Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Ano ang Awiting-bayan?

Ang Awiting-Bayan ay ang mga


kantang sariling atin at gawa ito ng
sariling bayan upang ipahayag o
malaman ng iba ang mga bagay-
bagay tungkol sa bayan, sa
pamamagitan ng mga awiting ito.
Ang mga awiting-bayan ay
mga awit ng mga Pilipinong ninuno
at hanggang ngayon ay kinakanta o
inaawit pa rin. Halimbawa ng mga
awiting ito ay Leron, Leron Sinta,
Dalagang Pilipina, Bahay Kubo,
Atin Cu Pung Singsing, at
Paruparong Bukid.
Ang mga kantahing-bayan ay tuloy-
tinig (survival) ng kalinangan sa
pamamagitan ng saling-dila. Sa
kabuuan, ang mga kantahing- bayan
noong panahon ng pre-kolonyal ay
mga katutubong awitin ng ating bansa
tulad ng mga sumusunod :
soliranin= awit ng mga mangingisda
 talindaw = awit ng mga
bangkero
 diona = awit sa mga ikinakasal
 oyayi = awit pampatulog sa
mga bata
kumintang = awit sa digmaan
 dalit = awit sa simbahan
 sambotani = awit sa tagumpay sa
pakikidigma
 kundiman = awit ng pag-ibig
Ito ay nagpapakilala ng iba’t ibang
pamumuhay at pag-uugali ng mga tao,
mga kaisipan at damdamin ng bayan .
Ito’y kasasalaminan ng kalinangan ng
lahi.
IBA PANG URI:
 An-naoy- inaawit habang ang mga
magsasaka ay gumagawa ng pilapil sa
kanilang bukid
 Ayoweng- inaawit sa pagkabyaw ng
tubo
 Danyo- awit sa pagsasamba o
pananampalataya
 Dung-aw- awit na nagpapahayag ng
kalungkutan at pagdurusa
Hiliraw at Panambat- mga awit sa
pag-iinuman
Indonalin at Kutang-kutang-
mga awiting panlansangan.
Kalusan- awit sa lunday
Maluway- awit sa samang-samang
paggawa
Mayeka- awit na panggabi ng mga
Igorote
Panilan- awit sa pagkuha ng
bahay-pukyutan
Papag- inaawit sa tuwing may
bayuhan ng palay
Salagintok- awit sa
pakikipagkaibagan
Umbay- awit sa paglilibing
Tagumpay- inaawit sa pagbubunyi
tuwing matatapos ang labanan
Tagulaylay- awit na tulad ng dalit.
Ito’y isang mahabang pagsusunod-
sunod ng halos ay isang himig
panaghoy na naglalarawan ng
pamimighati ng isang kalunos-
lunos na pangyayari.
Tatlong dahilan ng kahalagahan ng
pag-aaral ng mga Kantahing-bayan
1. Ang mga kantahing-bayan ay
nagpapakilala ng diwang
makata.
2. Ang mga kantahing-bayan
natin ay nagpapahayag ng
tunay na kalinangan ng lahing
Pilipino.
3. Ang mga kantahing-bayan ay
mga bunga ng bulaklak ng
matulaing damdaming galing sa
puso at kaluluwang bayan.
Karunungang -
bayan
Karunungang-bayan
Ang mga unang tula ng mga Pilipino ay mga
karunungang-bayan na binubuo ng mga sumusunod:

 Salawikain (proverbs, maxims, epigrams= Ito ay mga


butil ng karunungang hango sa karanasan ng
matatanda, nagbibigay ng mabubuting payo tungkol
sa kagandahang-asal at mga paalala tungkol sa batas
ng mga kaugalian at karaniwang patalinhaga.
Mga Halimbawa :
1. Sa paghahangad ng kagitna
isang salop ang nawala.
2. Kung hindi ukol
ay hindi bubukol.
3. Utos na sa pusa,
utos pa sa daga.
4. Ang maniwala sa sabi-sabi
ay walang bait sa sarili.
5. May tainga ang lupa,
may pakpak ang balita.
 Palaisipan = Ito ay nakapupukaw at nakahahasa ng
isipan ng tao, katulad ng bugtong, ito ay
nangangailangan ng talas ng isip.

 Bugtong = bugtong ay isang uri ng panitikan na


kawili-wili. Ito ay paraan ng pagpapalawak ng
talasalitaan at pagsasanay sa mabilis na pag-iisip na
pasalin-salin sa bibig ng mga tao.
Ang bugtong ay ginagawa sa
mga pagtitipon tulad ng lamayan ng
patay, paggigiik ng palay, tulungan
tulad ng pagbubuhat ng bahay o
BAYANIHAN at paghahasik ng punla.
Ito ay may tugma at talinhaga at
kapupulutan ng mahahalagang butil
ng karunungan.
 Kasabihan = ang mga kasabihan ay maiigsing pahayag ng mga
pangkalahatang katotohanan, mga batayang tuntunin, o mga alitununin ng
kaasalan . Ito ay maaaring patula o tuluyan, may himig pagbibiro o panunukso
sa unang panahon. Ito ay maitutumbas natin sa “Mother Goose Rhymes”.
Mga Halimbawa :
1. Putak, putak, 2. Tiririt ng maya,
Batang duwag! Tiririt ng ibon,
Matapang ka’t Ibig mag-asawa’y
Nasa pugad! Walang ipalamon.
3. Bata, bata 4. Tiririrt ng ibon,
Pantay-lupa Tiririt ng maya,
Asawa ng Palaka! Kaya lingon nang lingon
Hanap ay asawa.
 Bulong = ito ay isang matandang katawagan sa
orasyon noong sinaunang tao sa kapuluan ng
Pilipinas, anyong padasal.

You might also like