Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

ARALIN 8

EKSPRESYONG
LOKAL SA
KOMUNIKASYONG
PILIPINO
LAYON NG MGA EKSPRESYONG LOKAL

Binanggit ni Maggay (2002) na ang pagkakaroon


ng mga pilipino sa isang komunidad na ang lahat
ay nakikihalubilo sa isa’t isa at namumuhay
madalas ng sama-sama ay nagsisilbing
pagkakataon upang ang linyang humahati sa
mga pribadong bagay at impormasyong publiko
ay lumabo at minsan ay tuluyan nang maglaho.

Nananatili ang lipunang pabigkas sa


kabuoan,umiiral pa rin ang matulaing estilo ng
pananalita;mga kasangkapang panretorika gaya
ng mnemonics.
 Sa konteksto n gating kultura ipinahahayag ang
ugnayan sa komunikasyon sa pamamagitan ng
sumusunod na nakagawiang pagpapahayag ng mga
Pilipino.Narito ang tala ng mga salita o ekspresyong
local na ihinanda ni Maggay (2002).
LAYUNIN HALIMBAWA
Paggamit ng Tagapamagitan pakiabot,pakisabi,pagbilin
Pagbubunyag ng tinatagong ipagtapat,ihinga,isiwalat,
kalooban isambulat
Pagpapakita ng kagiliwan pakitang tao,pabalat-bunga
Pagtatampok ng sarili bidahan,pabida,bida bida,
pabonggahan
Pagtugon ng tuwiran talastasan,batuhan,pagtalunan
Pagsisiwalat ilantad,ipagwagwagan,isiwalat,
tsikahan
Pagtitipon kamustahan,beso-beso,tsikahan
Paghahayag ng balita ipagbigay-alam,ibalita,ipabatid
Paghahayag ng panitikan bugtungan,pagtalunan,
balagtasan,batutian
PAGPAPAHIWATIG NG EKSPRESYONG LOKAL
 Pinatunayan din ito ng pahayag nina Fortunato at Valdez (2003)
na marami ang nagsasabi na hindi isang direktang wika ang Filipino
,dahil ang mga pilipino ay isang lahi na hindi diretsong magsalita,na
hindi prangka.

Isinasagawa ng mga pilipino ang mga paggamit ng pahiwatig.

Berbal Parinig,pahaging,padaplis,
paramdam,papansin
Di berbal Pananahimik,at paggamit ng
iba pang bahagi ng katawan
Kombinasyon Ligoy,tampo,biro,lambing,
dabog,maktol,paglalangis
 Sa pagpapalawak pa ng karanasang Pilipino sa berbal at di-berbal
na komunikasyon,narito ang tala ng paggamit ng mga bahagi ng
katawan na tiyak na nagpapalutang ng katangiang Pilipino
Bahagi ng katawan Pahayag na kargado ng Pahiwatig
At Paggalaw nito
Buhok maputi na ang buhok,tatlong puyo,
kalbo,humahaba na ang buhok
Noo malapad na ang noo,paliparan,
taas-noo,kunot ang noo
Kilay tinaasan ng kilay,salubong ng
kilay
Mata pinandilatan,kinindatan,titigan
Tainga humahaba ang tainga,maliit ang
tainga
Ilong humahabang
ilong,pango,pawising ilong
Bibig makating bibig,matalas ang bibig
Labi kagat-
labi,naglalaway,inginunguso
Dila nadulas ang dila,maikli ang dila
Ngipin nagtitiim ang bagang at ngipin
Ngiti ngiting aso,ngiting pilit,ngiting
abot-tainga
Tawa bungisngis,hagikhik,halakhak
Mukha mukhang maasim,maamong mukha
Ulo pag-iling,pagtungo,taas-noo
Balikat pagkibit-balikat,pagtapik sa balikat
Kamay paninisi,pagtawag,paglaban,
pagpapasya,pagsang-
ayon,pagtanggi
Baywang hanggang hita Upong otso,upong de-
kuwatro,upong pambahay
Binti hanggang paa Pagkuyakoy,pagpadyak,pagdabog,
pasuray-suray na lakad,lakad
pagong
 Ipinaliwanag din ni Fortunato (1993) na ang sosyal na agwat,ang estado at
pangigibabaw ng isang interpersonal na interaksyon ay maaaring ipaabot sa
pamamagitan ng distansya sa pagitan ng mga tao habang nagsasalita.
 Sa pag aaral ng diskurso,sinasabi sa speech act theory ang mga paraan ng
pagbibigay-kahulugan sa mga pahayag.Lokusyonaryo ang akto kung direkta
ang kahulugang nais tiyakin.Ilokusyonaryo ito kung hindi direkta at
perlokusyonaryo ang tutukoy sa epekto o bisa ng pahayag.
 Ibinigay na konklusyon ni Maggay (2002) na habang lumalayo ang agwat ng
pagsasamahan o distansya sa komunikasyon,lalong tumataas naman ang
antas ng di-pagtiyak sa pakikipag-ugnayan sa isa’t isa.
 Binanggit ni Zeus Salazar,ama ng Bagong kasaysayan sa Maggay (2002),na
ang distansyang sosyal ay nakakaimpluwensya sa paraan ng
pakikipagtalastasan sa mga pangkat ng tao na tinawag niyang ibang tao
(others) at di ibang tao (acquaintance).

IBANG TAO DI-TUWIRAN


(OTHERS) (INDIRECT)

DI-IBANG TAO TUWIRAN


(ACQUAINTANCE) (DIRECT)

You might also like