Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Naluklok sa trono ng Spain si Haring

Felipe II at naging masigasig na


sakupin ang kapuluan sa Silangan na
ipinangalan sa kaniya.
Itinalaga ni Haring Felipe si Miguel Lopez De
Legazpi, isang opisyal ng Mexico na
pangunahan ang ekspedisyon pabalik ng
Pilipinas.
Naging katuwang ni Legazpi ang Prayle na si Andres
De Urdaneta.

Ito ay dahil nakarating na si Urdaneta sa Pilipinas sa


panahaon ng ekspedisyon ni Loaisa.
Nagsimula ang paglalayag ni legazpi sa Navidad, Mexico
noong Nobyembre 19, 1564.
Tinawid ng mga espanyol ang pacific ocean hanggang sa
makarating sa samar noong Pebrero 13, 1565.
Dahil sa matinding gutom, nagpatuloy ang paglalayag ng mga
espanyol sa mga karagatan ng Visayas.

Kadalasan hindi mabuti ang pagtanggap ng mga katutubo sa kanila.


Noong Marso 16 naman ay nakipagsanduguan si Legazpi kay
Sikatuna sa Bohol.
Noong Abril 27, 1565 nakarating si Legazpi sa Cebu.
Nagsimulang magtatag ng mga pamayanang Espanyol si
Legazpi sa Cebu matapos ang labanan sa pagitan ng mga
dayuhan at ng mga Cebuano.
Nabigo ang mga Cebuano dahil sa higit na makabago ang mga
sandata ng mga Espanyol.

Itinakda ni Legazpi ang Cebu bilang kaunaunahang pamayanang


espanyol sa Pilipinas.
Pinangalanan nya itong La Villa del Santisimo Nombre de Jesus.
Sunod na nagtayo ng mga pamayanan si Legazpi sa
Panay noong 1569.
Sinundan ito ng pagtatag ng pamayanan sa Masbate,
Ticao, Burias, Mindoro Mamburao, at Albay.
Matapos nito, naghanda si Legazpi upang sakupin
ang Maynila.
Itinalaga nya si Martin de Goiti bilang pinuno ng
puwersang Espanyol sa Maynila.
Noong una ay magiliw ang pagtanggap nina Rajah
Sulayman at Rajah Matanda sa mga espanyol sa
paniniwalng kapayapaan at pakikipagkaibigan ang
layunin ng mga espanyol sa Pilipinas.
Nagtagumpay ang mga Espanyol laban sa
mga tao sa Maynila noong Mayo 19, 1571.
Tuluyan nang napasailalim ang Maynila sa
pamamahala ng mga Espanyol
Noong Hunyo 24, 1571, kinilala ang Maynila
bilang isang ciudad o lungsod ng Spain.
NAGPATULOY ANG PANANAKOP NG MGA ESPANYOL PAGKARAANG SAKUPIN
ANG MAYNILA.
PINANGUNAHAN NI JUAN DE SALCEDO, APO NI LEGAZPI, ANG PAGSAKOP SA
MGA KARATIG-LUGAR NG MAYNILA HANGGANG SA MGA PAMAYANAN SA
TIMOG NG LUZON AT BICOL.
Nakarating din siya sa hilagang bahagi ng Luzon patungong
Cagayan at pabalik ng maynila.

Napasailalim din sa kapangyarihan ng Spain ang mga


pamayanan sa gitnang Luzon sa pamumuno ni Martin Goiti.
MARAMING SALAMAT PO
SA PAKIKINIG
1. Kailan naglayag papuntang Pilipinas si Miguel
Lopez de Legazpi?
2. Sino ang Itinalaga Legazpi bilang pinuno ng
puwersang Espanyol sa Maynila?
3. Ano ang ipinangalan ni Legazpi sa Cebu?
4. Magiliw ang pagtanggap nina _______ at
________ sa mga Espanyol sa paniniwalng
kapayapaan at pakikipagkaibigan ang layunin ng
mga Espanyol?
5. Sino ang apo ni Legaspi?
6. Nagtagumpay ang mga Espanyol laban sa mga tao
sa Maynila noong _________.
7. Sino ang itinalaga bilang pinuno ng puwersang
Espanyol sa Maynila.
8. Isang opisyal ng Mexico na nagtalaga kay Miguel
Lopez De Legazpi upang pangunahan ang
ekspedisyon pabalik ng Pilipinas.
9. Naging katuwang ni Legazpi ang Prayle na si_____.
10. Nagsimula ang paglalayag ni Legazpi sa Navidad,
Mexico noong __________.

You might also like