Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

NOLI MI TANGERE

INULAT NINA:ESCAÑA AT HERMOSILLA


MGA KABANATANG IUULAT
KABANATA V: KABANATA VI:
PANGARAP SA SI KAPITAN
GABING TIYAGO
MADILIM
KABANATA V
Pangarap sa Gabing
Madilim
KABANATA V
Dumating si Ibarra sa kanyang tinuluyan na balisang-balisa ang
kalooban. Ang kanyang silid sa Fonda de Lala ay nakaharap sa
isang ilog, kaya’t nang gabing iyon, sa kanyang pagkakaupo ay
napagmasdan niya ang malawak na papawirin mula sa
nakabukas niyang durungawan.
Nakita niya ang bahay na nagliliwanag sa ibayo ng ilog, at sa
kanyang silyang kinauupuan ay nanuunuot sa kanyang pandinig
ang masaya at matatamis na himig ng tugtugang nagmumula sa
isang orkestra. Kung hindi nga lamang sana siya nag-iisip at tila
pagod-na-pagod nang mga sandalingiyon, marahil ay naganyak
siyang magmasid sa pagdiriwang sa bahay na iyon. Sana’y
nakita niya ang isang pangitaing lagi niyang hinangaan sa
Sa mga naggagandang tanghalan sa Europa, na sa gitna ng
dulaang sinasabuyan ng malagintong liwanag ay isang
pagkaganda-gandang prinsibining nakadamit ng manipis na
habi, ang mahinhing nagsasayaw sa himig ng isang
nakaheheleng tugtugin. Sa marahan niyang pag-ikot ay
nangagsasalimbayang pumapaligid sa kanya ang mga angel,
mga pastol, mga nimpa, mga diyablo, at mga alipin, at sa
kanyang pagtigil ay nangag-uunahang mag-alay ng kani-
kaniyang handog, paghanga, papuri, at mga bulaklak.
Ang prinsibining pinagkakaguluhan sa pagdiriwang na iyon ay
walang iba kundi si Maria Clara, na siyang laman ng isipan ni
Ibarra, na noon ay kararating pa lamang buhat sa Beateryo.
Ngunit nang mga sandaling iyon ay iba ang nasa isipan ni Ibarra.
Ang umuukil-kil sa kanyang alaala ay isang kahambal-hambal
na nilalang na naghihirap at nagtitiis sa isang madilim at
karumaldumal na silid ng bilanguan, nakaratay sa isang
nanlilimahid na banig, patingin-tingin sa kanyang paligid, at
umuusal ng isang pangalan. Sa mga katabing silid ay maririnig
ang paminsan-minsang kalansing ng mga tanikala, at pag-ungol
ng mga kapuwa naghihirap na bilanggo. Samantalang sa isang
malayong lugar, sa kabilang panig ng dagat ay isang binata ang
naggagandahang diwata, nagsasayaw, humahalaklak,at
nagpapakalango sa kamunduhan... At ang matandang
Naghihirap sa silid ay ang kanyang ama, ang binata ay siya at
ang inuusal na pangalan ng matanda ay kay Ibarra.
Ito lamang ang naggugumiit sa isipan ni Ibarra nang gabing iyon.
KABANATA VI
SI KAPITAN TIYAGO
KABANATA VI
Si Kapitan Tiyago
Habang ang ating mga panauhin ay nangahihimlay pa o kaya’y
nangagaagahan na, kilalanin naman nating mabuti si Kapitan
Tiyago.
Siya ay may kapandakan, Pilipinong-pilino ang kulay, may
bilugang mukha, at may kaunting katabaan na di-umano’y
hulog ng langit, ayon sa kanyang mga kaibigan, ngunit ayon
naman sa kanyang mga katunggali, ay mula sa mga lahi ng
mahihirap. Sa kanyang batang anyo, nakukubli ang tunay
niyang gulang, kaya ang nakakakita sa kanya ay nagsasabing
nasa pagitan lamang siya nang tatlumpu at tatlumpu’t limang
taon. Ang bakas ng kanyang ay nagpapakilala ng kabanalan,
KABANATA VI
Bagamat ang kanyang ulo ay mabilog at maliit, marami naman
ang nagpapalagay na ito’y naglalaman ng maraming bagay.
Hindi singkit ang kanyang mata ngunit may kaliitan, at ang
ilong na di naman sarat ay may magandang hubog. Sa kabuuan
ay masasabing may kagandahan din naman siyang lalaki,
huwag lamang makikitang siya’y nakasupalpal ng tabako na
nagpapapangit sa kanyang bibig, at ngumanganga na naiipon
ang sapa sa loob ng isa niyan pisngi.
Itinuturing siya na isa sa mga mayayaman sa Binundok, asendero
sa kapangpangan, Laguna de Bay, at lalung-lalo na sa
San Diego na kanyang kinagigiliwan, dahilan sa magagandang
paliguan, tanyag na sabungan at mga ginintuang alaalang
doo’y nalalagak. Marami rin siyang lupa at bahay paupahan sa
Sto. Cristo, sa Anloague at Rosario, at higit sa lahat ay ang
malaking kinikita niya sa paglagom ng apiyan.
At dahil sa kanyang mga katangiang ito, naging malapit siya sa
Diyos, sa pamahalaan at sa mga mamamayan.
Siya’y naging malapit sa Diyos sapagkat nabibili niya ang
kanyang kabanalan. Ang mga mahihirap sa halagang piso ay
kanyang napagnunubena at napagrurusaryo para sa kanya.
Naging malapit siya sa pamahalaan sapagkat hindi siya lumalabag sa
batas. Siya ay tumatalima sa anumang tagubiling nagmumula kahit
na sa pinakamababang puno ng pamahalaan at lagi siyang handang
magregalo ng pabo,kapon ng mga prutas na galing pa sa Tsina, ng
hamon at iba pa.
Napili siyang Gobernadorsilyo o Kapitan ng Samahan ng mga Mistiso,
bagama’t marami ang tumututol dahil sa paniniwalang hindi siya
mistiso. Dahil sa tungkuling ito naging malapit siya sa mga
mamamayan, at makabungguang-balikat. Siya ay mabuting tao
sapagkat siya ay masunurin, tahimik, at hindi mapagbasa ng mga
aklat na nagmumula sa Espanya.
Siya ay kaisa-isang anak ng isang mayaman di namang taga-Malobon,
ngunit hindi siya pinapag-aral dahil sa kakuriputan. Dahil dito siya ay
pumasok na katulong ng isang pareng Dominiko
Na siyang nagtiyagang magturo sa kanya. Nang ang Dominiko at
ang kanyang ama ay mamatay, siya ay nangalakal na lamang.
Napangasawa niya si Pia Alba, isang mayamang taga-Sta. Cruz,
at may kahali-halinang ganda. Ang babaing ito ang naging
katulong niya sa paghahanap-buhay, hanggang sa sila’y
yumaman at makilala sa mataas na lipunan. Ang mag-asawa ay
nakabili ng mga lupain sa San Diego, at dito nila naging
kakilala at kaibigan si Padre Damaso, at si Don Rafael Ibarra.
Hindi sila nagkabunga sa loob ng anim na taong pagsasama, kaya
si Donya Pia Alba, nang namanata sa Birhen ng Turumba sa
Pakil, sa payo ni Padre Damaso ay nagsayaw sa kapistahan ni
San Pascual Baylon, upang humingi ng anak. May tatlong
pintakasi sa Ubando; Nuestra Señora de Salambaw,
Sta. Clara at San Pascual Baylon. Hindi nagtagal, Si Donya Pia
Alba ay naglihi, ngunit ito’y naging dahilan ng kanyang
kalungkutan, na nang bandang huli ay siyang naggupo sa
nanghihina niyang katawan. Nang ipanganak niya si Maria Clara
ay dinapuan siya ng matinding sakit na siyang kumitil sa
kanyang buhay. Si Padre Damaso ang ginawang ninong sa
binyag at ang pangalang ibinagay sa bata ay Maria Clara,
bilang pagpupuri sa Birhen de Salambaw at sa Santa Clara na
mga pintakasi sa Ubando.
Si Tiya Isabel ang nagpalaki at nagturo kay Maria Clara. Ang
kagandahan nito ay hindi nila maihanap ng angkop na
pananalita upang mailarawang mabuti kaya nagwawakas sila sa
pagsasabing ito ay nakakahawig ng mahal na Birhen.
Si Maria Clara na kinagigiliwan ng lahat ay lumaki sa
pagmamahal ni Tiya Isabel, ni Kapitan Tiyago at ng mga prayle,
At sa gulang na labing-apat na taon ay ipinasok siya sa Beateryo
ng Sta. Catalina. Noong unang nadama ni Maria Clara ang pait
ng kalungkutan, nang siya’y magpaalam sa kanyang ninong na
si Padre Damaso, at sa kanyang kababata na si Crisostomo
Ibarra. Sa Kumbentong iyon nagwakas ang kanyang kalayaan,
sapagkat kung mayroon mang dumadalaw sa kanya ay
nakakausap na lamang niya ito sa pagitan ng mga rehas na
bakal, at mayroon pang nagmamatyag na madre. Pitong taon
siyang namalagi sa kumbentong ito. Si Ibarra naman, mula
nang si Maria Clara ay mapasok sa Beateryo ay pumunta na sa
Europa upang doon ipagpatuloy ang pag-aaral.
Pagkalipas ng ilang panahon, ang magkakabata ay tumatanggap
kapuwa mula sa kanilang magulang ng balita ay pagiisahing-
palad pagdating ng takdang panahon, dahil sa pagkakaalam na
sila ay nag-iibigan na.

You might also like