Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

MAIKLING KWENTO

 Ito ay naglalahad ng madulang


pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan at nag-iiwan ng
kakintalan sa isipan at damdamin ng
mambabasa.
MGA ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
 Mayroong labing isang elemento ang maikling kwento. Ito
ay ang mga sumusunod.
 1. Panimula – Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga
mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ng iba sa
mga tauhan ng kwento.
 2. Saglit ng Kasiglahan – Naglalahad ng panandaliang
pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
 3. Suliranin – Ito ang problemang haharapin o kinakaharap
ng tauhan o mga tauhan sa kwento.
4. Tunggalian – Ito ay may apat na uri:
A. Tao laban sa tao
B. Tao laban sa sarili
C. Tao laban sa lipunan
D. Tao laban sa kapaligiran o kalikasan.
 5. Kasukdulan – Sa kasukdulan nakakamtan ng
pangunahing tauhan ang katuparan o kasawain ng kanyang
pinaglalaban.
 6. Kakalasan – Ito ang tulay sa wakas ng kwento.
 7. Wakas - Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng
kwento.
 8. Tagpuan - Dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan
ng mga aksyon o mga insidente. Kasama din dito ang
panahon kung kalian naganap ang kwento.
 9. Paksang Diwa – Ito ang pinaka-kaluluwa ng maikling
kwento.
 10. Kaisipan – Ito naman ang mensahe ng kwento.
 11. Banghay – Ito ay ang pangyayari sa kwento.
MGA BAHAGI NG MAIKLING KWENTO
1. Simula – Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan at
suliranin. Samga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang
magsisiganap sa kwento at kung ano ang gaganapan ng
bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang tauhan.

2. Gitna – Ang gitna ay binubuo ng saglit na kasiglahan,


tunggalian at kasukdulan.
 3. Wakas - Ang wakas ay binubuo ng kakalasan at
katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-
unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na
pangyayari sa kasukdulan at ang katapusan ang bahaging
kababasahan ng magiging resolusyon ng kwento. Maaaring
masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
MGA URI NG MAIKLING KWENTO
 1. Kwento ng Tauhan – Inilalarawan dito ang mga
pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap
upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng
isang mambabasa.
 2. Kwento ng Katutubong Kulay - Binibigyang diin dito ang
kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng
kanilang pamumuhay at hanap-buhay ang mga tao sa
nasabing lugar.
 3. Kwentong Bayan - Inilalahad dito ang mga kwentong
pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
 4. Kwentong Kababalaghan - Dito pinag-uusapan ang mga
salaysaying hindi kapani-paniwala.
 5. Kwentong Katatakutan - Naglalaman naman ito ng mga
pangyayaring kasindak-sindak.
 6. Kwento ng Madulang Pangyayari - Binibigyang diin ang
kapana-panabik at mahahalagang pangyayari na
nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
 7. Kwento ng Sikolohiko - Ito ang uri ng kwentong bihirang
isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng
kaisipan. Ipinadarama ditto sa mga mambabasa ang
damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at
kalagayan.
 8. Kwento ng Pakikipagsapalaran - Nasa balangkas ng
pangyayari ang interes ng kwento ng pakikipag-sapalaran.
 9. Kwento ng katatawanan - Ito ay nagbibigay – aliw at
nagpapasaya sa mambabasa.
 10. Kwento ng Pag- Ibig - Ito naman ay tungkol sa pag-
iibigan ng dalawang tao.
Kahulugan ng dula
 - Ang dula ay isang katha na nagbibigay ng kasagutan sa
malalim na suliraning naglalarawan ng kalikasan ng tao at
nagtatanghal ng tunggalian ng mga kalooban at damdamin
ng mga nagsisiganap.
 - Ang dula ay isang anyo ng panitikang naglalarawan ng mga
damdamin at pananaw ng tao sa particular na bahagi ng
kasaysayan ng bayan.
 - Ang Dula ay isang larawan ng buhay na sinangkapan ng
wika damamin at sining.
Katangian ng dula
 1. Ito’y sumasalamin sa buhay ng isang Filipino.
Nagpapakita ito ng buhay at karanasan ng isang Filipino.
Maging malalim o mababaw.
 2. Ito ay sumasagot sa pangangailangan ng isang Pilipino
sa isang particular na panahon.
 3. Ito’y tumutugon sa pangangailangan ng higit na
nakararami.
 4. Ito ay nagbibigay kasagutan sa isang malalim na
suliranin na naglalarawan ng kalikasan ng tao at
nagtatanghal ng pagtutunggalian ng mga kalooban at
damdamin.
 Kwento ni Baste at Ng Aso niyang si Pancho
 Si Baste ay ulila na sa ama at ina, namatay ang nanay niya
matapos manganak sa kanya at ang ama nya naman ay
pumanaw noong siya ay walong taong gulag pa lamang. Ang
tiyuhin ni Baste ang nagpalaki sa kanya. Kasama nyang lumaki
ang asong pinangalanan nyang Pancho. Bigay ito ng tiyuhin
niya sa kanya noong nagtapos siya sa Sekondarya. Matalino si
Baste, gayundin si Pancho, mula noong tuta pa lamang ito
hanggang umabot ng dalawang taon, si Baste ang parati
niyang kalaro, hindi rin mabarkada ang nuoy nasa ikalawang
taon sa Kolehiyo ng binate. Isang araw umuwi ng lasing si
Baste nakatyempo naman na sobrang nananabik si Pancho sa
kanya kung kaya’t tumakbo it patungo sa kanya. Sa di
inaasahang pagkakataon ng aso, tinaboy sya ni Baste.
Nagtampo ang kawawang aso. Kinabukasan pagkagising ni
Baste ay wala si Pancho sa bahay nila
 Lumapit si Baste kay Pancho at hinawakan nya ito parang
nilalambing, agad namang humiga ang aso sa mga paa ng
binata. Simula noon ay parating na muling naglalaro sina
Baste at Pancho. Bumalik na rin sila sa mga dati nilang
pinupuntahan at inaalala na ng binate ang simpleng
pamumuhay.
`

Salamat po

You might also like