Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Proseso ng patuluyang pag likha,

paglalahad, gayon din naman ng pag


hahatid ng mensahe gamit ang mga
nakagawiang simbolong aksyon ng
tao.
MGA PUNDAMENTAL NA
PANANAW NG KOMUNIKASYON
1. ANG KOMUNIKASYON AY ISANG PROSESO
- Kinapapalooban ito ng iba’t ibang serye ng
aksyon na may simula, gitna at wakas.

2. ANG KOMUNIKASYON AY ISANG SISTEMA


- Ito ay nangangahulugan lamang na ang
komunikasyon ay kinapapalooban ng mga bahaging
nag tutulungan upang maging konkreto ang isang
bagay o sitwasyon.
3. ANG KOMUNIKASYON AY INTERAKSYONAL AT
TRANSAKSYONAL
- Sinasabing interaksyonal ang komunikasyon
kung nagkakaroon ito ng palitan ng mensahe mula
sa mga interlokyutor nito. Nagiging transaksyonal
naman kung nag kakaroon ng patuluyang aksyon ng
mga interlokyutor.

4. ANG KOMUNIKASYON AY MAAARING


INTENSYONAL O DI- INTENSYONAL
- Intensyonal ang komunikasyon kung ang mensahe
ay tiyak na naipararating sa dapat nitong patunguhan.
Di- intensyonal naman ang komunikasyon kung ang
mensahe ay nakarating sa mga hindi inaasahang
datnan nito.
KOMPONENT NG KOMUNIKASYON

1. Tagahatid ng Mensahe

* Ang tagahatid ang kadalasang pinagmumulan ng mensahe o


tagagawa ng mensahe.

* Nagtataglay rin ang tagahatid ng apat na papel na maari niyang


gampanan bago, habang at matapos ang komunikasyon. Ang mga ito
ay ang mga sumusunod:

a. Mahusay niyang napanghahawakan o nauunawaan ang


kahulugan ( lantad man o di- lantad)
ng buong usapang nagaganap.

b. Mabisa niyang napag-uugnay-ugnay ang mga kahulugang


natamo niya tungo sa pag-unawa sa buong mensahe ng usapan.
 c. Magaling din niyang nailalahad ang mensahe.

d. Maayos at konkreto ang reaksyon at naibabalik nang


mahusay ang natamong mensahe.

2. Mensahe
Tumutukoy naman ito sa impormasyong nais ipahatid na
pinangagalingan ng mensahe. Kinabibilangan ito ng mga
sumusunod:
a) Wastong gamit ng mga salita.
b) Pagiging organisado ng mga sasabihin.
c) Galaw ng katawan.
d) Timbre ng boses gayon din ang kabuuan ng
personalidad.
3. HADLANG
- ano mang bagay o pangyayari na maaaring
makapag pabago ng kahulugan ng isang usapan ay
itinuturing na hadlang.

EKSTERNAL
a) Ingay at di-kaiga-igayang paligid.
b) Lamig o init ng panahon.
c) Masangsang at sobrang amoy.

PISIKAL
a) Pagiging mabilis o mabagal ng pananalita.
b) Di-maayos na pagbigkas ng mga salita .
4. TSANEL
- Ang tsanel ang nag sisilbing daanan ng mensahe patungo sa
tagatanggap nito.

5. TAGATANGGAP
- Ang tagataggap naman ay tumatanggap ng mga mensaheng hatid
ng taga hatid ng mensahe.

DEKODING- suriin at bigyang interpretasyon ang mga mensahe


upang lubos niya itong maunawaan.

MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG TAGATANGAP:


a) Dapat na mahusay niyang tanggapin ang mensaheng hatid ng
tagahatid.
b) Dapat din niyang mainterpret at masuri ang mensahe sa
pinakamabisang paraan.
c) Dapat na mapagsama-sama niya ang tinanggap na mensahe at
tugunin ang mga ito.
6. PIDBAK
- ito ay tumutukoy sa tugon ng tagatanggap mula
sa mensaheng tinanggap mula sa taga hatid.

a) ELABORATIB- Ito ang elemento ng pidbak na ang


tagatanggap ay hayagang pinapalawak ng
mensaheng tinanggap.

b) MAPANGHUSGA- Ito ang elemento ng pidbak na


ang narinig na mensahe ay awtomatikong binibigyan
ng kahulugan kahit walang katiyakan.
7. KAPALIGIRAN
 - Ito ay may kaugnayan sa sikolohikal at pisikal na kalagayan
na nagaganap ang komunikasyon.

a) Pag-uugali.
b) Persepsyon.
c) Emosyon at relasyon ng pag-uusap.

8. KONSTEKSTO
- Sitwasyon ng komunikasyon kung ito ay tawagin ng ilang
mga iskolar sa larangan ng wika at komunikasyon. Malaki
ang kaugnayan ng mabisang komunikasyon kaugnay sa
pormalidad o impormalidad ng sitwasyon kung saan
nagaganap ang palitan ng mensahe.
TANONG..............

You might also like