ANAK

You might also like

Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Anak - 2000

Inihanda ni:
Elzar C. Masana Jr.
Mga tauhan:

• Vilma Santos - Josie


• Joel Torre - Rudy
• Claudine Barretto - Carla
• Baron Geisler - Michael
• Sheila Mae Alvero - Daday
Buod ng kuwento
Ang istorya ay tungkol kay Josie, isang ina na napilitang magtrabaho sa Hongkong
upang kumita. Ginawa niya ito upang matustusan ang kanilang pangangailan. Nagsimula ang
kanilang buhay bilang isang simpleng mag-anak, ngunit ng yumao ang asawa ni Josie na si Rudy,
doon na nagsimula ang pagkakawatakwatak ng pamilya. Hindi kasi noon nakauwi si Josie nang
mamatay ang asawa dahil siya ay ikinulong ng amo niya nang may isang buwang itong umalis at
hindi rin niya nabalikan ang mga anak.

Pagkaraan ng ilang taon ay nakauwi na rin siya dahil sa pagpapasyang hindi na


pagtatrabaho sa Hong Kong at siya ay magnenegosyo na lamang. Sa kanyang pagbabalik, hinarap
niya ang matabang na pagsalubong ng kanyang mga anak. Si Daday, ang bunso, ay hindi siya
kilala, si Michael ay mahiyain at si Carla, na hindi man lang siya ginagalang at iniitsa-pwera
lamang. Lahat ng hirap ay tiniis niya upang makuha man lamang ang atensiyon ng mga anak at sa
mga araw na lumilipas ay nakikilala niya ang kanyang mga anak. Nakita niya ang mga bisyo at
karanasan ni Carla sa pag-aaral, paninigarilyo, paglalagay ng tattoo, paghihithit ng rugby,
panlalake at paglaglag ng bata. Marami pang mga problema ang kanyang kinaharap, ang
pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang pinkamatalino sa kanyang mga anak, at ng
iniwan siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil nagastos nito ang perang ibabahagi sana niya.

Si Josie ay nagkaroon ng maraming pagkukulang. Isa siyang masamang ehemplo


katulad ng anak niyang si Carla. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi
ang nagtaboy sa kanya para mag rebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan din ni Carla
ang pagmamahal ni Josie sa kanila bagama't malayo siya sa kanilang tabi. At mula sa pangyayaring
iyon ay nagbalik-loob si Carla sa kanyang ina at nagpakatino na siya bilang anak at
nakatatangdang kapatid na siyang gagabay sa mga bata niyang kapatid sa muling pag-alis ng ina.
Sariling puna:

Mahusay na nagampanan nila ang papel bilang


mga tauhan sa kwento. Ito ay pagsasabuhay ng
kwento ng karamihan sa OFW's na iniiwan ang
kanilang mga anak sa Pilipinas at pupunta sa ibang
bansa upang kumita ng malaki para lang mabuhay.
Aral na matututunan:

 Tunay at wagas ang pagmamahal ng ina sa kanyang mga anak.


 Ang ina ay handang tanggapin at mahalin ang kanyang mga anak
maging ano pa man ang mga kamaliang nagawa nito.
 Ang lahat ng tao ay may kakayahang magbago at magbalik loob sa
tamang landas.
 Ang lahat ng tao ay may dahilan kung bakit sila nagsasakripisyo
para sa ibang tao.
 Ang pagpapakatatag ng tao sa pagharap ng kanyang mga problema
ay mahalaga upang malagpasan ang mga pasakit ng buhay.

Ang mga aral na iyan ay dapat taglayin ng bawat isa sa atin


dahil ang mga iyan ay makatutulong sa atin upang
mapagtagumpayan natin ang ating mga buhay.
Mungkahi:

Bilang isang anak matuto tayong respituhin at intindihin


ang ating mga pinakamamahal na magulang dahil hindi natin
alam kung gaano kahirap ang kanilang ginagawang trabaho
para lang mabigyan tayo ng magandang buhay. At bilang
kapalit ng kanilang hirap, mag-aral tayo ng mabuti hindi
yung magrerebelde tayo at gagastusin sa walang kwentang
bagay ang pinaghirapan nilang pera.

You might also like