Metakognitiv Na Pagbasa

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

METAKOGNITIV NA PAGBASA

ULAT NG PANGKAT I
HRD-301
KAMALAYANG METAKOGNITIV
• Isa sa mahalagang konsepto sa pahlinang ng kahusayansa pagbasa.
• Ang pinakamhalagang proseso sa kamalayang metakognitiv na ginagamit ng
mambabasa upang makuha ang kahulugan ay ang pagmomonitor ng
sariling pagunawa para malaman kung tagumopay o bigo siya.
• Alam ng mahusay na mambabasa kung naiintindihan nila o hindi ang
kanilang binasa at alam din nila kung ano ang kanilang gagawin kung hindi
nila ito naintindihan.
• Kasama rin sa paggunita sa pagbasa ang sadyang pagpili sa proseso sa muling
pag-alala gaya ng pagbubuod, pagaayos, at pagpapa buti ng paglalapat ng
maraming proseso na tradisyunal na tinatawag na kasanayang pampag-aaral:
Pagkuha ng mga tala, pagsasanay at pagbabalik-aral:
Baker at Brown (1980)
• Nagbigay sila ng depinisyon sa metakognitiv na kasanayan ng mga
estudyante. Ayon sa kanila, itoaytumutukoy sa kaalaman at pagkontrol
sa sariling pag-iisip at mga gawain sa pagkatuto ng mga estudyante.

Jacobs at Paris (1987)


• Hinati naman nila sa dalawang kategorya ang metakognisyon:
Sariling Pagtataya
Sariling Pamamahala
• Katulad ito ng kategorya ninaBaker at Brown na tinatawag na kaalaman at control.
• Kasama sa sariling pagtataya ang pagpapahayag ng kaalaman tungkol sa kognisyon.
• Kasama rin dito ang kaalaman sa pamamaraan o kaalaman kung paano ginagawa
ang bagay, kondisyunal na kaalaman kung bakit at kalian mahalaga ang particular
na estratehiya.
• Ang sariling pamamahala naman ay tumutukoy sa pagpaplano, pagtatasa at pag-
ayos ng estratehiya.
Ang Batayan ng Metakognitiv Na estratehiya ay:
1. Pag-uugnay ng bagong impormasyon sa dating
kalaman.
2. Sadyang pagpili ng etratehiyang pangkaisipan.
3. Pagpaplano, Pag momonitor, at Pagtataya sa
Prosesong Pangkaisipan.
• Ang pagkatuto sa tiyak na impormasyon at paggamit ng
impormasyong ito para magawa ang ilang gawain ang nagiging
hangarin o layunin ng pagbasa.
• Ang ganitong uri ng pagbasa ay kasama sa ilang masalimuot na
gawain gaya ng pag-unawa at paggunita sa pangunahing ideya ng
seleksyon, pagmomonitor sa pag-unawa at pagkatuto at pag-
alam kung kalian at paano gagamitin ang metakognitiv na
estratehiya kapag hindi nauunawaan ang binasa.
Cardiello (1998)
 Ang metakognitiv na estratehiya ay binigyan ng kahulugan na
“pinatnubayang pamamaraan ng pagkatuto para maisaloob ang
bagong impormasyon at magampanan ang pamamahala sa
pinakamataas na antas ng kaisipan”.

Morrow at iba pa (1999)


 Sila ay nagmungkahi ng metakognitiv na estratehiya sa paglinang ng
pag-unawa sa tekstong binasa.
 Gumamit dito ng kwento at pinatnubay ang pagbasa.
 Maliban dito, ipinakilala rin ang iba’t ibang estratehiya sa mga mag-
aaral gaya ng muling pagpapakwento ng kwentong binasa, muling
pagbabasa ng kwento, muling pagtingin sa teksto, pagbibigay ng
hinuha, pagbuo ng konklusyon, at pagpapakita ng kaalaman sa
estruktural na element o sangkap ng kuwento.
Maclellan (1997)
 Nagmungkahi na nakatutulong sa mga mag-aaral sa kanilang
metakongnitiv na pagbasa ang mga estratehiyang gaya ng muling
pagsasaad ng pangungusap, paglalagom, pagtatala at pagsagot sa mga
tanong.
 Ayon pa kay Maclellan, kung hindi pa rin makaunawa ang mag-aaral sa
kanyang binasa, kailangan niyang gumamit ng metakongnitiv na
pagbasa gaya ng paglikha ng sariling mga tanong, muling pagtingin sa
teksto, pagbibigay ng hinuha at iba pang metakognitiv na estratehiya.
Ang Pagbuo ng mga Tanong ay Hindi Madali may mga
Elemento na Kailangang isaalang-alang dito
Bloom (1984)
• Siya ay gumawa ng kategorya sa paraan ng pagbuo ng mga tanong na
saklaw ng kognitibong kaalaman.
• Ito ay pagkilala, pag-unawa, aplikasyon, pagsusuri, sintesis at
ebalwasyon.
• Ginagamit na gabay ng mga guro ang ibinigay na paraan ni Bloom sa
pagbuo ng mga tanong dahil natutulungan nito ang mga mag-aaral na
maunawaan ang teksto.
• Ang pag-unawa sa binasa ay isang masalimuot na
proseso.
• Nililinang nito ang kasanayang pangkaisipan ng
mga mambabasa na maging metakognitiv at maging
aktibo sa proseso ng pagbasa para sa sariling
pagkatuto.
Mga Elemento sa Pagbasa
• Ang pagbasa ay sinasabing susi sa pagtatagumpay sa buhay kaya
mahalagang malinang sa mga mag-aaral ang kasanayang ito.
• Ang Steck-Vaughn na tagapaglimbag ng mga materyales sa larangan ng
edukasyon (sa pamamagitan ng software) ay nagbigay ng mga element sa
pagbasa na makatutulong sa mga bata na maging matagumpay na
mambabasa.
Ang Mga Elementong Ito sa Pagbasa ay:
• Bokabularyo o Talasalitaan
• Kahusayan
• Pag-unawa
• Palabigkasan at Palatunugan
Bokabularyo o Talasalitaan
• Ito ay mga salitang nalalaman ng isang tao.
• Kailangan ng bata na magkaroon ng malawak na talasalitaan para
maging mahusay na mambabasa.
• Mas maraming alam na salita angbata ay mas makakabuti sa kanya
sapagkat malaki ang tsansa na maunawaan niya kung ano ang kanyang
binabasa.
• Ang pagkakaroon ng malawak na talasalitaan ay nakatutulong sa bata na
maging matagumpay sa loob at labas ng paaralan.
Halimbawa ng Talasalitaan
Kahusayan sa Pagbasa
• Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng bata na magbasa nang mabilis at
wasto sa teksto.
• Alam ng isang mahusay na mambabasa kung paano magagawang
masigla ang isang kwento, kung saan hihinto ang kuwit, tuldok at
pag-iiba-iba ng tono sa mga tanong o iba pang uri ng mga
pangungusap.
• Ang isang mahusay na mambabasa ay nakakaunawa kung ano ang
kanyang binabasa.
• Isang paraan para maging mahusay na mambabasa ang isang bata ay
ang pagsasanay nitong magbasa nang malakas.
Pag Unawa
• Ito ay ang pag-intindi sa kahuligan ng teksto o sa mga susing
salita nito.
• Maaring gumamit ng iba’t-ibang paraan ng pagtuklas ng
kahuligan ang mambabasa gaya ng paglikha ng magandang
tanong at pag-uugnay nito sa ibang material na nabsa ng
mag-aaral.
Palabigkasan at Palatanungan
• Ito ay pag-aaral kung paano nagiging tunog ang mga letra.
• Sa pamamagitan din ng palabigkasan at palatunugan, natututong
magbasa at magbaybay ng mga salita ang bata.
• Ang palatunugan ay ang kakayahang makarinig at magamit ang iba’t
ibang tunong ng mga salita.
• Ito’ay tumutukoy sa wastong pagbigkas ng mga saliota.
• Natutuhan ng bata na ang mga salita ay binubuo ng mga tunog na may
kaayusan.
MARAMING SALAMAT PO!

You might also like