Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 44

Panahon ng

Amerikano
Ika-apat na pangkat:
Riochel G. Bantatua
Armando B. Alonzo Jr.
Arsenio Baldeo Jr.
Mark Anthony Pantig
Kaligirang Pangkasaysayan

- Ang mga Pilipinong mapaghimagsik ay nagwagi sa mga


kastila
- Naiwagayway ang ating bandila noong ika-12 ng Hunyo, 1898

- Nagkaroon ng digmaang Pilipino-Amerikano na siyang naging


sanhi ng pagsuko ni Hen. Miguel Malvar noong 1903

- Pinasok ng mga manunulat na Pilipino ang lahat ng larangan


ng panitikan tulad ng lathalain, tula, kwento, dula, sanaysay,
nobela at iba pa.

- Mababasa sa akda ng mga manunulat ang pag-ibig sa bayan at


pag-asam ng kalayaan.
El Nueva Dia ( Ang Bagong Araw )

- Itinatag ni Sergio Osmeña noong 1900.

- Makalawang pinatigil ng mga sensor na Amerikano ang


paglathala nito at binalaan si Osmeña at ang kanyang mga
kasamahan na ipatatapon dahil sa mga lathalaing makabayan.

El Grito del Pueblo ( Ang Sigaw Ng Bayan )


- Itinatag ni Pascual Poblete noong 1900.

El Renacimiento ( Muling Pagsilang )


- Itinatag ni Rafael Palma noong 1990.
Sa una o ikalawang pagtatanghal ng TeatroZorilla ay
pinatigil ng mga Amerikano dahil sa diwang makabayan pa
rin ang pinapaksa. Kabilang dito ang mga sumusunod:

Kahapon, Ngayon at Bukas


- Isinulat ni Aurelio Tolentino.
- Naglalahad ito ng panlulupig ng mga Amerikano at ang
tangka nila ng manakop sa Pilipinas

Tanikalang Ginto
- Ni Juan Abad.

Malaya
- Ni Tomas Remegio.
Walang Sugat
- Ni Severino Reyes.
Mga Katangian Ng Panitikan Sa
Panahong Amerikano
Sa unang panahon sa taon ng Amerikano, ang mga wikang
ginamit sa panulat ay Kastila at Tagalog. Subalit sa may dakong
1910, isa na naming bagong pangkat ng manunulat ang
nagsimulang magpahayag sa Ingles.

Ang mga manunulat na Kastila aynaging mahilig sa


pagpapahayag ng damdaming makabayan at pagpaparangal kay
Rizal at sa iba pang nagging bayani ng lahi. Ang manunulat sa
Tagalog ay nagpatuloy sa maligayang pagpapahayag na may
daing sa kaapihan ng bayan at may pagpapasigla sa
pagmamahal at [agtatangi sa sariling wika.
Cecilio Apostol
- Ipinanganak sa Sta. Cruz, Manila
- Ika-22 ng Nobyembre, 1877
- Nagpasimula siyang sumulat ng tula noong
siya pa lamang ay nasa ikatlong baiting ng
kanyang pag-aaral.
- Ang kanyang kauna-unahan naipamlimbag
na tula ay ang El Terror de los Mares Indicos.
- Kabilang siya sa La Independencia
- Caluto o Isagani ang bansag sa kanya.
- Nagtrabaho din siya sa mga lathalain tulad
ng La Fraternidad, La Democrecia, La Patria,
at El Renocimiento.
Kay Rizal
Bayaning walang kamatayan, kadakilaang maalamat
Sumungaw ka mula sa bangin ng libingan
na kinahihimbingan mo sa maluwalhating pangarap!
Halika! Ang pag-ibig naming pinapagliyab ng inyong alaala,
mula sa madilim na walang wakas ay tumatawag sa iyo
upang putungan ng mga bulaklak ang iyong gunita.

Matulog kang payapa sa lilim ng kabilang-buhay


tagapagligtas ng isang bayang inalipin!
Huwag iluha, sa hiwaga ng libingan,
ang sandaling tagumpay ng Kastila,
pagka't kung pinasabog man ang utak mo ng isang punglo,
ang diwa mo nama'y gumiba ng isang imperyo!

Luwalhati kay Rizal! Ang ngalan niyang kabanalan


na parang sunog sa Tabor sa pag-iinapoy
sa talino ng pantas ay ilaw ng kaisipan,
sa marmol ay buhay, at sa kudyapi'y kundiman.
Fernando Ma. Guerrero
- Isinilang siya noong 30 ng Mayo
taong 1873
- Marami siyang sagisag-panulat
kabilang na rito ang artistipo, augusto,
rosas, isagani atbp.
- Nakipaglaban siya para sa kalayaan
sa pamamagitan ng pagiging bahagi
niya ng pahayagang rebolusyonaryo
na La Independencia.
- Ang pinakamagaling niyang mga
tula ay tinapon niya sa isang aklat na
pinamagatang “Crisalidas” na
nangangahulugang “Mga Higad”.
Panawagan Kay Rizal

Tinatawagan kita – bakit hindi? – kailangan kong


sa mabangis na sakit na dumudurog sa aking laman
ang makausap ka, ikaw na nag-iwang nakatirik
ng ebanghelyo ng klayaan ng iyang lahi.

Ang bayan natin, ang iyo! ay! Nagdurusa pa


ang sugat ng lipunang iyong kinalaban
ay nagbalik, nangyayamot, lumalaking
gaya ng sa kahapong madilim at malungkot.
Jesus Balmori

- Ipinanganak noong Enero 10 taong


1887.
- Kilala sa sagisag ng “Batikulang”.
- Pinagsama ang kaniyang
pinakamahuhusay na tula sa “Mi
Casa de Nipa”.
- Naging kalaban niya si Manuel
Bernabe sa Balagtasan sa Kastila sa
paksang “El Rucuerdo y el Olvido”.
Narito ang isang saknong na binigkas
niya sa nasabing balagtasan:

Ang aking paksa ay gunita, kamaharlikahan


ang bansag
Sagisag ko’y laurel, baluti ko’y malaking bato
Sa harap ko ay isang puting bagwis na tinlain
Na wumawagayway sa itaas ng gintong agila
ng aking bangka.
Manuel Bernabe
- Pinanganak noong ika-17 ng
Pebrero taong 1890.
- Isang makatang liriko
- Nakipaglaban ng balagtasan kay
Balmori.
- Ipinagtanggol niya ang “Olvido”
na nangangahulugang “limot”
- Ang kanyang mga tula ay tinipon
at ipinakaaklat at pinamagatang
“Castos del Tropico”(mga awit ng
tropic).
Narito ang ilang taludtod na pinili sa
kaniyang binigkas:

Gumunita ! Kaawa-awang kaluluwang may


gunita
Ang pagkadurog na dinanas ng tagimpan
Ang gunita ay halimaw na sumila
Sa kaawa-awang puso.
Claro M. Recto
- Ipinanganak noong pebrero 18
taong 1890.
- Sa larangan ng literatura siya
nakilala.
- Naging kolumnista ng
pahayagang La Vanguardia.
- Sa gulang na 21 ay nalimbag ang
kanyang uang bolyum ng
kanyang mga tula na may
pamagat na Bajo Los Cocoteros
na nangangahulugang “ Sa Lilim
ng Niyugan”.
Narito naman ang ilang bahagi ng kaniyang
isinulat para kay Rizal na pinamagatan niyang
!Ante El Martir(Sa Harapan ng Martir):

Tagalog na manunubos! Ang banal na isip


Na ipinunla mo sa kaluluwang pilipino
Ay matipuno nang pananim ngayon
Na ninibol sa bawat dibdib at lumalaki
Pinamumulaklakan ng mga simulaing
makabayan.
MGA IBA PANG MANUNULAT
SA WIKANG KASTILA

Adelina Gurrea
- kauna-unahang makatang babae sa Pilipinas na
magaling sa Kastila.
- nagkamit siya ng gantimpalang “Premyo Zobel” sa
kaniyang tulang “El Nido”

Isidro Marpori
- napatanyag siya sa pamamagitan ng kaniyang apat
na aklat na pinamagatang “ Aromas de Ensueño”( Halimuyak
ng Pangarap ).
Macario Adriatico
- sumulat ng magandang alamat ng Mindoro na
pinamagatan niyang “La Punta de Salto”( Ang Pook na
Pamulaan).

Efipanio de Los Santos


- nakilala sa tawag na “Don Panyong”.
- Pinalalagay siyang magaling na namumuno, at
mananalambuhay sa buong panahon ng panitikang
Kastila.

Pedro Aunorio
- sumuat ng Decalogo del Protocionismo.
PANITIKAN SA TAGALOG

Francisco Balagtas Baltazar


- sumulat ng “Florante at Laura”.

Modesto de Castro
- sumulat ng “Urbana at Felisa”.

Inuri ni Julian Cruz Balmaceda sa tatlo ang mga makatang


Tagalog. Narito ang mga sumusunod:
Makata ng Dulaan
- Nangunguna sa hanay na ito ang mga pangalan nina Aurelio
Tolentino, Patricio Mariano, Severino Reyes, Tomas Remegio, atbp.

Makata ng Buhay
- pinangungunahan nina Lope K. Santos, Jose Corazon de Jesus,
Florentino Collantes, Patricio Mariano, Carlos Gamatian, Amado V.
Hernande, atbp.

Makata ng Puso
- Kinabibilangan nina Lope K santos, Iñigo Ed. Regalado, Carlos
Gatmaitan, Pedro Gamaitan, Jose Corazon de Jesus, Cirio H. Panganiban,
Deogracias del Rosario, Ildefonso Santos, Amado V. Hernandez, Nemecio
Carabana, Mar Antonio, atbp.
Lope K. Santos

- Nobelista, makata, mangangatha at


mambabalarilang sa tatlong panahon
ng panitikang Tagalog.
- Tinaguriang “Apo” ng mga
mananagalog,
- Ang nobelang “Bantaag at Sikat” ang
siyang pinalalagay na kaniyang
pinaka Obra-Maestro

Ang sumusunod ay isang tulang malimit


niyang bigkasin sa tuwing hihingan siya ng
tula.
“Pagtatapat”
Ibig kong kung ikaw ay may iniisip
sa ulo mo'y ako ang buong masilid;
Ibig kong kung iyang mata'y tumititig
sa balintataw mo ako'y mapadikit; Nais kong sa aklat ng aking pagsinta
Ibig kong tuwi mong bubukhin ang bibig ang ngalan ng lumbay ay huwag mabasa;
ang labi ko'y siyang lumasap ng tamis; Nais kong sa mukha ng ating ligaya
Ibig kong sa bawat pagtibok ng dibdib batik man ng hapis ay walang makita;
bulong ng dibdib ko ang iyong marinig. Nais kong ang linis ng ating panata'y
huwag marungisan ng munting balisa;
Hangad kong kung ikaw'y siyang nag- Nais kong sa buhay ng ating pag-asa'y
uutos walang makatagpong anino ng dusa.
akung-ako lamang ang makasusunod;
Hangad kong sa iyong mga bungang-tulog Mithi kong sa lantang bulaklak ng nasa'y
kaluluwa ko lang ang makapupulot; hamog ng halik mo ang magpapasariwa;
Hangad kong sa harap ng iyong alindog Mithi kong sa minsang pagsikat ng tala
ay diwa ko lamang ang makaluluhod; ay wala nang ulap na makagambala;
Hangad kong sa altar ng iyong pag-irog Mithi kong ang tibay ng minsanang sumpa'y
kamanyang ko lamang ang naisusuob. mabaon ko hanggang tabunan ng lupa;
Mithi kong kung ako'y mabalik sa wala
Nasa kong kung ikaw'y may tinik sa puso ay sa walang yao'y huwag kang mawala.
dini sa puso ko maunang tumimo;
Nasa kong ang iyong tampo't panibugho'y
maluoy sa halik ng aking pagsuyo;
Nasa kong ang bawat hiling mong mabigo
ay mabayaran ko ng libong pangako;
Nasa kong sa bawat luha mong tumulo
ay mga labi ko ang gamiting panyo.
Jose Corazon De Jesus

- Kilalang-kilala sa sagisag na “Huseng Batute”.

- Tinagurian din siyang “Makata ng Pag-ibig” noong


kaniyang kapanahunan.

- Ang “Isang Punong Kahoy” na tulang elehiya ang


ipinapalagay na kaniyang obra –maestra.

Ang sumusunod ay isa sa 800 na tulang naisulat ni Jose


Corazon De Jesus:
Kahit saan
Kung sa mga daang nilalakaran mo, Kung ikaw’y magising sa dapit-umaga,
may puting bulaklak ang nagyukong damo isang paruparo ang iyong nakita
na nang dumaan ka ay biglang tumungo na sa masetas mong didiligin sana
tila nahihiyang tumunghay sa iyo. . . ang pakpak ay wasak at nanlalamig na. . .
Irog, iya’y ako! Iya’y ako, Sinta!

Kung may isang ibong tuwing takipsilim, Kung nagdarasal ka’t sa matang luhaan
nilalapitan ka at titingin-tingin, ng Kristo’y may isang luhang nakasungaw,
kung sa iyong silid masok na magiliw kundi mo mapahid sa panghihinayang
at ika’y awitan sa gabing malalim. . . at nalulungkot ka sa kapighatian. . .
Ako iyan, Giliw! Yao’y ako, Hirang!

Kung tumingala ka sa gabing payapa Ngunit kung ibig mong makita pa ako,
at sa langit nama’y may ulilang tala akong totohanang nagmahal sa iyo;
na sinasabugan ikaw sa bintana hindi kalayuan, ikaw ay tumungo
ng kanyang malungkot na sinag ng luha sa lumang libinga’t doon, asahan mong. . .
Iya’y ako, Mutya! magkikita tayo!
Florentino Collantes

- Isa ring batikang “duplero” tulad ni Batute

- Siya ang unang makatang tagalog na gumamit ng tula sa


panunuligsang pampolitiko sa panahon ng mga amerikano

- Kilalang-kilala siya sa sagisag na “Kuntil-Buntil”

- Ang “Lumang Simbahan” ang kaniyang obra-maestra

Narito ang nasabing tula:


Ang Lumang Simbahan
IV.
I.
Ang suot ay puti may apoy sa bibig,
Sa isang maliit at ulilang bayan
Sa buong magdamag ay di matahimik,
Pinagtampuhan na ng kaligayahan
Ngunit ang hiwagang di sukat malirip,
Ay may isang munti at lumang simbahang
Kung bakit sa gabi lamang na mamasid
Balot na ng lumot ng kapanahunan;
Kung araw, ang tao, kahit magsaliksik
Sa gawing kaliwa, may lupang tiwangwang
Ang matandang ito’y hindi raw masilip,
Ginubat ng damo't makahiyang-parang,
Ngunit pagdilim na't ang gabi'y masungit
Sa dami ng kurus doong nagbabantay
Ano't ang simbahan ay lumalangitngit?
Makikilala mong yaon ay libingan.
V.
II.
Magmula na noo'y pinagkatakutan,
Sa gawing silangan ng simbahang luma
Ayaw nang pasukin ang Lumang Simbahan;
May isang simboryong hagdanan ma'y wala,
Saka ang isa psng baya'y gumimbal,
Dito ibinitin yata ng tadhana
Ang kampanang basag na bahaw na bahaw
Ang isang malaki't basag na kampana;
Kung ano't tumunog sa madaling araw,
Ito raw'y nabasag anang matatanda
At ang tinutugtog agunyas ng patay;
Noong panahon pa ng mga Kastila,
Saka nang dumating ang kinabukasan
Nang ito'y tugtugin dahilan sa digma
May puntod ng libing sa harap ng altar.
Sa lakas ng tugtog bumagsak sa lupa.
VI.
III.
Lumaki ang ahas sa mga balita'y
Sa lumang simbaha't sa kampanang basag
Lalong di pinasok ang Simbahang Luma,
Ay may natatagong matandang alamat,
Kung kaya ang hindi mkurong hiwaga'y
May isang matanda akong nakausap
Nagkasalin-salin sa maraming dila,
Na sa lihim niyo'y siyang nagsiwalat;
Hanggang may nagsabing sa gabing payapa
Ang Lumang Simbaha'y nilimot ng lahat,
May mgs hinaing doon nagmumula
Pinagkatakutan, kay daming nasindak
Tagpoy ng maysakit na napalubha.
Umano,kung gabi ay may namamalas,
Himutok ng isang pananaw sa lupa.
Na isang matandang doo'y naglalakad.
Ang Lumang Simbahan
VII. X.
Ngunit isang gabi ay may nagmatapang Ang ama raw nitong magandang dalaga
Nag-isang pumasok sa lumang Simbahan; Kung sa kayamana'y walang pangalawa.
Datapwa't hindi pa siya nagtatagal Ang binata nama'y isang magsasaka,
Karimot ng takbong nagbalik sa bahay, Mahirap, kung kaya aayaw ng ama.
Saka namalitang nagkakandahingal: Ngunit sa babaing tapat ang pagsinta
"Ako po'y mayroong multong natagpuan, Ang yaman sa mundo ay walang halaga,
Ang suot ay puti at nakabalabal, Kaya't nagkasundong magpatiwakal na
Gayong binaril ko'y ano't di tinablan."
VIII. Sa langit pakasal, doon na magsama.
Lalo nang nag-ugat sa bayan ang lagim; XI.
Ang Lumang Simbaha'y ayaw nang pasukin; Sa harap ng birhen ang magkasing-liyag
Taong naglalakad sa gabing madilim. Ay nagsidaling luha'y nalalaglag;
Ni ayaw sumagi, ni ayaw tumingin. Matapos ang dasal, dalawa'y nagkayakap
Pati nang naroong sakdal gandang Birhen, Sa pagmamahala'y parang pahimakas.
Wala ni sinumang pusong manalangin; Dalawang sandatang kapwa kumikislap
Kaya't sa simbaha'y wala nang pumansin Ang sa dibdib nila'y kapwa itatarak;
Tulad ng ulila't tiwangwang na libing. Yayamang sa lupa'y api ang mahirap.
IX. Sa langit na sila magiisang palad.
Ngunit isang gabing kadilima'y sakdal, XII.
Ang simbahang Luma'y ano't nagkailaw Ngunit ang binata ay may naisipan
May isang binata't isang paraluman Bago nagkasundong dibdib ay tarakan,
Na nangakalunod sa harap ng altar. Ay humukay muna sa harap ng altar,
Ang dalawang ito ay magkasintahang Saka sa gagawing malalim na hukay
Sa galit ng ama ay ayaw ipakasal, Ay doon na sila magsamang mamatay;
Kaya't ang dalawa'y dito nagtipanang Kung mamatay silang wala sa libingan
Sa harap ng Birhen ay magpatiwakal. Baka kung ibaon ay magkahiwalay.
Ang Lumang Simbahan
XIII. XVI.
Humanap ng palang panghukay sa lupa Sa ginawang bago na Lumang Simabahan
Itong sawing-palad na aping binata; Ang magkasing ito ang unang nakasal;
Habang humuhukay ang kaawa-awa Nang sila’y lumuho sa harap ng altar
Sa habag sa sinta'y nanatak ang luha. Ang lahat ng tao’y nagsipagdiwang;
Ngunit ano ito? Kaylaking hiwaga! Dito na nabatid ng takot na bayan
Ang nadukal-dukal mga gusing luma, Ang simbahan pala ay pinagtaguan
Saka nang iahon, oh! Laking himala Ng isang matandang puno ng Tulisan
Puno sa salapi at gintong Kastila! XVII.
XIV. Na may ibinaon doong kayamanan.
Ang magkasinggiliw ay nagitlahanan Ngayo’y din a takot kundi saya’t tuwa
At nalimot tuloy ang magpatiwakal; Ang madudulang mo sa Simabahang luma,
Ang mutyang dalaga ang siyang nagbilang. At sa Birhen doong kay-amo ng mukha, Oh!
Kayrami ngayong nagmamakaawa.
Oh, daming salapi! laking kayamanan, Ito’y katunayan: Anu ano mang gawa,
Libo’t laksa-laksa itong natagpuan, Dapat isangguni muna kay Bathala,
Kaya’t sa malaki nilang kagalakan Sa awa ng Diyos nagtatamong pala.
Lumuhod sa Birhen at nagsipagdasal.
XV.
At sila’y umuwi pasan ng binata,
Nagkakayang-uuyad sa malaking tuwa …
Ang Lumang Simabahan ay ipinagawa,
At ipinabuo ang kampanang sira;
At saka nagdaos ng pistang dakila,
Tugtog ng musiko’y sampung araw yata
Inalis ang takot sa puso ng madla
Ang inihalili’y saying di-kawasa.
Amado V. Hernandez

- Ang makata ng Manggagawa.

- Ang mga tula niya ay naglalantad


ng tunatawag na kamalayang
panlipunan.

- Tinatalakay niya sa kaniyang mga


tula ang iba’t ibang bahagi ng buhay:
tao, makina, bayani, gagamba,
langgam, panahon at pati aso.

- “Panday” ang kaniyang obra-


maestra
Ang Panday
I. IV.
Kaputol na bakal na galing sabundok. Ang lumang araro'y pinagbagang muli

sa dila ng apoy kanyang pinalambot; atsaka pinanday nang nagdudumali,

sa isang pandaya'y matyagang pinukpok naging tabak namang tila humihingi,

at pinagkahugis sa nasa ng loob. ng paghihiganti ng lahing sinawi!

II. V.
Walang ano-ano'y naging kagamitan, Kaputol na bakal na kislap ma'y wala,

araro na pala ang bakal na iyan; ang kahalagahan ay di matingkala,

Ang mga bukiri'y payapang binungkal, ginawang araro: pangbuhay ng madla

nang magtaniman na'y masayang tinamnan. ginawang sandata: pananggol ng bansa!

III. VI.
Nguni't isang araw'y nagkaroon ng gulo Pagmasdan ang panday, nasa isang tabi,

at ang boong bayan ay bulking sumubo, bakal na hindi man makapagmalaki;

tanang mamamaya'y nagtayo ng hukbo subali't sa kanyang kamay na marumi

pagka't may laban nang nag-aalimpuyo! ay naryan ang buhay at pagsasarili


Veleriano Hernandez Peña

- Kasabay ni Lope K. Santos naabot


niya ang rurok ng pagsulat ng nobela.

- Kilala siya bilang “Tandang Anong”


at sagisag na “Kintin Kuliratna”.

- Itinuturing niya ang “Nena At


Neneng” bilang kanyang obra
maestra
Iñigo Ed. Regalado
-Anak ng isang tanyag na
manunulat noong panahon ng
Espanyol na kilala bilang
Odalager.

-Pinatunayan niya na hindi lamang


niya sinunod ang mga yapak ng
kanyang ama ngunit naabot din
niya ang karurukan ng tagumpay o
"sumpong”.

-Siya rin ay naging isang tanyag na


kwentista, nobelista, at peryodista.

-Ang kalipulan ng kaniyang tula ay


tinawag na damdamin.
Ang Dulang Tagalog

Sa pagdating ng panahon ng Amerikano, sinimulan nina Severino


Reyes at Hermogenes Ilagan ay nagsimula nang kilusan laban sa moro-
moro at nagpupumilit na ipakita sa mga tao ang kapakinabangang
maaaring makuha mula sa sarsuela at tahasang dula .

Ang mga taong hindi dapat kalimutan sa larangan ng pagsulat ay ang


mga sumusunod:
Severino Reyes
-Ama ng drama sa Tagalog at may-akda ng walang
kamatayang “Walang Sugat”.

Aurelio Tolentino
-Ang pinagmamalaking magdudulano ng
Kapampangan. Kasama sa kanyang mga sinulat ay ang
“Luhang Tagalog” na itinuring niyang kanyang obra maestra
at “Kahapon, Ngayon at Bukas” na nagresulta sa kanyang
pagkapiit.
Hermogenes Ilagan
Itinatag ang pangkat Campaña Ilagan na
nagtatanghal ng maraming mga drama sa Gitnang Luzon.

Patricio Mariano
Isinulat ang nobelang “Ninay” at “Anak ng Dagat”
ang kanyang obra maestra.

Julian Cruz Balmaceda


Sumulat ng “Bunganga ng Pating” Ito ang nagbigay
sa kanya ng maraming karangalan at kabantugan.
Ang Nobelang Tagalog
Maganda rin ang naging kalagayan ng nobelang tagalog
nang panahon ng mga amerikano. Bukod kina Lope K. Santos
at Valeriano Hernandez Peña, naging dakilang nobelista din
naman sina Faustino Aguilar at Inigo Ed. Regalado.
Ang Maikling Kwentong Tagalog
Dalawang aklat ng kalipulan ng mga kwentoang naipalathala
noong Panahon ng mga Amerikano. Una ay ang “Mga
Kuwentong Ginto” na inilathala noong 1936 at ang ikalawa ay
ang “50 Kuwentong Ginto” ng “50 Batikang Kuwentista” noong
1939. Ang una ay isinulat nina Alejandro Abadilla at
Clodualdodel Mundo na naglalaman ng 25 pinakamahusay na
kwento ayon sa kanila. Ang pangalawa ay isinulat ni Pedrito
Reyes. Ang “Parolang Ginto” at “Talaang Bughaw” ng Abadilla
ay napatanyag din sa panahong ito.
Ang Tulang Tagalog

Halos lahat ng mga manunulat ng Tagalog sa Panahon ng


Amerikano ay nakagawa ng mga magagandang tula na
napakahirap pumili kung alin ang pinakamahusay. Kahit na
ang pagsulat ng tula ay kasing ganda ng kasaysayan, ang tula
ay lumilitaw pa rin kasama ang tamis, kagandahan at himig
MGA IBA PANG
PANITIKANG
FILIPINO
Panitikang Ilukano

Pedro Bukaneg
- "Ama ng Panitikang Iloko".
- Sa pangalan niya hinango ang salitang "Bukanegan" na
ngangahulagan sa tagalog na Balagtasan.

Claro Caluyo
- "Prinsipe ng Mga Makatang Ilokano".
- Kilala siyang makata at nobelista.

Leon Pichay
- Kilalang "Pinakamabuting Bukanegero"
- Isang makata, nobelista, kuwentista, mandudula at
mananaysay.
Panitikang Kapampangan
Juan Crisostomo Soto
-"Ama ng Panitikang Kapampangan".
- Ang salitang "Crisotan" ay nangangahulugang "Balagtasan"
sa Tagalog na hinango sa kanyang pangalan.

Aurelio Tolentino
- Ang "Kahapon, Ngayon at Bukas" ay ginawan niya ng salin
sa Kapampangan at pinamagatang "Napon, Ngeni at Bukas".
Panitikang Bisaya
Eriberto Gumban
- "Ama ng Panitikang Bisaya".
- Nakasulat siya ng sarsuela, moro-moro at mga dula sa
Bisaya.

Magdalena Jalandoni
- Nag-ukol ng panahon sa nobelang Bisaya.
- Isinulat niya ang "Ang Mga Tunuk San Isa Ca Bulaclac".
Ang Panitikang Filipino sa Ingles
Nagsimulang ituro sa mga paaralang Filipino ang Ingles
noong 1900. Mula sa taong ito hangang 1930 ay maraming
naisulat na mahahalagang sanaysaymaikling kwento, at mga
tula. Ang ilan sa mga sanaysay ay madaling unawain dahil
pawang mga katatawanan ngunit ang iba ay nauukol sa mga
paksang pormal , tulad tungkol sa edukasyon, kasaysayan,
pulitika, at mga suliraning panlipunan.

Mapapansin na ang mga kwento noon ay kadalasang


tungkol sa pag-ibig at ang mga paksa at pangyayari ay pawang
mga ginaya lamang.

Sa larangan naman ng tula, pinunang pawang mga


mukhang artipisyal ang gayon sa paglalarawan ng mga
makatang amerikano. Sa madaling salita, walang orihinaliad
ang mga akdang pampanitikan na naisulat noong panahon ng
mga amerikano.
Narito ang ilan sa mga Manunulat
Jose Garcia Villa
-Pinaka-tanyag na Pilipinong manunulat sa Ingles sa larangan ng
maikling katha at tula.
- Kilala rin siya sa tawag na "Doveglion".

Jorge Bocobo
-Isang mananalaysay at mananalumpati.
- Ang ilan sa kaniyang mga sinulat ay "Filipino Contact with the
America, A Vision of Beauty" at "College Education".

Zoilo Galang
- Sumulat ng kauna-unahang nobelang Pilipino sa Wikang Ingles na
pinamagatang "A Child of Sorrow"

Angela Manalang Gloria


-Umakda ng "April Morning".
- Nakilala siya sa pagsulat ng mga tulang liriko noong panahon ng
Commonwealth.
Zuela de Costa
- Nagkamit ng unang gantimpala sa kaniyang tulang "Like
The Molave" sa Commonwealth Literary Contest noong 1940.
NVM Gonzales
- May akda ng "My Islands" at "Children of the Ash Covered
Loom".
- Ang "Children of the Ash Covered Loom" ay isinalin sa iba't
ibang wika sa India.

Estrella Alfon
-Ipinalalagay na pinaka-pangunahing manunulat na babae sa
Ingles bago magkadigma.
- Siya ang sumulat ng "Magnificence" at "Gray Confetti".

Arturo Rotor
-May akda ng "The Wound and the Scar"
-Siya ang kauna-unahang nakapaglimbag ng aklat sa
Philippine Book Guild.

You might also like