Ano-anong lalawigan sa Pilipinas ang nabanggit sa awitin?
Ano-ano ang matatagpuan sa
mga lugar na binanggit? SUMASANG-AYON KA BA SA MENSAHE NG AWITIN NA KAY GANDA NG PILIPINAS? BAKIT? Nahikayat ka ba ng awitin na bumiyahe at libutin ang Pilipinas? Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na makabiyahe, saang lalawigan sa Pilipinas ang iyong unang pupuntahan? Bakit iyon ang naisip mong unang puntahan? Mula sa mga nakaraang aralin, nabatid at napaghambing ang mga produkto at kalakal na matatagpuan sa ibat-ibang lokasyon ng ating bansa. Tunay na napakarami nating mga gawang produkto na nararapat na ipagmalaki ng bawat Pilipinong tulad mo Ano ang kahalagahan ng pagtangkilik sa sariling produkto sa pag-unlad at pagsulong ng bansa? Paano nakatutulong sa pag-unlad at pagsulong ng bansa ang pagtangkilik sa sariling produkto? Ang sariling produkto ay ang mga produktong gawa sa sariling bansa at gawa ng mga manggagawang Pilipino. Bawat lalawigan ay may natatanging produkto tulad ng sapatos sa Marikina, niyog sa Quezon, abaka sa Bikol, pinya sa Cotabato Ang pagtangkilik sa mga produktong Pilipino ay nakatu- tulong sa ating bansa. Malaking ambag ito sa ating kabang- yaman at sa pag-angat pa ng ating mga produkto sa ibang bansa. Gayundin, dagdag itong kita para sa ating mga kababayan na tampok sa pagbubuo at paggawa ng mga produktong ito. Ipagawa ang Gawain A, B at C sa LM p. 160-162 TANDAAN MO
•Ang sariling produkto ay mga
produktong yari sa sariling bansa at kadalasang gawa ng mga manggawang Pilipino •Bawat lalawigan ay may natatanging produkto na gawa sa sari-sariling bayan • Ang pagtangkilik sa produktong Pilipino ay malaking ambag sa kabang-yaman ng bansa at sa pag-angat pa ng ating mga produkto sa ibang bansa • Sa pamamagitan ng pagtangkilik sa sariling produkto, nakatutulong tayo sa pagpapatuloy ng hanapbuhay ng mga manggagawang tampok sa pabguo ng mga produkto NATUTUHAN KO 1. Punan sa talaanayan sa pamamagitan ng pagtukoy kung anong mga produkto ang matatagpuan at mabibili sa sumusunod na mga lalawigan o lugar. Lalawigan Produkto •Laguna • Piyaya •Bicol • tsinilas •Marikina • bigas •Bukidnon • Tubo, saging at kahel • Perlas at kabebe •Gitnang Luzon • Paglililok •Sulu • Bag na yari sa abaka •Batangas • Bag at sapatos •Quezon • abaka • Kape •Negros Occidental • pinya •Iloilo II. Isulat sa sagutang papel ang N kung nakatutulong sa pag- unlad ng bansa at NK kung hindi nakatutulong sa pag-unlad ng bansa ang sumusunod na gawain. ___1. Bumili ng pitakang yari sa abaka .
___2. Nagpunta sa Romblon at
doon bumili ng marmol na gagamitin sa pinagagawang bahay. ___3. Nagpadala ng dried mangoes mula sa Cebu sa kamag-anak sa London. ___4. Humiling ng pasalubong na imported na pabango na ipinagbibili sa mga kaibigan ___5. Paboritong bilhin sa supermarket at kainin ang imported na dark chocolate.