Ang mga akdang pampanitikan ay nalilikha at nabubuo sa pamamagitan ng iba’t ibang elementong gumaganap ng mahalagang tungkulin upang ang mga obra-maestra sa larangang ito ng sining ay magkaroon ng buhay. Katulad ng iba pang sining, ang panitikan ay patuloy sa pagsulong at pag- unlad sa pamamagitan ng iba’t ibang dahilan. Anu-ano nga ba ang mga elementong masasabi nating nakatutulong upang lumikha ng mga akdang maipagmamalaki natin bilang nga Pilipino? Kapaligiran
Nagbibigay-pansin sa isang pook. Kasama
ang iba’t ibang sangkap na kalikasan katulad ng klima, mga likas na yaman, mga pisikal na kapaligiran at mga kaugnay nito. Karanasan
Bawat kasaysayan ng isang tao ay
maaaring maging batayan para sa isang akdang magbibigay sa mga mambabasa ng pagkakataong makita ang kanyang sarili sa kanyang binabasa. Salik na Panlipunan at Pampulitika Ang mga gawaing may kaugnayan sa lipunan gayundin sa pulitika ay isang malaking bahagi sa pagdadala ng mga kaugalian, karanasan, kalinangan at kabihasnan ng isang tanging pook o bansa. Dito ay may mga akdang tunay na kakatawan sa kaisipan, damdamin at paniniwala ng mga mamamayan sa pook. Salik na Panrelihiyon Maraming mga akdang nakilala hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong daigdig ang pumaksa sa salik na ito. Hindi natin matatawaran na ang pananampalataya na natutuhan natin sa mga dayuhan ay nagkaroon ng malaking impluwensiya upang ang ating mga manunulat sa iba’t ibang panahon ay makasulat ng mga obra-maestrang panghabang panahon. Edukasyon Ang pilosopiya ng edukasyon na naituro sa atin ay lalong nagpalawak sa kalinangan at karunungang taglay na natin. Sa pamamagitan ng mga naituro sa atin ng mga institusyon sa ating bansang kinagisnan, higit na nagkaroon tayo ng puwang sa ating puso ang makalikha ng mga akdang magpapakilala ng uri ng lipunan at edukasyong naghatid sa atin sa kinalalagyan natin ngayon. Mga Impluwensiya ng Panitikan ng Ibang Bansa Sa kasaysayan ng panitikan, hindi lamang sa Pilipinas, kundi maging sa mga bansa sa daigdig, mayroong mga akdang pampanitikan na nagdala ng malaking impluwensiya upang maisulat at mabuo ang obra-maestra ng iba’t ibang bansa sa daigdig sa larangan ng panitikan. 1. Banal na Kasulatan (Bibliya) Mula ito sa Palestina at naging batayan ng sangkakristiyanuhan. Nahahati sa dalawang bahagi: Ang Lumang Tipan at ang Bagong Tipan. 2. Koran (Bibliya ng mga Mohamedan)
Mula sa Arabia at nagtataglay ng mga
kaisipan at kautusang siyang sinusunod hanggang sa ngayon ng mga muslim. 3. Iliad at Odyssey
Isinulatni Homer. Mula ito sa Gresya na
tumatalakay sa mga pakikipagsapalaran ng mga Greko noong kanilang kapanahunan. Ang “Iliad” ay tungkol sa istorya ng pagsakop sa Lungsod ng Troy, habang ang “Odyssey” ay hinggil sa pagbabalik ni Odysseus mula sa Trojan War. 4. Mahabharata
Mula sa India. Ito ay itinuturing na
pinakamahabang tula sa daigdig (220,000 taludtod o linya). Tumatalakay sa pakikipagsapalaran ng mga pinunong Indo-Aryan. 5. Divine Comedy
Isinulat ni Dante Aleghiere at mula sa
Italya. Tinalakay naman dito ang isang paglalakbay sa langit, sa impiyerno, at purgatoryo at nagpapakilala na ang tao ay huhusgahan sa pamamagitan ng pamumuhay niya sa lupa. 6. EL Cid Campeador
Mula sa Espanya. Nagpakilala ito ng
katangiang panlahi ng mga kastila at ng kanilang mga alamat at kasaysayang pambansa noong unang panahon. 7.The Songs of Roland
Mula sa Pransia. Kinapapalooban ito
ng mga kuwentong Roncesvalles at ang lalong kilalang Doce Pares ng Pransia. Ito ay nagtataglay ng kasaysayan ng gintong panahon ng kakristiyanuhan sa Pransia. 8. Five Classics at Four Books
Mula ito sa Tsina na kinatitikan ng
magandang kaisipan at pilosopiya ni Confucius. Naging batayan ang mga aklat na ito ng pananampalataya, kalinangan at kasaysayan ng mga Intsik na nakaapekto sa atin. 9. Book of the Dead
Mula Ehipto na kinapapalooban ng
mga kulto ni Osiris at ng mitolohiya at teolohiyang Ehipto. 10. A Thousand and One Nights
mula Arabiaat Persia na nagtataglay
ng mga kaugaliang pampamahalaan, pangkabuhayan, pangkalinangan, at panrelihiyon ng mga taga-silangan. 11. Canterbury Tales
niChaucer ng Inglatera na naglalaman ng mga pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon. 12. Uncle Tom’s Cabin
ni Harriet Beecher Stowe ng Amerika. Binibigyang-
diin dito ang karumal-dumal na kalagayan ng mga itim sa kamay ng mga puti at siyang naging batayan ng simulain ng demokrasya sa daigdig. Ito rin ang naging inspirasyon ni Dr. Jose Rizal upang maisulat at mabuo ang kanyang dalawang obra- maestra, ang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”. * Sa ating bansa man, maraming mga akdang pampanitikan na naging inspirasyon ng mga manunulat ng iba’t ibang panahon. Maaari natong banggitin ang “Florante at Laura” ni Francisco Balagtas, ang “Noli Me Tangere”, “Noli at El Fili” ni Dr. Jose Rizal, “Nena at Neneng” ni Valerino H. Pena, “Banaag at Sikat” ni Lope K. Santos, “Maganda Pa ang Daigdig” ni Lazaro Francisco, “Kahapun, Ngayon at Bukas” ni Aurelio Tolentino at ang “Isang Dipang Langit,” Mga Ibong Mandaragit” at “Luha ng Buwaya” ni Amado V. Hernandez.