Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 34

ARALIN 3

(Kabanata 14-24)
KABANATA 14: BALIW O PILOSOPO?
BALIW O PILOSOPO?

Sa araling ito ay makikilala mo ang isang taong maituturing na


mahiwaga sa paningin ng iba sapagkat siya ay nagtataglay ng pag-iisip
at pananaw sa buhay na kakaiba sa nakararami. Siya ay walang iba kundi
si Don Anastacio o mas kilala sa pangalang Pilosopong Tasyo. Galing
siya sa mayamang pamilya ngunit dahil sa kanyang katalinuhan ay
pinatigil siya ng kanyang ina sa pa-aaral sa Kolehiyo de San Jose dahil sa
takot na makalimutan ng anak ang Diyos. Isang araw bagama’t masama
ang panahon ay mapapansing masayang-masaya si Pilosopong Tasyo
dahil ayon sa kanya aya mayroon siyang hinihintay – walang iba kundi
ang pagdating ng malakas na unos.
TALASASLITAAN

• bahid – bakas ng dumi


• lapastanganin – hindi pagpapakita ng paggalang
• maalinsangan – matinding init ng panahon
• matalim – matalas
• nalalagot – napuputol; napapatid
• pagkalulong – pagkagahaman; pagkahilig
KABANATA 15: ANG MGA SAKRISTAN
ANG MGA SAKRISTAN

Habang nagsasalimbayan at dumadagundong ang mga kulog


ay naroon sa kampanaryo ng kumbento ang magkapatid na
sakristang humihila ng kampana rito. Sila ay sina Basilio at
Crispin na pinagbintangang mga magnanakaw na nagging
sanhi upang sila’y di pahintulutang makauwi sa kanilang
tahanan. Tunay na nagging kalunos-lunos at kahabag-habag
ang kanilang sinapit lalo na si Crispin sa kamay ng sacristan
mayor.
TALASALITAAN

• naaginlado – napamaskuhan; natanggap bilang regalo


• nagpalahaw – umiiyak ng malakas
• nagpatibuwal – tumumba ng kusa
• nagngingitngit- - naiinis
• nakatutulig – nakaririndi
• nakakuyom – nakasar; nakatikom ang kamao
• pangahas – matapang
• panangis – pag-iyak
• salimbayan – nagsasalit-salit sa pagdating
KABANATA 16: SI SISA
SI SISA

Sa araling ito, mararamdaman mo ang pait at paghihirap na


dinanas ni Sisa dahil sa kanyang pangungulila sa dalawang
anak na sina Basilio at Crispin na nawalay sa kanya. Larawan
ng mayuming Pilipina si Sisa. Kayumangging kaligatan ang
kutis niya. Mababakas sa kanyang mukha ang angking
kagandahan bagama’t makikita sa kanyang kaanyuang siya ay
nagdaranas ng matinding kahirapan dala ng kasalatan at
pagtitiis sa kamay ng kanyang malupit na asawa.
TALASALITAAN

• bahid – bakas ng dumi, mantsa • namumurok – nanaba; halos pumutok


• inaatupag – iniintindi; ginagawa na sa katabaan
• paggunita – pag-alala
• kapritso – luho; layaw
• humahangos – nagmamadali • pobre – kawawa; mahirap

• nababakas – nababanaag; nakikita • tinangka – binalak; nagplano


• umusal – bumigkas; sumambit
• nahumpak – namayat; lumubog ang
pisng
KABANATA 17: SI BASILIO
SI BASILIO

Labis na natakot at nangamba si Sisa nang makita niyang


duguan at nag-iisang umuwi ang kanyang anak na si Basilio na
tumakas mula sa kumbento. Ang kanyang bunsong anak na si
Crispin ay naiwan sa kamay ng sacristan mayor at pilit na
pinaamin at pinananagot sa ibinibintang sa salang
pagnanakaw.
TALASALITAAN

• bakol – malaking basket na maluwag • nakabulagta – nakadapa; nakatihaya


ang bibig • nanghihilakbot – natatakot
• balikwas – mabilis na pagbangon
• napalugmok – napaupo o napasandal
• dumaloy – umagos dahil sa labis na panghihina
• impit – mahina at pagpigil ng tunog • nasira – namatay; namayapa na
• kuwartel – himpilan ng mga kawal • sinita – pinagbawalan; tinawag ang
atensiyon
• nabuwal – natumba
• umimik – kumibo; nagsalita
KABANATA 18: NAGDURUSANG KALULUWA
NAGDURUSANG KALULUWA

Dahil sa labis na pag-aalala sa bunsong anak, maagang gumising at


naghanda si Sisa sa pagtungo sa kumbento bitbit ang mga sariwang
gulay para sa kura, buo ang pag-asang makikitang nasa maayos na
kalagayan ang anak. Ngunit gayon na lamang ang pagkabagabag at
pagdurusang naramdaman nang malaman niyang wala roon ang
minamahal na anak.Wala siyang nagawa kundi ang humagulgol nang
marinig ng mga taong walang awang naroroon ang nagging dahilan
upang siya ay ipagtulakan papalabas ng kumbento.
TALASALITAAN

• humagulgol – umiyak ng malakas


• isuplong – isumbong; ipagbigay-alam
• magpalahaw – magsisigaw
• manangis – umiyak; managhoy
• nagpapalaluan – nagpapayabangan
• sunong – buhat ang isang bagay na nakalagay o nakaatang sa ulo
KABANATA 19: KARANASAN NG ISANG
GURO
KARANASAN NG ISANG GURO

Sa araling ito, mauunawaan mo ang dahilan kung bakit nabuo sa


puso ni Crisostomo Ibarra ang magpatayo ng paaralan para sa
kabataan ng San Diego. Naantig ang kanyang damdamin hinggil sa
bagay na ito nang marinig niya ang malulungkot at mahirap na
karanasan ng guro na kanyang kinilala na tinulungan ng kanyang
ama. Mula sa kanilang pag-uusap nabuo ang isang layuning
ipagpatuloy ang misyong pagbutihin ang edukasyon sa kanilang
bayang sinimulan ng kanyang ama.
TALASALITAAN

• maikintal – maitanim sa isipan • palalo – mayabang; mapagmataas


• nagmungkahi – nagbigay payo • pinag-ibayo – piangbuti; pinagsikapan
• nakababagot – nakaiinip • pinagpipitaganan – iginagalang
• naglalaho – nawawala • sinisikil – pinipigilan sa anumangb
• naglilimayon – nagsasayang ng oras paraan
• sumagap – mabilis makakuha ng
• nagpapagunita – nagpapaalala
impormayson nang hindi sadya
• napagkuro – napag-isip-isip
• taimtim – walang pagkukunwari o daya
• pagkakanulo – pagtatraydor
KABANATA 20: PULONG BAYAN
PULONG NG BAYAN
Dahil sa nalalapit na ang pista ng San Diego ay isang pulong pambayan ang
ginanap sa bulwagan ng tribunal. Ito ay dinaluhan ng mga lider ng bayang nahahati
sa dalawang lapian. Ang matatanda ang grupong bumubuo sa Partidong
Conservador samantalang ang kabataan naman ang bumubuo sa Partido Liberal.
Magkaiba ang mithiin at panuntunan ng dalawang Partido. Ito ang dahilan kung
bakit bumuo ng plano si Don Filipo na siyang teniente at lider ng Partido Liberal.
Kaya bago magsimula ang pulong ay ibinulong niya sa dalawa o tatlo pa niyang
mga kasama ang mga payo ni Pilosopong Tasyo na sinabi sa kanya nang
makasalubong niya ito kaninang umaga. Sinabi niya na ayon sa matanda ay mas
galit sa kanila ang mga miyembro ng Partido Conservador kaysa sa kanilang mga
balak kaya sa gagawing pulong ng kailangan nilang magmungkahi ng mga planong
hindi magugustuhan ng matatanda. Dumating din sa pulong si Ibarra at ang gurong
kanyang kinilala.
TALASALITAAN

• kahambugan – kayabangan
• kanunog-bayan – kalapit-bayan
• kasagwaan – kahalayan
• mapapala – matatamo; mapakikinabangan
• mapusok – padalos-dalos
• panugis – panlaban; pampuksa
• pagtitibayin – sasang-ayunan; aaprobahan
• silyon – silyang may patungan ng mga braso
KABANATA 21: KUWENTO NG ISANG INA
KUWENTO NG ISANG INA

Takot na takot si Sisa nang Makita niya ang mga guardia civil sa kanilang munting
dampa. Pilit na ipinalalabas sa kanya ang kanyang dalawang anak na
pinagbibintangang tumakas at nagnakaw ng pera sa kumbento. Sinabi niyang hindi
niya pa rin nakikita ang kanyang mga anak ngunit hindi siya pinaniwalaan ng mga
guardia civil. Dahil dito siya ay pinilit na dinakip at hinuli ng mga ito lumuhod si sisa
para mag makaawa na wag siyang isama ngunit hindi siya pinakinggan.
Walang nagawa si Sisa kundi sumama sa mga guardia civil. Sa kanilang paglalakad
patungong kuwartel siya ay napapagitnaan ng mga guardia civil. Pinagtinginan at
kinutya siya ng mga taong nakakita sa kanya. Halos mamatay sa kahihiyan si Sisa noong
mga oras na iyon.
TALASALITAAN
• dupikal – sunod-sunod na tugtog ng kampana
• mabuwal – matumba
• mawari – maintindihan; maunawaan
• nababagot – naiinip
• nanunuya – nang-iinsulto; nangungutya
• napiit – nakulong
• nauumid – hindi makapagsalita
• sumalampak – lumapag; umupo sa lupa o sahig
KABANATA 22: DILIM AT LIWANAG
DILIM AT LIWANAG

Abala na ang mga tao sa San Diego sa paghahanda para sa nalalapit na


pistang-bayan. Usap-usapan na ang pagdating nina Maria Clara at Tiya
Isabel. Tuwang-tuwa ang marami sa pagdating ng dalaga sapagkat
bukod sa kinagigiliwan nila ang dalaga ay hinahangaan din nila ang
kagandahan nito. Lalong lumala ang bulungan nang Makita nila si
Crisostomo Ibarra na dumalaw sa tahanan ng dalaga. Sa pag-ususap ng
magkasintahan ay nakikiusap ang dalaga sa binata na huwag imbitahan
sa gagawing pagsasalo sa gubat sin Padre Salvi dahil sa napapansin
niyang kakaibang kilos nito para sa kanya bagay na hindi naman
pinagbigyan ng binata.
TALASALITAAN

• Lumala – tumindi ang kalagayan


• Pakay - layunin
KABANATA 23: PANGINGISDA
PANGINGISDA

• Kinabukasan ay maagang gumising ang kabinataan at kadalagahan kasam ang ilang magulang sa
paglalakad patungong lawa dala ang mga pananglaw. Isang binatang makisig na tinatawag na piloto
ang nakasama nila sa pamamangka. Ang baawat isa’y masaya habang namamangka subalit biglang
nagkagulo ang lath nang may nakita silang buwayang nakulong sa baklad. Natakot at nagsigawan
ang kababaihan. Agad na tumalon ang piloto sa dagat at dahil sa kanyang liksi at lakas ay nahuli
niya ng buwaya. Isinampa ito ng piloto sa tuntungan ng bangka at tinangkang gapusin ngunit ito ay
biglang bumaluktot at inihampas ang buntot sabay talon sa dagat na kala-kaladkad ang piloto.
Mabilis na tumalon si Ibarra sa tubig upang iligtas ang piloto. Biglang pumula ang tubig. Ilang
sandal pa ay lumitaw si Ibarra at ang pilotong hila ang buwaya. Nag pasalamat ang piloto kay Ibarra
at sinabing utang niya sa binata ang kaniyang buhay Nawala ang takot ng lahat at nag patuloy sila sa
pamamangka hanggang sa marating ang pampang ng gubat
TALASALITAAN

• banak – isdang-aklat na malapd ang ulo, may lambi ang palibot ng mata, at manipis
at makinis ang labi
• baklad – panghuli ng isda
• gulilat – nanlaki ang mata dahil sa gulat
• igaod – isagwan
• marubdob – tigib ng damdamin
• naglaho – nawala
• napapandaw – pagtingin kung may huling isda ang baklad
KABANATA 24: SA GUBAT
KABANATA 24: SA GUBAT
Idinaos sa gubat malapit sa batis ang isang salusalo o pagtitipong inihanda ni
Crisostomo ibarra. Ito ay dinaluhan ng kanyang kasintahan, ng mga kaibigan,
magulang, at ilang matataas na tao sa kanilang bayan. Masama man ang loob ni Padre
Salivi ay sumunod pa rin ito sa gubat kung saan nang makita niya si maria clara
kasama ang mga kaibigan nitong naglalakad sa batisan ay palihim niyang sinundan.
Nang dumulog na ang lahat sa hapag-kainan ay magkakasamang kumain sina Ibarra,
ang tenyente, at ang kura. Sa gitna ng pagsasalo ay nagkaroon ng iringan at
pagpaparinigan ang dalawang taong itinuturing na makapangyarihan sa kanilang
bayan dahil sa biglaang pagdating ni Sis asa kagubatan. Mabilis dng umalis ang
babae ngunit agad namang ipinahanap ni Ibarra sa kanyang mga utusan subalit hindi
na siya nasumpungan. Dumating din sa kagubatan ang grupo ng mga guardia civil
upang dakpin ang isang tulisang walang iba kundi ang pilotong nakasama nina
Ibarra sa kanilang pamamangka.
TALASALITAAN

• Lumapastangan – taong gumawa ng masama; taong walang galang


• Magtangka – magbalak; magplano
• Marusing – marumi
• Nanganinag – sumubok tumanaw
• Nanganlong – nagtago
• Padudulugin – pahihintulutang makasalo
• Parunggit – parinig

You might also like