Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

ANG

PAGPAPALIWANAG
NI HOBBES
TUNGKOL SA
PAMAHALAAN
Isang pilosopo mula sa
Inglatera. Ginamit nya ang ideya
na natural law upang isulong ang
paniniwala na ang absolutong
monarkiya an pinakamahusay na
pamahalaan.

Thomas Hobbes
Isa sa isinulat nyang aklat
ang Leviathan noong 1651.
Inilalarawan niya dito ang
isang lipunan na walang
pinuno.
Binigyang diin nya na ang tao
ay kailangang pumasok sa isang
kasunduan sa pamahalaan. Dahil sa
kasunduang ito pangangalagaan
at poprotektahan ng pinuno ang
kanyan nasasakupan.
ANG
PAGPAPAHAYAG
NG BAGONG
PANANAW NI
LOCKE
Isa rin sa kinilalang pilosopo sa
England si John Locke na may
paniniwalang katulad kay Hobbes
na kinakailangan magkaroon ng
kasunduan sa pagitan ng mga tao
at kanilang pinuno.

John Locke
Sinasabi nya na ang tao ay
maaaring sumira sa kanyang
kasunduan sa pinuno kung ang
pamahalaan ay hindi kayang
pangalagaan at ibigay ang
kanilang mga natural na karapatan.
Isinulat nya ang kanyang mga ideya
noong 1689 sa pamamagitan ng
lathalaing “Two Treatises of Government”.
Ang kaniyang mga sulatin ay naging
popular at nakaimpluwensiya sa kabuuan
ng Europe at maging sa kolonya ng
England, ang Kolonyang Amerikano.
Isa din sa kinilalang pilosopo sa
larangan ng politika sa Prances si Baron
de Montesquieu na naniniwala sa ideya
ng paghati ng kapangyarihan sa isang
pamahalaan. Hinati nya sa tatlong
sangay ang pamahalaan: ang
lehislatura, ehekutibo at ang hukuman.

Baron de Montesquieu
Si Voltaire o Francois Marie Arouet,
sa tunay na buhay ay isa ding Prances.
Sya ay sumulat ng ilang mga lathalain
laban sa simbahan at Korteng Royal ng
France. Pinagpatuloy nya ang
pagsusulat sa England at binigyan nya
ng pagpapahalaga ang pilosopiya ni
Francis Bacon at siyensa ni Isaac Newton

Voltaire

You might also like