Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

MAGASIN

Group 2:
Karl Genesis Bruno Princess Zita Hernandez
Kim Alog Lee Adrian Punongbayan
Shailene Marasigan Hannah Faith Operio
MAGASIN

• Ang magasin ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming


artikulo,kwento,larawan, anunsyo at iba pa. kalimitang pinopondohan ng mga
patalastas. Ito ay nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa. Ito ay
may sukat na mas malaki kaysa aklat ngunit mas maliit kaysa pahayagan.
Maaring ito ay naglalaman ng mga larawan ng mga produkto na iniindorso
ng mga sikat na tao sa bansa.
MGA KAUNA-UNAHANG MAGASIN
SA PILIPINAS:
• Lipang Kalabaw (1907) - Ang magasin ay pag-aari ng editor din nito na si
Lope K. Santos. Ang Lipang Kalabaw ay tumatalakay sa mga isyu ng politika,
lipunan at kultura. Naging kontrobersyal ang magasing ito dahil sa mga
karikatura ng mga kilalang personalidad ng panahong iyon. Ayon sa mga
mananalaysay ng sining, ang mga karikaturang ito ay iginuhit ni Jorhe
Pineda. Tumigil ang operasyon ng magasin noong 1909 dahil sa mga
reklamo ng mga opisyal ng pamahalaan na parati nitong tinutuligsa. Ito’y
nailathala sa tatlong magkakaibang panahon:1907-1909, 1922-1924, 1947-
1948 dahil sa paulit-ulit na pagpapatigil dito. Ilan sa mga tinuligsa nitong
pulitiko ay sina Gobernador Leonard Wood. May mga komiks din na
nailathala dito bilang isang “page filler” na tumutuligsa sa pamumuno ng mga
Amerikano.
• Telembang (1922-1924) -ay isang satirikong lingguhang magasin na nasa
sirkulasyon ng industriya noong 1922 hanggang 1924. Ang pangunahing
editor sa magasing ito ay si Inigo Ed Regalado. Ang magasing ito ay
naglalaman ng mga nakakatawang mga kwento mga caricatures at mga
cartoons. Ayon sa mga historyador ang mga cartoons sa magasing ito ay
likha nina Fernando Amorsolo at Jorge Pineda. Ang magsing ito ay
naglalaman ng mga satirikong cartoons na laban sa mga Amerikano at mga
pederalista. Mayroong 111 isyu ang magsing ito. Mga Kauna-unahang
Magasin sa Pilipinas.
• Liwayway (1922) - Naunang nakilala bilang “Photo News” ito’y naglalaman
ng mga larawan, balita, salaysayin, sanaysay, prosa, at tula, at nasusulat sa
tatlong wika. Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin
sa Pilipinas. Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na
mga nobela. Dahil dito, naging paraan ito para mapalago ang kamalayan ng
mga Pilipino. Inilunsad ni Ramon Roces ang mga magasin na nasa
katutubong wika. Mayroon pa ring magasing Liwayway hanggang sa
kasalukuyan. Mga Kauna-unahang Magasin sa Pilipinas
NANGUNGUNANG MAGASIN SA
BANSA NGAYON:
• FHM (For Him Magazine) - Ang magasing ito ay tumatayo bilang
mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging instrumento
upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay,
pag-ibig, at iba pa nang walang pag-aalinlangan.
• Cosmopolitan - Magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo dito ay
nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga
pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan.
• Good Housekeeping - Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga
artikulong nakasulat sa dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang
kanilang mga responsibilidad at maging mabuting maybahay.
• Yes! - Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay
palaging bago, puno ng mga nakaw- atensyon na larawan at malalaman na
detalye tungkol sa mga pinakasikat na artista sa bansa.
• Metro - Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu
hinggil sa kagandahan ang nilalaman ng Metro.
• Candy - Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan.
Ito ay gawa ng mga batang manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon ng
mga mambabasa.
• Men’s Health - Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga isyu
ng kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-ehersisyo, pagbabawas ng timbang,
mga pagsusuri sa pisikal at mental na kalusugan ang nilalaman nito, kung
kaya ito ay naging paborito ng maraming kalalakihan.
• T3 - Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga
pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may
mga napapanahong balita at gabay tungkol sa pag-aalaga ng mga gadget.
• Entrepreneur -Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng
negosyo.

You might also like