Mga Salitang Hudyat Sa Pagkakasunod Sunod NG Mga Pangyayari

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Mga Salitang Hudyat sa

Pagkakasunod-sunod ng
mga Pangyayari
1. Kapag ang pinagsunod-sunod
ay mga pangngalan, gumamit ng
mga pang-uring pamilang na
panunuran o ordinal.
Hal.
Una si Doris, pangalawa si
Mario, pangatlo si Anna.
2. Kapag ang pinagsunod-sunod ay proseso o
paraan ng pagsasagawa ng isang bagay tulad
ng sa pagluluto, paglalaba o paggawa ng iba’t
ibang bagay, o iyong mga tinatawag na
tekstong prosidyural, makakatulong ang
paggamit ng mga sumusunod:

• Mga salitang nagpapakita ng pagkakasunod-


sunod tulad ng una, kasunod, panghuli at iba
pa.

• Paggamit ng mga salitang hakbang + pang-


uring pamilang o ang salitang step + pang-
uring pamilang.
Hal.
1. STEP 1, STEP 2, STEP 3
2. Unang hakbang, Ikalawang
hakbang, Ikatlong hakbang.
3. Kapag pangyayari naman sa
kuwento ang pinagsusunod-sunod,
madalas ay hindi na ginagamitan ng
mga salitang nagpapakita ng
pagkakasunod-sunod o time
sequence subalit mahalagang
mabasa o maunawaang mabuti ang
kwento sapagkat mga pangyayari
lang ang ilalahad na kailangang
ayusin ayon sa kung paano naganap
sa binasa.
 At sa huli kapag ihahain na ay maaaring timploahan ito ng
pamintang durog o lagyan ng hiniwang sibuyas na mura at
kalamansi.
 Pagkalipas ng 45 minuto ay ihalo ang lugaw sa itinabing
pinagpakuluan ng manok. Lakasan ang apoy upang
kumulong muli.
 Pagkatapos mailagay ang sabaw ng manok ay isunod ang
pinagpira-pirasong manok at sibuyas saka timplahan ng
patis ayon sa panlasa.
 Hayaang kumulo ng may 45 minuto sa katamtaman
hanggang mahinang apoy upang lumambot ang bigas.
Halo-haluin ng madalas upang hindi dumikit ang kanin sa
ilalim ng kaldero o kaserola.
 Sunod na idagdag ang 2 tasang bigas at asin sa
kumukulong tubig at saka haluin.
 Una, magpakulo ng 9 na tasang tubig sa isang malaking
kaldero o kaserola.
Lagyan ng bilang 1 hanggang 6 ang mga
kahon upang maayos ang mga hakbang.

You might also like