Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

PAGPAPASIDHI

NG DAMDAMIN
Natutuwa ako na nag-aaral ka nang
mabuti at nagagalak akong matataas
ang iyong marka. Siguradong
naliligayahan ang iyong mga
magulang na malaman na isa ka sa
mga magtatapos sa Marso.
Hindi lahat ng salitang
magkakasingkahulugan ay pareho
ang ibig sabihin. Hindi maaaring
pagpalitin ang gamit ng mga ito.
Bagaman iisa ang malawak na
kahulugan, magkakaiba naman ang
tindi ng ipinahahayag nito. Magkaiba
ng digri o tindi ng nais iparating nito,
lalo na kapag ginamit na sa
pangungusap.
Ang pagpapasidhi ng damdamin ay
tumutukoy sa antas ng pagpapahayag
ng damdamin, emosyon o saloobin.
Ito ay ang pagpahahayag ng
damdamin na may pagbigat o paglaki
ng nararamdamang emosyon. Sa
makatuwid, ang pagpapasidhi ng
damdamin ay tumutukoy sa
pagpapataas ng antas ng emosyon.
Halimbawa:
1. Hindi maaaring sabihin
na ikaw ay humahagulgol
kung humihikbi ka
lamang.
Kung iaantas natin ang mga
sumusunod na salitang magkakatulad
sa kahulugan na magkaiba naman sa
tindi o digri ng nais ipahayag, ganito
ang magiging ayos nila.

Hikbi → nguyngoy → iyak → hagulgol


2. Pansinin ang salitang hinango sa texto
na may pagkakatulad sa kahulugan,
ngunit nagkakaiba sa tindi o digri ng
pagpapahayag.

Ganito ang magiging ayos kung iaantas


ito.

a. pagkawala → pagkaubos → pagkasaid


b. nasira → nawasak
Iranggo ang mga sumusunod
na salita, parirala o sugnay
ayon sa tindi ng ipinahahayag.
Lagyan ng 5 bilang
pinakamataas o pinakamasidhi
hanggang 1 kung di-masidhi.
1. a. galit
b. inis
c. poot
d.suklam
1. 2. a. galit
1.b. inis
4. c. poot
3. d.suklam
2. a. hinagpis
b. lungkot
c. lumbay
d. pighati
e. dalamhati
2. 5. a. hinagpis
1. b. lungkot
2. c. lumbay
4. d. pighati
3. e. dalamhati
3.
a. Kumakalam ang sikmura
b. Hayuk na hayok
c. Nagugutom
3.
2. a. Kumakalam ang
sikmura
3. b. Hayuk na hayok
1. c. Nagugutom
4.
a. Lumulutang sa alapaap
b. naiiyak sa tuwa
c. nag-uumapaw ang puso sa galak
d. walang pagsidlan ang puso sa
tuwa
e. maaari nang mamatay dahil sa
kaligayahan
4.
4. a. Lumulutang sa alapaap
1. b. naiiyak sa tuwa
3. c. nag-uumapaw ang puso sa
galak
2. d. walang pagsidlan ang puso
sa tuwa
5. e. maaari nang mamatay dahil
sa kaligayahan
5.
a. gusto kita
b. crush kita
c. type kita
d. sinasamba kita
e. mahal kita
5.
3. a. gusto kita
2. b. crush kita
1. c. type kita
5. d. sinasamba kita
4. e. mahal kita
Pagsasanay 1. Pag-aantas…
Lagyan mo ng bilang 1 hanggang 3
ang sumusunod na mga salita
batay sa sidhi ng kahulugan nito.
Ang 3 para sa pinakamasidhi, 2
para sa masidhi, at 1 sa di-
masidhi.
Ipagpalagay mo na ikaw ay isang malapit na kaibigan
ng isang sundalong nasawi sa digmaan sa Mindanao.
Nais mong bigyan ng parangal ang kaniyang mga
kabutihang nagawa sa kaniyang pamilya, sa mga
kaibigan, sa kapwa-tao at sa bayan sa pamamagitan
ng pagiging bahagi ng neucrological service.
Bibigkasin mo ang tulang elehiya tungkol sa kaniya.
Tatayain sa pagbigkas mo ang sumusunod na
pamantayan:
• 1. Mabisa at angkop ang mga salitang ginamit,
• 2. Malikhain at masining ang pagbigkas ng isinulat,
3. May angkop na lakas at himig ang tinig.
• 4. Dama ang tunay na damdamin ang
ginagampanang bahagi.

You might also like