Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

PANG-URI

• Ito ay bahagi ng pananalita na


ginagamit sa paglalarawan ng
pangngalan (tao, bagay, lugar,
pangyayari) at panghalip.
Uri ng Pang-uri:
1. Panlarawan.
Ito ang mga salitang nagsasabi ng anyo,
hugis, laki, kulay, uri at kalagayan ng mga
pangngalan o panghalip.

Hal.
1. Dapat pangalagaan ang luntiang kagubatan.
2. Masagana rito ang prutas at gulay.
3. Si Christine ang nahalal na pangulo sa klase dahil
matalino siya.
2. Pamilang.
Ito ay nagsasaad ng bilang o dami ng
pangngalan o panghalip; maaaring ito’y tiyak o
di-tiyak na bilang.

Hal.
1. Ikatlo siya sa kalahok na bibigkas ng
talumpati.
2. Tumawag ang guro ng ilang mag-aaral na
mag-aayos ng silid-aklatan.
URI NG PANG-URING PAMILANG:
1. Patakaran (Kardinal). Tumutukoy sa karaniwang
paraan ng pagbilang.
Hal. Isa, dalawa, pito, walumpu

1. Isang kaban ng kayamanan ang kanilang nakita.


2. Pitong pamilya ang nasunugan ng bahay sa
Cebu.
3. Anim na estudyante ang nakapasa sa pagsusulit.
2. Panunuran (Ordinal). Nagsasaad ito ng ayos o
pagkakasunod-sunod ng pangngalan;
gumagamit ito ng panlaping – ika o pang.

Hal. Ika-siyam, pangpito, ikalima

1. Ang taong nakapula ang una sa karera.


2. Akong ang pangatlo sa limang magkakapatid.
3. Pahalaga. Nagsasaad ito ng halaga ng bagay
na binili, binibili o bibilhin; tumutukoy sa pera o
halaga ng isang bagay.

Hal. Sandaang piso, limang milyong piso

1. Nakakita ako ng isang piso sa daan.


2. Nanalo ang kalahok ng limang libong dolyar.
3. Isang milyong piso ang halaga ng kanyang
bagong sasakyan.
4. Papangkat (Palansak). Nagsasaad ito ng
pangkatan o maramihang bilang ng pangngalan
o panghalip.

Hal. Apatan, pito-pito, limahan

1. Marami sila sa bahay kaya apatan bawat


kwarto.
2. Dalawahan ang pila sa mga nagpapagamot sa
klinika.
5. Pamahagi. Tumutukoy ito sa paghahati o
pagbabahagi ng isang kabuuan; nagsasaad ng
bahagi o parte ng isang kabuuan.

Hal. Kalahati (1/2), sangkapat (1/4), walong


kasampu (8/10)
1. Sangkapat na kilong bigas ang kanilang
dinala.
2. Kalahating papel lang ang hiningi ng guro.
6. Patakda. Ito ay nagsasaad ng tiyak o hustong
bilang.

Hal. Iisa, sasampu


1. Si Teresa ay nag-iisang anak.
2. Sasampung piso ang natira sa pera niya.
KAANYUAN NG PANG-URI:
1. Payak. Binubuo lamang ng salitang-ugat
at walang panlapi ang pang-uri.

Hal.
Ang lalaking duwag ay hindi
magwawagi.
Nakakuha siya ng buhok na kulay itim.
2. Maylapi. Binubuo ito ng salitang-ugat na
nilalagyan ng panlapi. Ang mga panlaping
karaniwang ginagamit dito ay ma-, ka-, mala-,
maka-, mapag-, pa-, at ma-/-an.

Hal.
Nakakuha siya ng mahabang buhok na
kulay itim.
Naamoy niya ang masangang na pabango
sa loob ng silid.
3. Inuulit. Binubuo ito sa pamamagitan ng pag-
uulit ng buong salita o bahagi ng salita.

Hal.
1. Nakita niya ang katulong na mamula-
mula ang mukha.
2. Masisigla ang mga mag-aaral.
4. Tambalan. Binubuo ang pang-uri ng dalawang
magkaibang salita. Minsan ang nabubuong salita
ay may kahulugang patalinghaga.

Hal.
1. Hugis-puso ang kwaderno niya.
2. Ayon sa imbestigador, magiging biglang-
yaman ang nagnakaw.
KAANTASAN NG PANG-URI:
1. Lantay. Isang pangngalan o panghalip lamang
ang inilalarawan; ang mga pangngalan o
panghalip na inilalarawan ay nagtataglay ng
iisang katangian

Hal.
1. Malusog ang alaga naming aso.
2. Ang aking mga magulang ay masipag.
2. Pahambing. Paghahambing ng katangian ng
dalawang bagay

2.a. Magkatulad. Pantay sa katangian o walang


nakalalamang sa katangiang pinaghahambing

Hal. Magkasinlaki ang sukat ng paa nina Jennifer


at Liza.
Ang iyong bag ay kasintibay ng bag ni
Noel.
2.b. Di-magkatulad.

2.b.1. Palamang. Nakahihigit sa katangian ang


isa sa dalawang pangngalang pinaghahambing;
ginagamit ang mas, higit, lalo, di-hamak, lubha.

Hal. Higit na malawak ang lupa nila kaysa sa


lupa natin.
Mas mataas ang nakuha kong grado noong
isang taon kaysa ngayon.
2.b.2. Pasahol. Kulang sa katangiang
pinaghahambing ang isa sa dalawang pinag-
uusapan; ginagamit ang di-gaano, lubha, di-gasino,
di-masyado.

Hal. Di-gaanong palangiti si Grace na gaya ni Nicole.


Ang bayong ko ay di-masyadong mabigat na
tulad ng kay Nanay.
2.c. Moderasyon. Naipakikita ito sa pag-uulit ng
pang-uring may ma-, sa paggamit ng salitang
medyo na sinusundan ng pang-uri, sa paggamit
ng katagang may na sinusundan ng pang-uring
nabuo sa pamamagitan ng mga panlaping
kabilaang ka-/-han.

Hal. Medyo payat na si Jun kaysa kay Cris.


Medyo may kahabaan pala ang buhok ng
nanay mo.
3. Pasukdol. Naglalarawan ng mga pangngalang
natatangi sa karamihan; ginagamit ang pinaka,
napaka, pagka, hari ng, ubod ng, saksakan ng, at
lubos na; maaari ring gamitin ang pag-uulit ng
pang-uri.

Hal.
Para sa kanya, ang Bambo ang
pinakamagaling na banda sa Pilipinas.
Ang ginawa niyang proyekto ang
pinakamaganda sa buong klase.

You might also like