lingguwista at anthropologist Maituturing na higante sa dalawang nabanggit na larangan Sociologist , anthropological, linguist at linguistic anthropologist Ipinakilala niya ang konsepto ng kasanayang pangkomunikatibo o communicative competence na nakaapekto nang malaki sa mundo ng lingguwistika Hinimok ni Dr. Hymes ang tagasunod na pag- aralan ang lahat ng diskursong nangyayari sa buhay tulad ng tungkol sa mito,alamat at mga bugtong mga testimonya sa korte talumpating pampolitika at iba pa. Si Dr. Hymes ay isinilang sa Portland Oregon noong Hunyo 7,1927. Nagtapos ng Bachelor’s Degree in Literature and Anthropology sa Reed College noong 1950 at ng Ph.D IN Linguistics noong 1955. Naging propesor sa University of Virginia mula 1987 hanggang nagretiro siya noong 1998. Nakapagturo sa malalaking paaralan sa Amerika; Harvard University University of California University of Pennsyl Siya ay yumao noong Nobyembre 13,2009 sa edad na 82 dahil sa mga kumplikasyong dala sa sakit na Alzheimers’s. Kasanayang Komunikatibo Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika,hindi sapat na matutuhan lang ang mga tuntuning panggramatikal. Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay magamit ito ng wasto sa mga angkop na sitwasyon upang maging maayos ang komunikasyon,maipahatid ang tamang mensahe at magkaunawaan ng lubos ang dalawang taong nag- uusap. Kapag umabot na rito’y masasabing ang taong ito ay nagtataglay na ng kasanayang komunikatibo o communication competence at hindi nalang basta kasanayang lingguwistiko o gramatikal. Kaya naman siya ay maituturing na isa nang mabisang communicator. KASANAYANG KOMUNIKATIBO
nagmula sa linguist ,sociolinguist,anthropologist at
folklorist mula sa Portland Oregon na si Dell Hymes noong 1966. Nililinang nila ng kasamahan niyang si John G.Gumperz ang konseptong ito bilang reaksiyon sa kasanayang lingguwistika na ipinakilala naman ni Noam Chomsky noong 1965. Ayon sa orihinal na ideya ni Hymes ang nagsasalita ng wika ay hindi lamang dapat magkaroon ng kasanayang lingguwistika o gramatikal upang epektibong makipagtalastasan gamit ang wika. Nararapat din niyang malaman ang paraan ng paggamit ng wika ng lingguwistikong komunidad na gumagamit nito upang matugunan at maisagawa ito ng nang naayon sa kanyang layunin. SILID-ARALAN ANG DAAN TUNGO SA PAGLINANG NG KASANAYANG KOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO *Sa mga silid-aralan nangyayari ang pormal na pagkatuto ng wika *Nasusukat kasi ang kasanayang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral sa kanilang tatas sa pagsasalita ng wika,kakayahang umunawa at makagamit ng tamang salita • Dito lamang magkakaroon ng kahulugan at kabuluhan ang mga araling pangwika dahil Nakita at nagamit ng mga mag-aaral sa awtentikong sitwasyon • Mula rito’y matatanim sa kanilang isipan ang kahalagan ng mga ito hindi lamang para sa darating na pagsusulit kundi sa pangangailangan ng pakikikipagtalastasan maging sa panahong wala na sila sa loob ng silid-aralan. •KOMPONENT NG KASANAYANG PANGKOMUNIKATIBO (KASANAYANG LINGGUWISTIK O GRAMATIKAL) • Sa pag-aaral ng maraming dalubwika,kung kasanayang pangkomunikatibo ang pag-uusapan,ISANG BAHAGI LANG nito ang kasanayang lingguwistiko o kasanayang gramatikal • Sa mga naunang framework o modelo nila Canale at Swan may tatlong komponent silang iminungkahi. • Kaalaman at kasanaynang gramatikal • Sosyo-lingguwistik • Istratejik •Si Canale ay nagsalin ng ilang element mula kasanayng sosyo- lingguwistiko para mabuo ang ikaapat na component ang kasanayang diskorsal •Kasanayang gramatikal- ay pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa ponolohiya,morpolohiya,sintaks,semantika,gay undin ang mga tuntuning pang-ortogropiya •Ang component na ito ay magbibigay kakayahan sa taong nagsasalita upang magamit ang kaalaman at kasanayan sa pag- unawa at pagpapahayag sa literal na kahulugan ng mga salita. Mungkahing component ng kasanayang lingguwistik o kasanayang gramatikal Sintaks (pagsama-sama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may kahulugan) *estruktura ng pangungusap *tamang pagkasunod-sunod ng mga salita *uri ng salita ayon sa gamit (pasalaysay,pautos,padamdam) *uri ng pangungusap ayon sa kayarian A. KAKAYAHANG LINGGUWISTIK Tumutukoy ito sa anyong gramatikal nang wika sa lebel ng pangungusap. Nahahanay dito ang kakayahang umunawa sa mga morpolohikal,ponolohikal,at sintantik na katangian ng wika. PONOLOHIKAL – ay tumutukoy sa pamilyaridad sa tunog ng wika na makakatulong din sa pagkilala sa mga salita na bumubo ng isang wika. MORPOLOHIKAL – kakayahan sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng iba’t ibang proseso na ipinahihintulot sa isang particular na wika. DALAWANG MAHALAGANG URI NG PONEMA SA FILIPINO PONEMANG SEGMENTAL – ay tumutukoy sa mga indibidwal na tunog ng wikang Filipino. Ang mga tunog na ito ay nirerepresenta ng mga simbolong ponemiko na halos katulad din ng mga titik.
Mga patinig sa Filipino
a,e,i,o,u Mga katinig sa Filipino May labinsiyam na katinig sa Filipino b,d,f,g,h,j,k,l,m,n,p,,r,s,t,v,w,x,y,z Dahil ang Filipino ay isang wikang bukas sa pag- aambag ng mga wikain sa pilipinas at paghihiram sa mga banyagang wika,naging makabuluhan ang mga ponemang katinig sa pag-adap sa mga pag-aambag at panghihiram na ito. Mga Diptonggo sa Filipino May mga tunog na nabubuo sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga patinig at malapatinig na /w/ at/y/. Ang sikwens ng mga tunog na ito ay tinatawag na na diptonggo. Sa wikang Filipino,kabilang ang mga ponemang /aw/ /iw/ /ay/ /ey/ /iy/ /oy/ at /uy/sa mga diptonggong ito. HALIMBAWA /aw/ awtor/ / iw/ baliw-baliwan /ay/ aybol /ey/ eywan /iy/ kami’y /oy/ langoy-languyan /uy/ kasuy-kasuyan Mahalagang banggitin na nagkakaroon lamang ng diptonggo kung ang isang patinig at isang malapatinig ay magkasunod sa isang pantig. Hindi maituturing na diptonggo kung ang tunog ay magkasunod lamang ngunit hindi nabibilang sa iisang pantig. Halimbawa BAYAN kahit kakikitaan ito ng magkasunod na grapemang a at y dahil kung papantigan ang salita ay BA YAN. Maghihiwalay ang titik na a at y. Mga Digrapo sa Filipino Ang mga digrapo ay sikwens ng dalawang katinig ngunit may iisang tunog lamang. Sa Filipino,kadalasang maririnig ang mga digrapo sa mga salitang hiram,ngunit maging sa mga taal na salita ay maririnig na rin ang mga ito dahil sa proseso ng simplikasyon /ts/ tsismis tseke tsinelas /sh/ shabu Mga Klaster sa Filipino Ay magkasunod na katinig sa isang pantig at naririnig pa rin ang indibiduwal na ponemang katinig. pw,py,pr,pl,tw,ty,tr,ts,kw,ky,kr,kl,bw,by,br,bl,dw,dy,dr,gw,gy ,gr,gl,mw,my,nw,ny,lw,ly,rw,ry,sw,sy,hw,hy,wt,wn,wl,yp,yt,y k,yb,yd,ym,yn,yl,ys,rt,rk,rd,rn,rs,ls,lk,nt,ks Pwede kwento drama Pyesa krus gwantes Prito klase grado Plano bwenas globo Twalya braso brawn-awt Troso blusa teyp Kwento dwelyo deyt Mga Pares-Minimal sa Pilipino Mga pares ng mga salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkapareho ang kapaligiran maliban sa ponema. /p/ at /b/ paso:baso apo:bapo sabsab:sapsap /t/ at /d/ tayo:dayo pantay:panday satsat:sadsad /k/ at /g/ kuro:guro baka:baga balak:balag /m/ at /n/ mana:nana timo:tino /m/ at /n/ mayon:ngayon tamo:tango ulam:ulang Mga Ponemang Suprasegmental Kasama naman ng mga tunog segmental ang mga kaakibat na tunog upang lalong maintindihan ang isang salita o pahayag. Mahalagang may kakayahang iinterpret ng isang nakikinig ang ponemang suprasegmental sapagkat may ibat’t ibang kahulugan ang mga ito. Sa nagsasalita naman,dapat ay maging maingat sila upang maging angkop ang kasamang ponemang suprasegmental na mga pahayag na kanilang ibinabahagi Ilan sa mga suprasegmental na tunog ang diin,hinto at tono. Diin Tumutukoy sa emphasis ng salita o pahayag. Halimbawa ang salitang TULUGAN na isang pandiwang nagsasaad ng pag-iwan ng kasama sa pamamagitan ng pagtulog. Kung ililipat ang diin sa huling pantig at magiging tulugan,magiging pangngalan ito na tumutukoy sa lugar o bagay na tinutulugan Hinto Maaaring mahaba o bahagyang paghinto sa mga pahayag. Mahalaga ang paghinto sapagkat nabigyang pagkakataon ang nakikinig o nagbabasa na mas maunawaan ang pahayag. Hindi ako ang pumatay! [pahayag ito ng pagtanggi ng isang akusado sa korte.] Hindi , ako ang pumatay! [pahayag din ito ng akusado sa korte ngunit nangangahulugang pag- amin.] Tono Tumutukoy sa damdamin ng pahayag . Mahalaga ang tono sa pagpapahayag sapagkat may mga mas malalim na pang kahulugan na maaring ipahiwatig depende sa tono ng pananalita. Bahagi ng pananalita: Mga Salitang Pangnilalaman 1. Mga nominal A. Pangngalan –nagsasaad ito ng pangalan ng tao,bagay,pook,konsepto at mga pangyayari. Halibawa nito ay Cedric,Ilocos Norte,bansa,nasyonalismo. B. Panghalip- pamalit o panghalili ito sa pangngalan. (a) panao o personal ako,ikaw,siya,tayo,kayo,sila (b) pamatlig o demonstratibo ito,iyan,iyon,nito,niyan,noon,dito,diyan,doon (c) pananong o interogatibo sino,kanino,ano,saan,ilan (d) panaklaw o indefinite sino man,kanino man,ano man, alin man,gaano man,paano man. 2.Pandiwa Mga salita itong nagsaad ng kilos. (a) perpektibo o tapos na sumulat,naglaba (b) imperpektibo o ginaganap pa sumusulat,naglalaba (c)kontemplatibo o gaganapin pa lamang susulat,maglalaba 3. Mga panuring A. pang-uri- salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa pangngalan o panghalip. (a) lantay: dakila,matalino (b) pahambing: simbango, mas matarik,di gaanong maasim at (c) pasukdol: lubhang mahirap,napakatanyag B. pang-abay –mga salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa pang-uri,pandiwa o kapwa pang-abay. (a) pamanahon: bukas,kagabi (b)panlunan: sa ibabaw ng mesa,sa likod bahay (c) pamaraan:patalikod,padapa (d)panggaano katamtamang kumain. BAHAGI NG PANANALITA: MGA SALITANG PANGKAYARIAN 1. Mga Pang-ugnay A. pangatnig- ito ang mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita,parilala o sugnay. Halimbawa at,pati,ni,subalit Ngunit,dahil,sapagkat,datapwat,bagaman,habang B.pang-angkop- ito ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.kabilang dito ang na, Ng,g tulad ng sa bahay na bato,bagong taon,luntiang dahon C.pang-ukol-iniuugnay ito ang isang pangngalan sa iba pang salita. Ang sa,ng ay mga halimbawa nito. 2. Mga pananda A. pantukoy- ito ang mga salitang lagging nangunguna sa pangngalan o panghalip . Kabilang dito ay ay si,sina,ang B.pangawing – ito ang salitang nagkakawing ang paksa o simuno at panag-uri. AY ay isang pangawig na salita Pagbuo ng mga salita 1. Paglalapi –tumutukoy ang prosesong ito sa paggamit ng panlapi upang makabuo ng mga bagong salita. a. pag-uunlapi nagtapos,umawit,maganda B.paggigitlapi tinapos,gumanda C.paghuhulapi tapusin,gandahan,baguhin D.paglalaping kabilaan nagpuntahan,pagbutihin E.paglalaping laguhan nagsumigawan 2.pag-uulit-tumutukoy sa prosesong ito sa pag-uulit sa salita o bahagi ng salita. A. pag-uulit na di-ganap sasayaw,uuwi,tatakbo B.pag-uulit na ganap bahay-bahayan,ang bilis- bilis,damay-damay C.haluang pag-uulit sasayaw-sayaw,pipikit- pikit,loloko-lokohin 3.pagtatambal –pagbubo ng bagong salita mula sa dalawang magkaibang salita. Pagtatambal na walang linker hampaslupa, pataygutom, bahaghari Pagtatambal na may linker dalagang-bukid,dugong-bughaw Pagpapalitan ng ponema/grapema 1. karaniwang nagaganap ang pagpapalit ng d at r kapag napangunahan ng d ng isang o salita na nagtatapos sa a. 2.Ang pagpapalit ng d at r ay nagaganap sa mga pang-abay na din,rin,daw at raw. Nagiging rin ang din o raw ang daw kapag sumusunod sa salitang nagtatapos sa patinig o malapatinig na w at y gaya ng: Masaya rin ngunit malungkot din Uupo raw ngunit aalis daw Nabili rin ngunit nilanggam daw Okey raw ngunit bawal daw Ikaw raw ngunit pinsan daw 3. ngunit, ang rin ng tuntunin na kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa ri,ra,raw,o ray , ang din o daw ay hindi nagiging rin o raw gaya sa mga sumusunod: Maari din hindi maaari rin Kapara raw hindi kapara raw Waray din hindi waray rin Araw daw hindi araw araw Tuntuning panlahat sa pagbaybay 1.pasalitang pabaybay- paletra ang pasalitang pabaybay Halimbawa: (a) Salita (b) pantig Pagsulat:boto pagsulat: it Pagbigkas:/bi-ow-ti-ow/ pagbigkas:/ay-ti/ (c) akronim (d) daglat Pagsulat:MERALCO pagsulat:Bb (binibini) Pagbikas: /em-i-ar-ay-el-si-ow/ pagbigkas: /kapital bi-bi (e) inisyal ng tao Pagsulat: CPR ( Carlos P.Romulo) Pagbigkas: /si-pi-ar/ (f) inisyal ng samahan/institusyon Pagsulat:KWF (Komisyon sa wikang Filipino Pagbigkas:/key-dobolyu-ef (g) simbolong pang-agham/pangmatemaktika Pagsulat:; Fe (iron) Pagbigkas:/ef-i/ 2.Pagsulat na pagbaybay Sapag-uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na e hindi ito pinapalitan ng letrang i.kinakabitan ng linker (ng) at ginagamitan ng gitling sa pagitan ng salitang-ugat. Kape- kapeng-kape libre- libreng-libre Sapag-uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na o hindi ito pinapalitan ng letrang u.ginagamitan ng gitling. Sino – sino-sino halo- halo-halo buto- buto-buto Kapaghinuhulapian ang huling pantig ng salitang-ugat na nagtatapos sa e ito ay nagiging I at o ay u Korte- kortihan balot-balutan 3.Ang pantig at palapantigan A.pantig -isang saltik ng dila o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita.may isa lamang patinig sa bawat pantig. Oras-o.ras ulo-u.lo B.kayarian ng pantig – tinutukoy ang pantig ayon sa kayarian nito sa pamamagitan nang paggamit ng simbolo.K para sa katinig at P para sa patinig. i.log –p us.bong – PK C.Pagpapantig – ay paraan ng paghahati ng salita. Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang patinig sa posisyong inisyal,midyal at pinal na salita,ito ay hiwalay na mga pantig. Aakyat- a.ak.yat. Alaala- a.la.a.la Kapag may magkasunod na katinig sa loob ng isang salita,katutubo man o hiram ,ang una ay kasama sa patinig na sinusundan at ang pangalawa ay kasunod na patinig. Isda -is.da impok- im.pok Kapag mag tatlo o higit pang magkakaibang katinig na magkakasunod sa loob ng isang salita,ang unang dalawa ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huli ay kasunod na patinig. Eksperto – eks.per.to transpormer-trans.por.mer Kapag ang una sa tatlong magkakasunod sa patinig ay m o n at ang kasunod na dalawa ay alinman sa bl,dr,pl,tr, ang unang katinig (m o n) ay sa sinusundang patinig kasama at ang huling dalawa ay sa kasunod na patinig. Kontrol- kon.trol alambre- a.lam.bre asambleya- a.sem.ble.ya Kapag may apat na magkaksunod na katinig sa loob ng isang salita,ang unang dalawang katinig ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huling dalawa ay sa patinig na kasunod. Ekstra – eks.tra ekslusibo-eks.klu.si.bo 4.Pag-uulit ng pantig. Ang mga tuntunin sa pag-uulit ng pantig ay ang mga sumusunod. A.kung ang unang tunog ng salitang-ugat o batayang salita ay pantig,ang patinig lamang ang inuulit. Alis- a.a.lis alamin-a.a.la.min B. kung ang unang pantig ay nagsisimula sa KP ,ang katinig at kasunod na patinig lamang ang inuulit. Baha- ba.ba.ha – mag.ba.ba.ha C.kung ang unang pantig ng salitang ugat ay may kambal katinig o klaster,inuulit lamang ang unang katinig at patinig. Plan.tsa- pa plan.tsa.hin - mag.paplan.tsa 5.Ang paghihiram at paraan ng pagtutumbas a. tumbasan ng kasalukuyang leksikon sa Filipino ang mga salitang hiram o banyaga. Rule – tuntunin narrative –salaysay B. gamitin ang natatanging mga salita mula sa mga katutubong wika sa Pilipinas. Bana- tawag sa asawang lalaki Gahum- kapangyarihan C.mga salitang hiram sa Espanol D. Mga salitang hiram sa Espanyol at Ingles:kung hindi tiyak ang pagtutumbas,hiramin ang orihinal na Espanyol o Ingles. Espanyol Filipino Ingles Imagen imahen image E. panghihiram sa wikang Ingles. Kung wikang Ingles at iba pang wikang dayuhan ang pinanghihiraman,panatilihin ang orihinal na ispeling kung makakalito ang pagsasa-Filipino ng baybay. Bouquet , depot F. Panatilihin ang orihinal na baybay ng mga salitang pantangi,panteknikal,pang-agham at mga simbolong pang-agham at matematika. Manuel L.quezon Fe (iron)