Pagbabantas

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Pagbabantas

Pagbabantas
Kasama sa tamang pagbaybay at pagpili ng angkop na salita sa pagsulat, makakatulong
nang malaki ang tamang pagbabantas. Ito ay isang pamamaraan sa paggamit ng mga
bantas.

Bantas o mga Pananda


Ito ay ginagamit upang ang kahulugan ng nasusulat na palagay ay maging higit na
malinaw ang daloy ng kaisipan sa mga bumabasa.
Mga Mahahalagang Bantas sa Pagsulat
Tuldok ( . )
•Ito ay nagpapakilala ng kabuuan o kaganapan ng diwa o kaisipan.
a) Ginagamit sa wakas ng pangungusap na pasalaysay o paturol at pautos.
Halimbawa: Nagriserts ang mga mag-aaral sa Pambansang Aklatan.

b) Sa mga salitang dinaglat tulad ng ngalan ng tao, titulo o ranggo, pook sangay ng
pamahalaan, kapisanan, buwan at bansa.
Halimbawa: F.V.R., Mr., Pang. Marcos, U.A.E., Gng., Sgt.

c) Matapos ang tambilang at titik ng isang balangkas


Halimbawa: I. II. III., 1. 2. 3., A. B. C.
Tandang Pananong ( ? )
•Nagpapahayag ito ng katanungan.
a) Ginagamit sa katapusan ng pangungusap na tuwirang nagtatanong.
Halimbawa: Bakit kayo mamamasyal sa Subic?

b) Ginagamit na pananda at ikinukulong ng panaklong bilang pag-aalinlangan sa katumakan


ng sinusundan.
Halimbawa: Ang bilang ng tirahan nila ay 169 (?) P. Cruz Street, San Juan City.

Tandang Padamdam ( ! )
•Ito ay nagpapahayag ng isang matinding damdamin.
a) Ginagamit sa mga sambitla.
Halimbawa: Ahas!, Naku!, Alis!
Kuwit ( , )
•Ito ang maituturing na pinakagagamiting bantas.
a) Ginagamit sa paghihiwalay ng buwan sa araw at sa taon, baryo, bayan at lalawigan,
kalye, distrito at lungsod.
Halimbawa: Hunyo 19, 1985, 178 P. Cruz Street, Brgy. Vergara, Mandaluyong City

b) Ginagamit sa paghihiwalay ng sunod-sunod na mga salita, parirala at sugnay sa


pangungusap.
Halimbawa: “Ang pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat ay interaktibong proseso.”
“Magbigay ka ng para sa nangangailangan, sa simbahan at bahay-ampunan.”

c) Ginagamit pagkatapos ng pagtawag, salitang Oo at Hindi, bating panimula at


pangwakas ng liham pangkaibigan at bating pangwakas ng mga liham pangangalakal.
Halimbawa: “Archie, iwan mo na muna ako.” “Hindi, isasama kita.”

d) Paghihiwalay ng tuwiring sipi sa ibang bahagi ng pangungusap at ng pamuno sa


pangungusap
Halimbawa: “Ako ang nagwagi,” sabi ni Wayne.
Tutuldok ( : )

a) Ginagamit kung may kasunod na mga lipon ng salita.


Halimbawa: Narito ang apat na paraan ng pagpapahayag: pagsasalaysay, paglalarawan,
paglalahad at pangangatwiran.

b) Ginagamit pagtapos ng bating panimula ng mga liham-pangalakal.


Halimbawa: Bb. Conde:, Dr. Aguilar:, G. Baldoviso:

c) Ginagamit paghihiwalay ng oras sa minute at kabanata sa taludtod mula sa Bibliya.


Halimbawa:12:00 n.u., San Juan 20:13-17
Tuldukuwit ( , )

a) Maaari ring gamitin pagkatapos ng bating panimula ng promal na liham/liham-


pangangalakal.
Halimbawa: G. Nicodemus; Dr. Decena;

b) Ginagamit sa pagitan ng sugnay na tambalan na hindi pinag-uugnay sa pangatnig.


Halimbawa: Magsusulat ako; ididikta mo.

c) Sa unahan ng mga salita at pariralang tulad ng, halimbawa, gaya ng, paris ng kung
nangunguna sa isang paliwanag.
Halimbawa: Nagaganap na ang pagkasira ng kapaligiran; tulad ng malalakas na pag-ulan,
pagbaha at paglindol.
Kudlit( ‘ )
a) Ginagamit bilang pananda sa titik na nawawala sa dalawang salitang pinag-ugnay ng
ay at at.
Halimbawa: puto’t dinuguan, iba’t iba, Ang kuwarto’y linisin.

Panipi ( “ “ )

a) Ginagamit sa pagpapahayag ng isang tuwirang sipi.


Halimbawa: “Magkakaugnay ang apat na makrong kasanayan,” wika ng guro.

b) Ginagamit sa pagbibigay-diin ng pamagat ng iba’t ibang genre ng panitikan.


Halimbawa: “Ang kamatayan ni Tiyo Samuel” “Inquirer, Libre” “May Bukas Pa”
Gitling ( - )

a) Sa pamamagitan ng panlaping nagtatapos sa katinig at salitang nagtatapos sa patinig.


Halimbawa: Pag-ibig, Pag-asa, mag-asam

b) Sa pagitan ng mga salitang inuulit at may kahulugan kahit nag-iisa.


Halimbawa: Anu-ano, lima-lima, tau-tauhan

c) Pagkatapos ng mga panlaping maka- at taga- at susundan ng mga angngalang


pantangi.
Halimbawa: maka-PBB, taga-ABS-CBN, maka-Diyos

d) Sa pagitan ng panlaping ika- at tambilang


Halimbawa: ika-11, ika-12 n.t., ika-1 ng nobyembre
e) Sa pagitan ng tamabalang salita, dalawang magkasalungat na pandiwa at dalawang
karaniwang salita kung saan ang gitling kumakatawan sa nawawalang kataga.
Halimbawa: ngiting-aso, barong-intsik, kakain-tutulog, magbigay-diin

f) Sa pagitan ng panlaping pinaka- at pangngalan


Halimbawa: pinaka-aklat, pinaka-tauhan, pinaka-alam

Panaklong ( ( ) )

a) Ikinukulong nito ang pamuno sa pangungusap.


Halimbawa: Ang pangulo ng Pilipinas (Juan de la Cruz) ay pinapurihan.

b) Ikinukulong nito ang halagang nasusulat sa tambilang.


Halimbawa: Apatnaraan at animnapu’t siyam (Php 469)
Tutulduk-Tuldok ( … )

a) Ginagamit sa pagpapakilala ng mga salita at siniping pahayag na kinaltasan.


Halimbawa: “Habang may buhay….”

Gatlang ( -- )

a) Pagpapahayag ng pagkaabala o pagbabago ng isip.


Halimbawa:Aalis na tayo-- huwag na lamang pala.

b) Ginagamit sa pagpapahayag at pagbibigay diin sa kapanabikan.


Halimbawa: Siya ang pinakamakapangyarihan sa lahat—ang Dakilang Lumikha.

You might also like