Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Class No.

_____ Pangalan: __________________________________

Grade 2 - _____ Guro : ____________________________________

Ang Dalawang Binata at ang Oso

Isang hapon, naglalakad ang dalawang binatang magkaibigan sa gubat. Masaya


nilang pinag-uusapan ang mga karanasan nila nang bigla na lamang nilang
narinig ang ingay sa may gawing likuran.

Nang lingunin nila ay natanaw nilang dumarating ang napakalaking oso. Mabilis
na umakyat sa katabing puno ang isa sa binata. Hindi niya naala-alang
pagsabihan man lang ang kasama sa laki ng takot sa mangyayari sa kanya.

Naiwan ang kasama na takot na takot dahil sa aabutan na ng oso. Naisipan na


lamang niyang dumapa sa kinatatatayuan niya at magkunwaring patay. Alam
niyang hindi ginagalaw ng oso ang mga taong patay.Lumapit nga ang oso,
inamoy-amoy ang taong pigil na pigil naman ang paghinga. Pagkaraan ng ilang
sandali, iniwan na siya ng oso at umalis na ito.

Bumaba sa puno ang unang lalaki. “Ano ang ibinulong sa iyo ng oso?” ang
pabiro niyang tanong sa kasama. “Sabi niya sa akin,” sagot ng binatang
dumapa, “hindi raw maaasahan ang isang kaibigang iiwan ka sa gitna ng hirap.
Hindi raw ganoon ang tunay na kaibigan.”Mula noon hindi na niya ito itinuring
na kaibigan.

1. Saan nangyari ang kwento?


a. Sa gubat c. sa bukid
b. Sa ilog d. Sa manggahan

2. Sino ang magkaibigan sa kwento?


a. Ang dalawang binata c. Ang dalawang dalaga
b. Ang mag-asawa d. Ang magkapitbahay

3. Ano ang nakita nilang parating sa kanilang likuran habang sila ay


nagkukuwentuhan?
a. Isang malaking aso c. Isang malaking tigre
b. Isang maliit na oso d. Isang malaking oso
4. Ano ang ginawa ng isang binata?
a. Tumakbo siya ng mabilis.
b. Nilabanan niya ang oso.
c. Mabilis siyang umakyat sa puno.
d. Nagtago siya sa likod ng isang puno.

5. Bakit hindi ginalaw ng oso ang binatang nakadapa sa lupa?


a. Natakot ang oso sa binata.
b. Natuwa siya sa ginawa ng binata.
c. Inakala ng oso na patay na siya.
d. Nakakita ng pagkain ang oso sa puno.

6. Ano ang aral na natutunan mo sa kuwento?


a. Magtago sa oso.
b. Mag-aral umakyat sa puno.
c. Maging isang tunay na kaibigan.
d. Maging kaibigan sa mga hayop.

7. Ano ang tamang sanhi para sa pangyayari?


Umakyat ang binata sa puno.
a. Gusto niya ng bunga
b. Natakot siya sa oso.
c. Tumulong siya sa kaibigan.
d. Nagtago siya sa kaibigan niya.

8. Ano ang tamang bunga ng pangyayari?


Nalaman na ng binata ang tunay na ugali ng kanyang kaibigan.
a. Kaya magkaibigan pa rin sila.
b. Kaya hindi na niya ito kaibigan.
c. Nagtago na siya sa puno.
d. Umakyat din siya ng puno.

9. Parirala o Pangungusap

______ kumain ka na

10. Parirala o Pangungusap

______mga mag-aaral at mga guro


11. Alin ang simuno?
Kinain namin ang masarap na adobo.

a. Kinain c. Namin
b. Masarap d. Adobo

12. Alin ang pangungusap na pautos?


a. Nagsagot kami sa aklat.
b. Ano ang sasagutan sa aklat?
c. Pakikuha ang aklat ko.
d. Sagutan ang pah. 2 ng aklat.

13. Ano ang tamang bantas sa pangungusap na padamdam?


a. Tuldok c. Kuwit
b. Tandang Pananong d. Tandang Panamdam

14. Ano ang pambalana ng pangngalang nasa kahon?


a. Paaralan c. Parke
b. Mall d. Lungsod Mandaluyong

15. Ano ang kasarian ng pangngalang nasa kahon?

a. Panlalaki
b. Pambabae doktor
c. Di-tiyak
d. Walang Kasarian
Ang Batang si Noah

Si Noah ay isang batnag mag-aaral sa ikatlong baiting. Siya ang panganay sa tatlong
magkakapatid. Ang kanyang mga magulang ay masipag na nagtitinda ng kakanin sa
palengke.

Isang araw, pag uwi sa bahay nina Mang Olan at Aling Sheila, masaya silang
sinalubong ni Noah. “Inay, Itay nagluto na po ako ng kanin. Matulungan ko na rin po
si Raine at Nikki sa kanilang takdang aralin. Inayos na rin po naming ang aming mga
gamit para sa pagpasok bukas,” “Dahil Diyan.” Ang sabi ni Aling Sheila, “may
pasalubong din kami ng tatay para sa inyo!” Tuwang tuwa ang magkakapatid sa mga
bago nilang lapis at krayola. “Naku” ang sabi ni Noah. “Itatago ko na lang po ang
mga ito. Mayroon pa naman po akong mga gamit.” “Ako rin po” ang sabay na sinabi
nina Ben at Karen. “Maraming Salamat po!” sabay sabay na sinabi ng
magkakapatid.

____________ 1. Sino ang magulang ni Noah?


a. Mang Celso at Aling Celsa
b. Mang Damian at Aling Banang
c. Mang Dencio at Aling Cora
d. Mang Olan at Aling Sheila

____________ 2. Saan sila nagtatrabaho?


a. Sa pabrika
b. Sa ospital
c. Sa palengke
d. Sa ibang bansa

____________ 3. Ano ang kanilang tinitinda?


a. Mga karne at gulay
b. Kakanin
c. Manok at ulam
d. Gulay at Prutas

____________ 4. Ano ang pasalubong nina Mang Olan at Aling Sheila sa mga bata?
a. Lapis at krayola
b. Laruan
c. Damit
d. sapatos
____________ 5. Bakit itatago ni Noah ang kanyang mga lapis at krayola?
a. Dahil hindi niya ito gusto.
b. Dahil ipamimigay niya ito sa mga kaklase.
c. Dahil meron pa syang ginagamit.
d. Dahil ipagbibili nya ang mga ito

____________ 6. Ano ang naramdaman ng mga bata sa dalang pasalubong ng


kanilang mga magulang.
a. Tuwang-tuwa
b. malungkot
c. nagulat
d. natakot

____________ 7. Ano ang sasabihin mo kapag binigyan ka ng pasalubong o regalo?


a. Maraming Salamat po
b. Walang anuman po
c. Paumanhin po
d. Wala na bang iba?

____________ 8. Ano ang aral na natutunan mo sa kwento?


a. Maging mabuting kaklase
b. Maging mabuting kaibigan
c. Maging mabuting anak
d. Maging mabuting mag-–aral

____________ 9. Ano naman ang natutunan mo sa pangangalaga ng gamit sa


paaralan?
a. Maging pabaya sa gamit
b. Itapon ang mga ito matapos gamitin
c. Maging masinop sa gamit
d. Putulin ang mga ito.

Iguhit sa kahon ang paborito mong parte ng kuwento at kulayan ito. Sumulat ng
isang pangugusap kung bakit mo ito gusto.
Panuto : Lagyan ng tsek (. ). Ang patlang kung ito ay pangungusap at ekis ( )
kung hindi pangngusap.

____________ 1. Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe.

____________ 2. Mabanong bulaklak.

____________ 3. Mabilis kumilos

____________ 4. Basang damit

____________ 5. Mag-aral ka ng mabuti.

Panuto: Tukuyin kung ang nakasalungguhit na salita ay simuno o panaguri. Isulat


ang sagot sa patlang.

_____________ 1. Namunga na ang mga tanim na mangga ni Isko.

_____________ 2. Ako ay sasama sa Field Trip.

_____________ 3. Namitas sila ng bulaklak sa hardin.

_____________ 4. Si Nicola ay aking kapatid.

_____________ 5. Maganda ang bahay nila Sarah.

Panuto : Lagyan ng tamang bantas ang mga pangungusap.

1-2. Wow _________ Ang ganda ng Piiipinas ________

3. Saan ka pupunta ___________

4. Panatilihing tahimik ang loob ng silid-aklatan _______

5. Pumila ng maayos _____________


Panuto : Anong Uri ng pangungusap ang sumusunod. Isulat sa patlang kung
pasalaysay, pautos, pakiusap, padamdam o patanong.

____________ 1. Naku! Nakalimutan kong dalhin ang aking aklat.

____________ 2. Pakikuha ang tsinelas ng iyong ama sa ilalim ng hagdanan.

____________ 3. Sino ang iyong guro sa Filipino?

____________ 4. May bagyong inaasahan na darating bukas.

____________ 5. Umupo ka ng maayos.

Panuto: Sumulat ng 2 pangungusap – pasalaysalay at patanong utngkol sa larawan.

Pasalaysay
1. ___________________________________

_____________________________________

Patanong
2. __________________________________

_____________________________________

Panuto : Bilugan ang pangngalan at isulat sa patlang ang kasarian nito.

_________________ 1. Si Nicola ang aking nakababatang kapatid.

_________________ 2. Ang mga guro ay nagsasayaw sa entablado.

_________________ 3. Bumili sila ng bagong sapatos para sa kanyang kaarawan.

_________________ 4. Ang mga kaibigan ko ay dadalo sa aking kaarawan.

_________________ 5. Nagumpisa na ng misa ang pari.


Panuto : Ibigay ang pambabaeng kasarian ng mga sumusunod na pangngalan

1. Ama - __________________________

2. Pari - __________________________

3. Hari - __________________________

4. Kuya - __________________________

5. Tiyo - __________________________

Panuto : Ibigay ang panglalakeng kasarian ng mga sumusunod na pangngalan

1. dalaga - __________________________

2. Inahin - __________________________

3. Prinsesa - __________________________

4. Ginang - __________________________

5. Babae - __________________________

Panuto : Lagyan ng  ang pangngalang pantangi at  ang pangngalang pambalana

_________________ 1. Aklat

_________________ 2. La Salle Green Hills

_________________ 3. madre

_________________ 4. paaralan

_________________ 5. Mandaluyong City


Panuto : Magbigay ng mga pangngalang pantangi para sa pangngalang
nakasalungguhit. Isulat ang sagot sa patlang.

___________________ 1. Kami ay magbabakasyon sa ibang bansa.

___________________ 2. Mamamasyal kami sa mall bukas.

___________________ 3. May bago kaming guro.

___________________ 4. Si Bea ay papasok na sa kolehiyo

___________________ 5. Kami ay naghahanda para sa buwan ng Pasko.

Panuto : isulat ang tamang pananda na bubuo sa mga pangungusap.

1. __________________ ibon sa himpapawaid ay nagliparan kung saan – saan.

2. __________________ Binibining Reyes ang aming bagong guro.

3. __________________ Ginoong Ramelle at Ginang Donna ang mga punung – gng


La Salle Green Hills.

4. __________________ puno ng mangga ay maraming bunga.

5. __________________ bulaklak sa hardin ay mababango at makukulay.

Panuto : Isulat sa patlang ang titik S kung ang may salungguhit na mga salita ay
tumutukoy ng sanhi at titik B kung ito ay tumutukoy ng bunga.

__________________ 1. Hindi nakaligo si Karen dahil nawalan sila ng tubig.

__________________ 2. Si Noah ay nag-aral ng maigi kaya mataas ang iskor nya sa


pagsusulit.

__________________ 3. Nabusog ang lahat dahil sa masarap na pagkain.

__________________ 4. Malakas ang ulan kaya hindi natuyo ang mga damit sa
sampayan.

__________________ 5. Ang sanggol ay natutulog kaya huwag kayong maingay.


Panuto: Pagtambalin ang sanhi sa kaliwa sa angkop na bunga sa kanan. Isulat
ang titik ng tamang bunga sa patlang ng sanhi.

_______ 1. Napakalakas ng ulan A. Mababa ang iskor nya sa


pagsusulit.

_______ 2. Hindi nag-aral si Lukas B. Sumakit ang kanyang ulo.

_______ 3. Hindi nag-almusal si Alice C. Kinansela ng alcalde ang


pasok ng mga mag-aaral.

_______ 4. Hindi maingat magm aneho ang D. Madali naming natapos ang
drayber. proyekto naming.

_______ 5. Nagtutulungan kami E. Naaksidente sya sa daan.

Panuto : Sumulat ng angkop na sanhi at bunga para sa mga sumusunod na


sitwasyon.

1. SANHI : Napakalakas ng ulan.

BUNGA : ____________________________________________________________

2. SANHI : Nag-aral ng Mabuti si Noah

BUNGA : ____________________________________________________________

3. SANHI : _____________________________________________________________

BUNGA : Pinayagan siyang makipaglaro sa mga kaibigan.

4. SANHI : ____________________________________________________________

BUNGA : Pumunta siya sa dentista.

5. SANHI : Nakikinig sa Justin sa kanyiyang guro

BUNGA : ____________________________________________________________
Sumulat ng isang sanhi at isang bunga para sa larawan :

SANHI:

____________________________________________________________

BUNGA :

____________________________________________________________

You might also like