Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 55

PAG-AARAL NG MGA

KONTEMPORARYONG ISYU

Inihanda ni MF Rocha
Aralin at Sakop ng Modyul

Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan


 1. Ang Lipunan
 2. Isyung Personal at Isyung Panlipunan
Aralin: Kaligiran at Katangian ng mga
Isyu at Hamong Panlipunan
Gawain 1.Headline-Suri
 Makibahagi sa iyong pangkat, suriin ang larawan ng
headline naitalaga sa inyo. Sagutin ang tanong na:
Bakit ito ay maituturing na isyu o suliraning
panglipunan? Isulat ang sagot sa diagram.
Pamprosesong mga Tanong

 1. Ano-ano ang pananaw ng inyong grupo sa


headline na napunta sa inyo?
 2. Maituturing mo bang isyung panlipunan ang
ipinakikita ng bawat headline? Bakit?
 3. Bakit mahalaga na maunawaan mo ang iba’t ibang
isyung panlipunan?
Basahin ang teksto sa ibaba na hinango mula sa artikulo ni
Leile B. Salaverria tungkol sa antas ng korapsyon sa Pilipinas.
 Sa artikulong isinulat ni Leila B. Salaverria na nailathala sa
Philippine Daily Inquirer noong Disyembre 5, 2012, tinalakay niya
ang resulta ng pag-aaral ng Transparency International tungkol
sa persepsyon ng korapsyon sa Pilipinas. Sa nasabing pag- aaral,
nagtala ang Pilipinas ng iskor na tatlumpu’t apat sa kabuuang 100
kung saan ang 100 ay may deskripsyon na “very clean”.
 Bahagyang tumaas ang marka ng Pilipinas noong 2013 sa iskor na
tatlumpu’t anim.Kung tutuusin, mababa pa rin ang markang ito
kung ihahambing sa mga bansang Denmark, Finland, New
Zealand, Sweden, at Singapore na may matataas na marka at
itinuturing na “very clean”. Nagbibigay ito ng mensahe na ang
Pilipinas ay isa pa rin sa mga bansa sa daigdig na may malaganap
na korapsyon sa pamahalaan.
Basahin ang teksto sa ibaba na hinango mula sa
artikulo ni Leile B. Salaverria tungkol sa antas ng
korapsyon sa Pilipinas.

 Ang isyu ng korapsyon ay hindi lamang nararanasan sa ating


bansa. Sa katunayan, ayon sa nasabi ring pag-aaral, higit na
mataas ang marka ng Pilipinas kung ihahambing sa mga
karatig-bansa sa Asya tulad ng Vietnam, Indonesia,
Bangladesh, at ng North Korea na kasama sa “five most
corrupt countries” sa daigdig. Subalit hindi ito dahilan
upang itigil natin ang paglaban sa korapsyon.
 Ayon kay Rosalinda Tirona, ang pangulo ng Transparency
International sa Pilipinas, kailangan pa ang mas maraming
pagkilos upang labanan ang korapsyon. Ngunit, hindi
lamang korapsyon ang dapat na bigyang pansin kundi ang
transpormasyon ng lipunang Pilipino upang makamit ang
tunay napagbabago.
Korapsyon
 Ang korapsyon ay makikita sa mga simpleng serbisyong
pampamahalaan tulad ng pagkuha ng permit para sa
pagbubukas ng negosyo hanggang sa mga malawakan at
malakihang proyekto tulad ngpagpapagawa ng kalsada,
tulay, at mga gusaling pampubliko.
 Maraming mamamayan ang nag-aakala na wala itong
direktang epekto sa kanila subalit, ang katotohanan lahat
tayo ay apektado nito.
 Ganito rin ang persepsyon ng ibang mamamayan sa iba
pang isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa ating
bansa tulad ng paglabag sa karapatang pantao, malayang
kalakalan, pang-aabuso sa mga kababaihan, at mga
suliraning pangkapaligiran na dulot ng maling
pangangalaga sa kalikasan.
 Bunga nito, hinihiwalay ng mga mamamayan ang kanilang
sarili sa mga isyu at hamong panlipunan upang
matugunan ang mga personal na hamon at
pangangailangan.
Korapsyon
 Bilang mag-aaral, mahalagang magkaroon ka ng malawak na
pangkapaligirankaalaman sa mga isyu at hamong panlipunan
upang maunawaan ang mga sanhi at bunganito sa isang lipunan
at sa bansa.
 Mahalaga ring maunawaan na lahat tayo ay may
bahaging ginampanan sa pagkakaroon ng mga suliraning
.
 Mahalaga ring maunawaan mo ang epekto nito sa indibiduwal, sa
iba’t ibang pangkat ng tao, at sa lipunan sa kabuuan.
 Higit sa lahat, makatutulong din ito upang maging aktibong
bahagi ka ng mga programa at polisiya na naglalayong bigyan
ng katugunan ang mga suliranin.
 Ang mga mamamayang mulat at tumutugon sa kanilang mga
tungkulin ay kailangan sa pagkamit ng ganap na transpormasyon
ng indibiduwal at lipunan.
Ang Lipunan
Ano nga ba ang ibig
sabihin ng lipunan?
Ang lipunan
 Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong samasamang
naninirahan sa isang organisadong komunidad na may
iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
 Halos ganito rin ang pagpapakahulugan ng ilang mga
sosyologo tungkol sa lipunan.Ilan sa kanila ay sina Emile
Durkheim, Karl Marx, at Charles Cooley.
Emile Durkheim
 “Ang lipunan ay isang buhay na organismo
kung saan nagaganap ang mga pangyayari at
gawain.
 Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago.
Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit
magkakaugnay na pangkat at institusyon.
 Ang maayos na lipunan ay makakamit kung
ang bawat pangkat at institusyon ay
gagampanan nang maayos ang kanilang
tungkulin.”(Mooney, 2011)
Karl Marx
 “Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng
kapangyarihan.
 Ito ay nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga
tao sa limitadong pinagkukunang- yaman
upang matugunan ang kanilang
pangangailangan.
 Sa tunggalian na ito, nagiging
makapangyarihan ang pangkat na
kumokontrol sa produksyon.
 Bunga nito, nagkakaroon ng magkakaiba at
hindi pantay na antas ng tao sa lipunan na
nakabatay sa yaman at
kapangyarihan.”(Panopio, 2007)
Charles Cooley

 “Ang lipunan ay binubuo ng tao na may


magkakawing na ugnayan at tungkulin.
Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang
kaniyang sarili sa pamamagitan ng
pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng
lipunan.
 Makakamit ang kaayusang panlipunan sa
pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng
mga mamamayan.”(Mooney, 2011)
 Magkakaiba man ang pagpapakahulugan sa lipunan,
makikita na ang mga sosyologong ito ay nagkakaisa na ang
lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon, ugnayan, at
kultura.
 Bilang mag-aaral, mahalagang maunawaan mo kung ano-
ano ang bumubuo sa lipunan.
Ang Istrukturang Panlipunan
at Kultura
IPAGPALAGAY NA ANG LIPUNAN AY TULAD NG ISANG BARYA NA MAY DALAWANGMUKHA: ANG
ISANG MUKHA AY TUMUTUKOY SA MGA ISTRUKTURA NG LIPUNAN AT ANG ISA NAMAN AY
TUMUTUKOY SA KULTURA. BAGAMA’T ANG DALAWANG MUKHA AY MAGKAIBA AT MAY KANI-
KANIYANG KATANGIAN, MAHALAGA ANG MGA ITO AT HINDI MAAARING PAGHIWALAYIN TULAD NA
LAMANG KAPAG PINAG- UUSAPAN ANG LIPUNAN.
Mga Elemento ng Istrukturang Panlipunan
 Ang mga elemento ng istrukturang panlipunan ay
ang mga sumusunod:
1. INSTITUSYON
2. SOCIAL GROUPS
3. STATUS (SOCIAL STATUS)
4. GAMPANIN (ROLES)
Institusyon
LIPUNAN
 Binubuo ng mga institusyon.
 Ang institusyon ay organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan.
(Mooney, 2011).
PAMILYA
 Isa sa mga institusyong panlipunan, dito unang nahuhubog ang
pagkataong is ang nilalang.
EKONOMIYA
 Mahalaga ang ekonomiya sa lipunan dahil pinag-aaralan dito kung paano
matutugunan ang mgapangangailangan ng mga mamamayan.
Social Group
 Ang mga institusyong panlipunan ay binubuo naman ng mga social group.
 Tumutukoy ang social group sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na
katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang
ugnayang panlipunan. May dalawang uri ng social group:
 PRIMARY GROUP at SECONDARY GROUP. (Mooney, 2011).
PRIMARY GROUP
 Tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayan ng mga indibiduwal.
Kadalasan, ito ay mayroon lamang maliit na bilang.
 Halimbawa nito ay ang pamilya at kaibigan. SECONDARY
GROUP
 binubuo ng mga indibiduwal na may pormal na ugnayan sa isa’t isa. Karaniwang
nakatuon sa pagtupad sa isang gawain ang ganitong uri ng ugnayang panlipunan.
 Isang halimbawa nito ay ang ugnayan sa pagitan ng amo at ng kaniyang
manggagawa, gayundin ang ugnayan ng mga manggagawa sa isa’t isa.
Social Group
 Nagkakaroon ng hindi magandang ugnayan ang mga
bumubuo sa isang social group na nagdudulot ng ilang
isyu at hamong panlipunan.
 Halimbawa ang malawakang pagwewelga ng ilang
manggagawa ay isang isyung panlipunan na dulot ng
pagkakaroon ng hindi magandang ugnayan ng mga
manggagawa at may-ari ng kumpanya.
Status

 Kung ang mga institusyong panlipunan ay binubuo ng


mga social groups, ang mga social groups naman ay
binubuo ng iba’t ibang status.
 Ang status ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan
ng isang indibiduwal salipunan.
 Ang ating pagkakakilanlan o identidad ay
naiimpluwensiyahan ng ating status.
 May dalawang uri ng status: ito ay ang
ascribed status at achieved status .
Status

 Paanonga ba nagkakaugnay ang dalawang uri ng status?


 Maaaring makaapekto ang ascribed status ng isang
indibiduwal sa kaniyang achieved status.
 Halimbawa, ang isang indibiduwal ay ipinanganak na mahirap.
 Ang pagiging mahirap niya sa pagkakataong ito ay
maituturing na ascribed status.
 Ang ascribed status na ito ay maaaring maging inspirasyon sa kaniyang
hangarin na makatapos ng pag- aaral o kaya ay maging isang propesyunal
upang makaahon sa hirap ng buhay.
 Ang pagiging isang college graduate o propesyunal ay maituturing
naachieved status.
Status
 May mga isyu at hamong panlipunan na may kaugnayan sa
status ng tao sa lipunan.
 Karaniwan, nagkakaroon ng mas malawak na pagkakataon sa
magandang kalidad ng edukasyon ang mga taong ipinanganak
na mayaman kung ikukumpara sa mga mahihirap.
 Sa kabila nito, mayroon din namang mga mahihirap na naging
tuntungan ang ganitong kalagayan upang lalong magsumikap
para mabago ang estado sa buhay.
Gampanin (Roles)
 May posisyon ang bawat indibiduwal sa loob ng isang social
group. Ang bawat posisyon ay may kaakibat na gampanin o
roles.
 Tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga karapatan,
obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat ng
posisyon ng indibiduwal.
 Sinasabing ang mga gampaning ito ang nagiging batayan din ng
kilos ng isang tao sa lipunang kanyang ginagalawan.
 Halimbawa, bilang isang mag-aaral inaasahang gagampanan mo
ang mga tungkulin ng isang mabuting mag- aaral at inaasahan
mo rin na gagampanan ng iyong guro ang kaniyang mga
tungkulin tulad ng pagtuturo nang mahusay at pagbibigay ng
pagsusulit sa klase.
Gampanin (Roles)
 Ang hindi pagganap sa mga inaasahang gampanin ng isang indibiduwal o
isang grupo ay maaaring magdulot ng ilang isyu at hamong panlipunan.
 Halimbawa, ang isang mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan sa
lipunan. Kung ito ay hindi magagampanan nang maayos, magdudulot ito ng
ilang isyu at hamong panlipunan.
 Tungkulin ng mga mamamayan na sumunod sa batas ng
pagtatapon ng basura.
 Ang hindi pagsunod sa batas na ito ay makapagdudulot ng ilang mga
suliraning pangkapaligiran tulad ng polusyon na banta sa kalusugan ng mga
mamamayan.
Gampanin (Roles)
 May mga pagbabago rin sa lipunan na magdudulot ng pagbabago
sa roles ng bawat isa. Isang magandang halimbawa nito ang
pagkakaroon ng mga househusband sa kasalukuyan.
 Ito ay mga asawang lalaki na siyang gumagawa ng mga gawain sa
loob ng tahanan habang ang kaniyang asawang babae ang naghah
anapbuhay.
 Marami ring pagkakataon na ang asawang lalaki at asawang babae
ay kinakailangang parehong magtrabaho upang matugunan ang
pangangailangan ng pamilya.
 Makikita sa ganitong sitwasyon ang pagbabago ng gampanin ng
mga kalalakihan at kababaihan bilang tugon sa nagbabagong
panahon.
Gawain 3. Photo
Essay
 Sa isang oslo paper ay gumawa ng Photo Essay na nagpapakita
ng iba’t ibang isyu at hamong panlipunan na dulot ng
mga elemento ng

 istrukturang panlipunan.
 Maaaringgumupit ng mga larawansa magazineo kumuha ng mga
ito sa internet.
 Gawingbatayan ang rubric sa pagmamarka
bilang
 gabay sa pagtupad ng gawaing ito.
HALIMBAWA
Katuturan ng Kultura
Katuturan ng Kultura

 Sa pag-aaral ng lipunan, mahalagang pagtuunan din ng pansin


ang kultura.
 Ayon kina Andersen at Taylor (2007),ang kultura ay isang
kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa
paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang
lipunan sa kabuuan. Sa isang lipunan, binibigyang-katwiran ng
kultura ang maganda sa hindi, ang tama sa mali at ang mabuti
sa masama.
Katuturan ng Kultura
 Pinatutunayan din ni Panopio (2007) ang naunang kahulugan ng
kultura sa pamamagitan ng pagsasabing “ito ang kabuuang
konseptong sangkap sa pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng
kilos at gawi, at ang kabuuang gawain ng tao”.
 Ayon naman kayMooney (2011), ang kultura ay tumutukoy sa
kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang
lipunan. Samakatuwid ang ginagawa natin sa ating pang-araw-
araw na pamumuhay mula paggising hanggang bago matulog ay
bahagi ng ating kultura. May dalawang uri ang kultura. Ito ay ang
materyal na kultura at hindi materyal na kultura.
Pigura 2: Dalawang Uri ng Kultura
Mga Elemento ng Kultura
Mga Elemento ng Kultura
 Kung ang mga institusyong panlipunan ay tumutukoy sa mga
istruskturang bumubuo sa isang lipunan, ang kultura naman ay
tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga
mamamayan sa isang lipunan.
 Naglalarawan ito sa isang lipunan. Nag-iiba ang paglalarawan
ng bawat lipunan batay na rin sa kultura nito.
 Binubuo ang kultura ng mga paniniwala (beliefs),
pagpapahalaga (values), norms, at simbolo.
Paniniwala
(Beliefs)
 Tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag
tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na
totoo.
 Maituturing itong batayan ng pagpapahalaga ng
isang grupo o lipunan sa kabuuan.
 Nakakaapekto sa mga isyu at hamong panlipunan
ang paniniwala ng isang indibiduwal o pangkat
ng tao.Halimbawa, ang isang lipunang naniniwala
sa pagkakapantay- pantay ng mga tao anoman
ang kasarian ay magbibigay ng mga oportunidad
para sa pag- unlad ng tao anuman ang kasarian
nito.
Pagpapahalaga
(Values)
 Ang pagpapahalaga ay hindi maaaring maihiwalay
sa paniniwala ng isang lipunan.
 Maituturing itong batayan ng isang grupo o ng
lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-
tanggap at kung ano ang hindi.
 Batayan ito kung ano ang tama at mali, maganda at
kung ano ang nararapat at hindi
nararapat(Mooney, 2011).Bagama’t may iba’t ibang
pagpapahalaga ang bawat lipunan, marami sa
pagpapahalaga ay kanilang pinagsasaluhan.
 Kapag ang isang situwasyon o gawain ay labag sa
mga pagpapahalaga, itinuturing ito na isyu o
hamong panlipunan.
Norms
 Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo
at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan.
 Ang mga norm ang nagsisilbing batayan ng mga
ugali, aksyon, at pakikitungo ng isang indibiduwal
sa lipunang kaniyang kinabibilangan.
 Mauuri ang norms sa folkways at mores.
 Ang folkways ay ang pangkalahatang batayan ng
kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isang
lipunan sa kabuuan.
Norms
 Sa kabilang banda, ang mores ay tumutukoy sa
mas mahigpit na batayan ng pagkilos.
 Ang paglabag sa mga mores ay magdudulot ng mga legal na parusa
(Mooney, 2011).
 Ang kawalan ng batayan ng pagkilos sa isang
lipunan ay maaaring magdulot ng kaguluhan.
 Halimbawa, ang mga batas trapiko ay inilaan upang magkaroon ng
kaayusan at kaligtasan ang mga tao sa lansangan. Batayan ito ng
pagkilos ng mga tao.
 Ang hindi pagsunod sa mga batas na ito ay may kaukulang
kaparusahan.
Simbolo (Symbols)
 Ang simbolo ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang
bagay ng mga taong gumagamit dito. (White, 1949)
 Kung walang simbolo, walang magaganap na
komunikasyon at hindi rin magiging posible ang
interaksiyon ng mga tao sa lipunan.
 Ang mga halimbawa ng simbolo ay wika, mga
pagkumpas (gestures), at iba pang bagay na
nauunawan ng mga miyembro ng isang lipunan.
 Halimbawa, isang gawi ng mga Pilipino ang
pagmamano.
 Ang gawing ito ay sumisimbolo sa isang paraan ng
pagpapakita ng paggalang ng mga Pilipino sa mga
nakatatanda.
Simbolo (Symbols)
 Ang simbolo ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang
bagay ng mga taong gumagamit dito. (White, 1949)
 Kung walang simbolo, walang magaganap na komunikasyon at hindi rin
magiging posible ang interaksiyon ng mga tao sa lipunan.
 Ang mga halimbawa ng simbolo ay wika, mga pagkumpas (gestures), at iba
pang bagay na nauunawan ng mga miyembro ng isang lipunan.
 Halimbawa, isang gawi ng mga Pilipino ang pagmamano.
 Ang gawing ito ay sumisimbolo sa isang paraan ng pagpapakita ng
paggalang ng mga Pilipino sa mga nakatatanda.
Gawain 4. Modified True or False
Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap; kung ito ay mali,
itama ang salitang may salungguhit upang maiwasto ang pahayag. Isulat ang
iyong sagot sa patlang.
_________1. Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng
mga mamamayan sa isang lipunan.
2. Ang paniniwala ay isang elemento ng kultura na tumutukoy sa mga
asal, kilos o gawi na nagsisilbing pamantayan ng pagkilos sa isang lipunan.
3. Ang pagpapahalaga ay batayan ng pagkilos na katanggap- tanggap
sa grupo ng mga tao o lipunan sa kabuuan.
4. Ang hindi pagsunod sa norms ng isang lipunan ay
may kaukulang kaparusahan o sanctions.
___ 5. Ang kultura aynaglalarawan sa isang lipunan.
Isyung Personal at
Isyung Panlipunan
Ang Sociological Imagination
 Sa pag-aaral ng mga hamon at isyung panlipunan, mahalaga ang pagunawa sa
mga istrukturang bumubuo rito maging ang kulturang naglalarawan sa isang
lipunan.
 Mahalaga ring makita ng bawat isa ang kaugnayan ng istrukturang panlipunan
at kultura sa pagkakaroon ng mga suliranin at isyung panlipunan.
 Ayon kay C. Wright Mills (1959), mahalagang malinang ang isang kakayahang
makita ang kaugnayan ng mga personal na karanasan ng isang tao at ang
lipunang kanyang ginagalawan.
 Tinawag niya itong Sociological Imagination. Kapag nalinang sa atin ang
abilidad na ito, masusuri natin ang koneksiyon at interseksiyon ng mga isyung
personal at isyung panlipunan.
 Mahalaga rin ito sa pagbibigay ng koneksyon sa mga pangyayari sa ating buhay
bilang isang indibiduwal at sa pangkalahatang kaganapan sa lipunang ating
ginagalawan.
Ang Sociological Imagination

 Isang halimbawa nito ang problemang kinakaharap ng


mga Pilipino sa usaping pantrapiko lalo na sa Kamaynilaan
at mga karatig-lugar.
 Sa simula, maaaring isisi sa tao ang pagiging huli niya sa
pagpasok sa paaralan, subalit kung susuriin ang isyung
ito, masasabing ang palagiang pagpasok nang huli ay
bunga ng malawakang suliraning pantrapiko.
 Kung gagamitin ang Sociological Imagination, maiuugnay
na hindi lamang personal na isyu ang dapat harapin
kundi isang isyung panlipunan na nakaaapekto sa isang
indibiduwal.
Ano nga ba ang kaibahan ng isyung personal
at isyung panlipunan?
Isyung Personal at Isyung Panlipunan

 Ang mga isyung personal ay sinasabing nagaganap sa pagitan ng


isang tao at ilang malalapit sa kanya.
 Ang solusyon sa isang isyung personal ay nasa kamay ng
indibiduwal. Maituturing ang isyung ito na pribadong bagay na
nararapat solusyunan sa pribadong paraan.
 Samantala ang isyung panlipunan ay isang pampublikong bagay.
Karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong
panlipunan.
 Mga suliranin ito na nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi
sa lipunan sa kabuuan.
Isyung Personal at Isyung
Panlipunan
 Mahalagang malaman mo na sa kabila ng
pagkakaiba ng isyung personal at isyung
panlipunan, ang dalawang ito ay magkaugnay.
 Isang halimbawa nito ay ang mga hamon at
isyung pangkapaligiran.
 Ang makalat na bakuran ay isang halimbawa ng
isyung personal subalit kung ang isang barangay
o bayan ay magiging makalat dulot ng kawalan
ng maayos na sistema ng pagtatapon ng
basura, ito ay maituturing na isyung panlipunan.
 Idagdag pa rito ang masamang epekto sa
kalusugan at ekonomiya ng isang lugar kung ito
ay mabaho, makalat, at walang maayos na
sistema ng pagtatapon ng basura.
Isyung Personal at Isyung Panlipunan

 Mayroon ding mga isyu na may kaugnayan sa ekonomiya.


 Isang magandang halimbawang ibinigay ni C. Wright Mills
(1959) ng pagkakaiba ng isyung personal at isyung
panlipunan ay tungkol sa kawalan ng trabaho.
 Kung sa isang komunidad na may 100,000 mamamayang
maaaring maghanapbuhay ay may isang walang trabaho,
maaring ituring ito bilang isang isyung personal. Subalit
kung sa isang lipunang mayroong 50 milyong tao at 15
milyon sa mga ito ay walang trabaho, maaari itong
ituring na “isyung panlipunan”.
 Sa malalim na pagtingin, maaaring maging kongklusyon
na may kakulangan sa lipunan o istruktura nito na
nagdudulot ng kawalan ng trabaho ng maraming
mamamayan dito.
Isyung Personal at Isyung Panlipunan

 Mayroon din namang ilang pangyayari na maituturing na


isyung panlipunan subalit makikita ang epekto sa personal
na buhay ng isang tao.
 Ang mga digmaan ay maituturing na isyung panlipunan
subalit hindi maikakaila ang epekto nito maging sa
personal na buhay ng mga tao sa lipunang puno ng
kaguluhan at karahasan.
 Gamit ang kasanayan na Sociological Imagination, bilang
bahagi ng lipunang iyong ginagalawan, mahalagang
maunawaan mo na ang mga personal na isyung
nararanasan mo ay may kaugnayan sa isyu at hamong
panlipunan.
 Hindi rin maikakaila na mayroon kang mahalagang papel
na gagampanan sa pagtugon sa mga isyu at hamong
kinahaharap ng lipunan sa kasalukuyan.
Gawain 5.
Personal o Panlipunan?
Gamit ang Venn diagram ay ibigayang pagkakatulad
at pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan.
Gawain 6.
Pangatuwiranan mo!
Basahin ang mga
situwasyon sa unang
kolum. Ipaliwanag ang
sanhi at epekto ng
bawat situwasiyon
gamit ang Sociological
Imagination.
Pagkatapos, punan ng
tamang sagot ang
kahon ng paglalahat.

You might also like