mahabang nakaraan ng sangkatauhan na nag-uugat halos 2.5 milyong taon na ang nakalipas o bago pa ang pagkalikha ng sistematikong paraan ng pagsulat. Sinasaklaw nito ang mga kaganapan bago naitala ng mga sinaunang tao ang kasaysayan. Ang kasaysayan o pag-aaral hinggil sa nakaraan ng tao batay sa mga nasusulat na dokumento ay simula lamang halos 5000 BK (Bago kasalukuyan) sa Kanlurang Asya. Pinagtutulungang buoin ng mga arkeologo at mga siyentista mula sa iba’t- ibang mga disiplina ang mga pangyayaring pang historiko. Halimbawa, sa pamamagitan ng biology, botany, geography at zoology , tinatangkang buoin ng mga dalubhasa ang mga kaganapang hindi pa naitatala ng tao noong unang panahon. Ang disiplina ng archeologo o arkeolohiya ang pangunahing pinagmumulan ng mga kaalaman ukol sa prehistoriya. Dalawang mahalagang proseso ang naganap at nararapat na pagtuonan ng pansin sa panahong prehistorya. Pangunahin dito ang ebolusyon o ang mga pagbabagong nagaganap sa aspektong biyolohikal ng tao hanggang sa pagkamit ng katalinuhang maghihiwalay sa kaniya sa mga hayop. Tinatawag din itong sapientization. Ang ikalawa ay pagkakaroon ng kasalukuyang uring tao ng kakayahang upang makalikha ng mga bagay o kasangkapan mula sa kaniyang kapaligiran. Kabilang dito ang kakayahang gamitin ang kapaligiran ayon sa kaniyang pangangailangan upang hindi mapanatiling umasa lamang sa maibibigay ng kalikasan. Sa pagtatakda ng petsa sa pre-historya, mahalaga ang paggamit ng makabagong teknolohiya at kagamitan upang matukoy ang mga makabuluhang kaganapan sa nakalipas. Sa pamamagitan ng teknolohiya, nalalaman ng mga dalubhasa kung kalian ginamit ang mga salapi, kalian nalikha ang porselana, kalian nagsimula ang isang pamayanan at kalian nabuhay ang isang sinaunang indibidwal. Nahahati ang panahon ng bato sa Paleolitiko, Mesolitiko at Neolitiko. Sa Paleolitiko, ang mga sinaunang tao ay namumuhay bilang mga mangangaso (o bilang hunter-gatherer) Transisyonal na bahagi naman ang Mesolitiko patungo sa pamumuhay na agricultural ng mga tao. Sa Neolitiko, namuhay na ang mga tao sa pamamagitan ng pagtatanim. Ang Panahon ng bato ay sinusundan ng mga Panahong Bronze at Iron. Ang Pahong Paleolitiko (Old Stone Age) ang siyang pinakamaagang panahong kakikitaan ng pag-unlad ng mga tao. Nagbuhat ang mga salita sa mga katagang Griyego na palaios o “matanda” at lithos o “bato”. Kasabay nito ang napakalawak na panahong heolohikal na Pleistocene. Ito ang pinakamaagang bahagi ng Panahong Bato at pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan. Nasa panahong Paleolitiko ang halos 95 porsiyento ng kaganapang prehistorikong nauukol sa mga pagbabagong panteknolohiya. Maaari itong maiugat sa pagsisimula ng paggamit ng mga kasangkapang bato ng mga hominid. Tumutukoy ang mga hominid sa mga kabilang sa pamilya ng bipedal primate mammals kung saan kabilang dito ang pinakabagong anyo ng tao, mga ninuno nito, at iba pang kauri. Nagsimula ang Paleolitiko halos dalawang milyong taon na ang nakararaan at nagtapos sa pagitan ng 4000 BK sa iba’t-ibang mga lugar. Hudyat din ito ng pagtatapos ng Pleistocene. Marahil ang pinakamahalagang katangian ng panahong ito ay ang naganap na pagbabagong anyo ng tao mula sa pagiging isang mala-bakulaw na nilalang hanggang sa pagiging isang tuay na tao ng lumaon. WHUUUTTT Sa pag-aaral ng Paleolitiko sa Asya, dalawang mahalagang rehiyong pangkalinangan pagdating sa paggamit ng mga kasangkapan ang mababanaag sa panahong ito. Una, ang pag gamit ng hand axe sa mga rehiyon ng Timog- kanlurang Asya, Gitnang-Asya, Gitnang Siberia at India. Ang Kanluran ng bahaging ito ay may kaugnayan sa Europe at Africa sa mga unang yugto. Pangalawa, ang paggamit ng pebble tools sa ilang bahagi ng timog Asya, at China. Sa lugar na ito laganap ang kagamitang pamputol (chopper) na gawa kadalasan a mga bato (pebble). Sa China, isa sa mga sinaunang lugar Paleolitikong natuklasan na may mga labi ng pebble tools ay malapit sa Zhoukoudian na halos 48 kilometro timog-kanluran ng Beijing. Nandito narin ang labi ng Taong Peking (Homo erectus prekinisis). Tinatawag na Mesolitiko ang sumusunod na panahon matapos ang Paleolitiko. Hango ito sa mga salitang Griyego na mesos na nangangahulugang “gitna” at lithos o “bato”. Sa pagtatapos ng glacial period naging mas mainit ang klima na nagging kaaya-aya para sa pagtatanim. Transisyon ito patungo sa yugto ng panahong nakabatay sa pamumuhay ng agricultural. Tinatawag na Neolitiko ang huling bahagi ng Panahong Bato. Hango ito sa mga salitang griyegong neos o “bago” at lithos o “bato”. Katangian ng panahong ito ang paggamit ng iba’t-ibang kasangkapan, paglagi ng mga tao sa pamayanan, domestikasyon ng pananim at hayop, at pagkakaroon ng kaalaman tulad ng pagpapalayok at paghahabi. Ang mga saklaw na panahon at pagbabagong pagkakakilanlan ay batay sa lokasyong heograpikal ng kulturang pinag- aaralan at mga pamantayang sinusunod ng mga siyentipiko. Matatagpuan sa bahaging Kanlurang Asya sa pagitan ng 8000 BCE at 6000BCE ang pinakamaagang pinag-ugatan ng kulturang Neolitiko. Karaniwan ang mga pananim na wheat at barley sa rehiyon na ito. Nagsimula ring mag- alaga ng hayop at magtanim ng halaman ang mga tao. Noong 8000 BCE, nagging laganap na ang pamayanan sa lugar na ito. Isa sa mga pinakamaagang pamayanang umusbong sa daigdig ay ang siyudad ng Jericho sa lambak ng Jordan na naitatag noong 7000 BCE. Makalipas ang isang libong taon, isa pang panirahang Neolitiko ang umusbong sa Asia Minor sa kapatagan ng Konya ng gitnang Anatolia sa kasalukuyang Turkey. Minsan itong nagkaroon ng populasyon sa pagitan ng 3000 hanggang 6000 katao. Tinatayang nabuhay lamang ng hanggang halos tatlumpung taon ang isang indibidwal ditto. Inililibing ang mga yumao sa loob ng bahay at nilalagyan ng mga pagkain ang lugar na pinaglilibingan. Nagpapahiwatig ito ng paniniwala ukol sa kabilang-buhay. Ang lambak-ilog Tigris at Euphrates ay maunlad sa pagiging isang kabihasnan sa panahon ng bronze. Kulturang neolitiko ay kumalat sa Europe at sa mga lambak ilog nile sa Egypt. Indus sa India, at Huang He sa China. Ang pag-usbong ng mga kabihasnang ito sa daigdig ay hudyat muli ng panibagong kabanata sa kasaysayan ng sangkatauhan. Sinundan ng Panahong bronze ang Neolitiko sa rehiyon ng Eurasia. Nagsimula ito sa panahong laganap na ang paggamit ng bronze bilang sangkap ng karaniwang kagamitan o sandata. Mahalaga ang prosesong smelting o pagkuha ng bakal mula sa ore. Kapag sapat ang bakal na nakuha, Maaari nang lumikha ng mga bagay-bagay sa pamamagitan ng pagpukpok, pagtunaw o pagmolde. Naunang umusbong ang teknolohiyang ito sa Kanlurang Asya. Copper ang kauna unahang bakal na nahulma. Sa pagsasama ng copper at tin, nabuo naman ang bronze. Ang panahong Bronze sa Kanlurang Asya ay mula 3000 BCE hanggang 1000 BCE. Ang teknolohiyang ito ay kumalat sa Eurasia, mula Britain hanggang China. Noong 1000 BCE, nagsimula ang Panahong Iron sa Kanlurang Asya na kumalat din sa Eurasia. Noong 500 BCE, nasa panahong Iron na ang Eurasia. Umabot din ito sa hilagang Africa. Naging laganap ang paggamit ng iron dahil mas maraming nakukuhang suplay nito kung ihahambing sa copper at tin. Ginamit ito sa paggawa ng mga kasangkapan sa pagtatanim at pakikidigma. Ang panahong Iron ang pangunahing antas ng kaunlarang pangkultura at pangteknolohiya sa prehistorya.