulwagan. Nagtama ang kanilang paningin at kapwa nagkaroon ng kaligayahan sa
kanilang mga mata. Nagtungo sila sa Asotea upang makapag-sarili at makaiwas na rin sa alikabok
na likha ng pagwawalis ni Tiya Isabel.
Masinsinang nag-usap ang dalawa tungkol sa kanilang nararamdaman, sa kanilang mga sinumpaan
sa isa't-isa, sa kanilang kamusmusan, sa kanilang naging tampuhan at mabilis na pagbabati. Kapwa
itinago ng dalawa ang mga ala-ala at bagay na ibinigay nila sa isa't-isa: ang dahon ng sambong na
inilagay ni Maria Clara sa sumbrero ni Ibarra upang hindi ito mainitan, at ang sulat ni Ibarra kay Maria
bago ito tumulak papuntang Europa. Binasa ito ni Maria Clara sa katipan.
Kabilang sa sulat ang layunin ni Don Rafael na pag-aralin si Ibarra sa malayong lugar upang
makapaglingkod ng mataas na kalidad sa bayang sinilangan. Handa rin itong magtiis na mawalay sa
anak upang sa bandang huli ay maibigay nito sa bayan ang kanyang hangarin. Dito natigilan si Ibarra
dahil naalala nito na bukas ay undas at marami siyang kailangang gawain. Nagpaalam na ang binata
at pinagbilinan ni Kapitan Tyago si Ibarra na sabihin sa kanyang katiwala na sila ay magbabakasyon
doon. Hindi naman mapigilan ni Maria na maluha dahil sa pangungulila kay Ibarra, kaya't sinabihan
siya ng kanyang ama na ipagtulos si Ibarra ng dalawang kandila at ialay sa santo ng manlalakbay. ”
Kabanata 8 “Mga Ala-ala”
 “Nakasakay si Ibarra sa kalesa at binabagtas ang kahabaan ng Maynila. Maganda
ang panahon ng araw na iyon at ang tanawin sa paligid ay nakapagpabalik ng
kanyang mga alaala.
Ang kanyang namamasdan ay katulad pa rin ng dati na kanya nang nakita: mga
kalesa at karumatang walang humpay sa pagbibyahe, salimbayan ng mga taong
abala sa pangangalakal at kanya-kanyang gawain: may mga Europeo, Intsik,
Pilipino; may mga lalaking kargador, ang iba ay kababaihan na nagtitinda ng
prutas. Nanduon din ang mga tindahan at mga hayop na kasama sa
paghahanapbuhay. Ang punong Talisay sa San Gabriel ay walang pinagbago, ang
Escolta naman ay imbes na umunlad ay pumangit at walang kaayusan. Ang mga
karwahe ay nagmamadaling ihatid ang mga kawani sa tanggapan at mga pari,
kabilang na si Padre Damaso. Namataan naman siya ni Kapitan Tinong kung kayat
binati siya nito.
Napadako naman siya sa kalye ng Arroceros at naalala na minsan ay nahilo siya sa
napakasamang amoy ng tabako. Napadaan din siya sa Hardin ng Botaniko at
naikumpara niya ang mga napuntahan niyang hardin sa Europa. Ibayo ang ganda ng
mga ito kaysa sa kanyang natutunghayan ngayon. Anupat ang buong Maynila ay
walang pinag-unlad, bagkus ang mga gusali ay nilulumot lamang ng panahon. Sa
patuloy na pag-iisip ay sumagi sa kanyang isipan ang sinabi ng kanyang gurong
pari: 1) Ang karunungan ay matatamo kapag hinangad ng puso 2) Ang karunungan
ay dapat linangin at isalin sa susunod na henerasyon 3) dapat lamang na magkaroon
ng pakinabangan- kung ang mga kastila ay nanatili dito upang kuhanin ang yaman
ng bansa, marapat lamang na ibigay naman ng bansang dayuhan ang karunungan
at edukasyon.”
Talasalitaan (Kabanata 7 Talasalitaan (Kabanata 8
“Suyuan sa Asotea”) “Mga Ala-ala”)

1. Alumpihit Psaagkakaupo 1. Nakalulan sa kalesa


2. Mag empake ng mga damit 2. Nagkikisay ng hampasin
3. Bansang nilakbay 3. Nakakaakit na dampa
4. Bunga ng hinanakit 4. Maririkit na bulaklak
5. Higit akong sawing palad 5. Dilim ng kamangmangan

A. Pinasyalan A. Nanginginig
B. Magbalot B. Nakakatawag pansin
C. Bigo C. Magaganda
D. Sama ng loob D. Kawalang alam
E. Pagalaw galaw E. Nakasakay

You might also like