Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Bahagi ng

Komposisyon
Talata
• Ito ay binubuo ng isang pangungusap
o lupon ng mga pangungusap na
naglalahad ng isang bahagi ng buong
kurokuro, palagay o paksang diwa.
• Panimulang talata
Ito ang una at kung minsan ay hanggang sa
ikalawang talata ng komposisyon.
• Talatang ganap
Matatagpuan ito sa kalakhang gitnang bahagi ng
komposisyon. Tungkulin nitong idebelop ang
pangunahing paksa ng komposisyon. Sinasabi rito
kung ano ang paliwanag, ang isasalaysay, ang
inilalarawan o bibigyang katwiran.
• Talata ng paglilipat-diwa
Importante ito upang magkaroon ng ugnayan at
kaisahan ng mga pahayag sa mga talataan ng
komposisyon. Ginagamit ang talatang ito upang
pag-ugnayin ang diwa ng dalawang magkasunod
na talata. Sinasalungat ba ng talatang sinundan o
dinaragdagan nito ang isipan niyon? Ipinahihiwatig
din nito ang debelopment ng paksang tinatalakay.
• Talatang pabuod
Kadalasan ito ang pangwakas na talata o
mga talata ng komposisyon. Inilalagay rito
ang mahalagang kaisipan o pahayag na
tinatalakay sa gitna ng komposisyon.
Maaarin ring gamitin ang talatang ito
upang bigyan ng higit na linaw ang layunin
ng awtor ng isang komposisyon.
Katangian ng Mabuting
talata
• May isang Paksang-diwa
Masasabing may isang paksang-diwa ang
isang talata kapag ito ay nagtataglay ng
isa lamang paksang pangungusap.
• May kaisahan ng diwa
Masasabing may kaisahan ng diwa ang
isang talata kapag ang bawat
pangungusap ay nauugnay sa paksang
pangungusap.
• May Wastong Paglilipat-Diwa
A.) Pagdaragdag
Halimbawa:
At, saka, gayundin
B.) Pagsalungat
Halimbawa:
Ngunit,subalit, datapwat, bagaman, sa
kabilang dako.
C.) Paghahambing
Halimbawa:
Katulad ng, kawangis ng, animo’y,
anaki’y
D.) Pagkokonklud
Halimbawa:
samakatwid, kung gayon
• May kaayusan
Bagama’t walang tiyak na panuntunang
sinusunod ukol sa pag-aayos ng talataan,
mabuting ayusin ang mga pangungusap
sa talata.

You might also like