Pang Uring

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Pang-uring

Pahambing
ay mga pang-uring naghahambing ng
dalawang tao, bagay, pook, at iba pa.
• Dalawa ang uri ng mga pang-uring
naghahambing:
(1)Pahambing na magkatulad
(2)Pahambing na di-magkatulad
Hambingang Magkatulad
Ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay pareho o
magkapatas ng uri o katangian.
Naipakikita ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga
panlaping ka-, sing, magsing-, magkasing-, at iba pa,
at sa paggamit ng mga salitang pampanulad , tulad ng
gaya, tulad, paris, kapwa at iba pa.
Halimbawa:
(1)Ang mga salawikain at kawikaan ay magsintayog sa taglay na
kaisipan.
(2)Ang mga Pilipino noon at ngayon ay kapwa gumagamit ng
matatalinghagang pahayag sa kanilang mga pananalita.
Hambingang Di-magkatulad
Ito ay ginagamit kung ang pinaghahambing ay di-
magkatulad o magkaiba ng katangian.
Ang hambingang di-magkatulad ay maaaring
palamang o pasahol.
1. Palamang- kung ang inihahambing ay
nakahihigit sa pinaghahambingan. Naipapakita
ito sa paggamit ng mga salitang tulad ng higit,
labis, at lalo.
Halimbawa:
Higit na naglaan ng panahon ang mga sinaunang
Pilipino sa pagbuo ng karunungang-bayan kaysa sa
mga Pilipino ngayon.
2. Pasahol- kung ang inihahambing ay higit na na
maliit o mababang katangian sa inihahambing. Ang
mga salitang ginagamit ay di-gasino, di-gaano, di-
totoo, di-lubha, at alinman sa mga katuwang na ito:
gaya, tulad, paris, at para.
Halimbawa:
Di-gasinong nagpapahalaga sa karunungang-bayan ang mga kabataan na tulad ng
matatanda.

You might also like