Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Panatang

Makabata
Ako, si (banggitin ang
pangalan), bilang
mamamayang Filipino, ay
kinikilala ang kahalagahan ng
mga bata sa lipunan.
Dahil dito, ako ay
nangangakong isulong,
protektahan, igalang, at
pangalagaan ang karapatan ng
bawat bata, anuman ang
kaniyang kulay, kasarian, lahi,
relihiyon, kultura, estado sa
buhay, may kapansanan man o
wala.
Upang matiyak ang kasiyahan
ng mga bata, naniniwala akong
nararapat na matamasa nila
ang mga ito:
• Maisilang at mabigyan ng
sapat na pangangailangan
upang mabuhay ng maayos;
• Lumago ang kaalaman,
kakayahan at talento;
• Maproteksyunan sa
anumang uri ng pang-
aabuso, panganib at
karahasan;
• Makalahok sa mga gawain
patungkol sa mga bata; at
• Maipagtanggol at
matulungan ng pamahalaan
sa lahat ng panahon.
Sa tulong ng Poong Maykapal,
ito ay aking isasapuso at
isasagawa ang lahat ng ito
dahil ang mga bata ang pag-
asa at siyang magpapaunlad sa
ating bayan.

You might also like