1.masteral Report

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

 Sinasabi ng mga dalubwika na “ walang higit

na mabisa kaysa ibang wika.


 Mabisa ang Ingles sa pagpapahayag ng
kulturang Americano; mabisa ang Filipino sa
pagpapahayag ng kulturang Pilipino.
 Sa mga oras ng pagkagalit,pagkabigla,
pagkatuwa, pagkatakot at iba pang di-
karaniwang emosyon. Lumilitaw sa tao ang
kanyang tunay na wika.
 Kung isang materyales naman na nasusulat sa Filipino
ang isasalin sa Ingles, mahihirapan din ang mga
tagapagsaling Americano sa paghahanap ng
panumbas sa mga salitang kargado ng kulturang
Pilipino.
 “As white as snow” “kasimputi ng nyebe”, para sa
Americano, ang snow ay natural na mauunawaan
nila ito dahil nasa kultura nila ang snow. Subalit sa
mga Pilipino ay maaaring hindi natural sapagkat
walang nyebe rito sa Pilipinas.
 “kasimputi ng yelo”, “kasimputi ng bulak”, “busilak na
kaputian”
 Napakahalagang maunawaan ng isang
tagapagsalin na hindi siya dapat maging literal sa
pagsalin.
 Hindi magkaangkan ang Filipino at Ingles, natural
lamang na maging malaki ang pagkakaiba sa
kakanyahan ng dalawang wikang ito.
 Filipino ay mayaman sa paglalapi, samantalang
ang Ingles naman ay higit na mayaman sa mga
ekspresyong idyomatiko.
 Sa Filipino ay may gitlapi (infix) samantalang sa
Ingles ay wala. Kung kaya’t kailangang maging
konsistent sa pagbabaybay sa Filipinp sapagkat
ang salitang hindi konsistent sa ispeling ay hindi
basta magigitlapian. Hal. Circo-salitang Kastila
 ganda – ipinakikipagpagandahan
-kakikitaan ng mga panlaping magkasunod,
nakapaloob sa isa pang panlapi, o di-magkarugtong, na
karaniwang-karaniwan sa Filipino ngunit hindi sa Ingles.
 Lahat ng pangngalan (noun) ay magagawang
pandiwa. Ang salitang “tsinelas” ay halimbawa, at
napakadaling gawing pandiwa,
“Titsenelasin/Tsitsenelasin kita” sa Ingles ay hindi ito
maaari. (I will slipperize you!)
 Sa pagsasaalin dapat malaman ng tagapagsalin ang
mga kakanyahan, ang kalakasan at kahinaan ng mga
wikang kasangkot sa kanyang isasagawang pagsasalin.
 Walang karapatan ang tagapagsalin na dagdagan o
baguhin ang kakanyahan ng wikang kanyang
pinagsasalinan.
 Ang pagkakaiba sa balangkas ng Ingles at ng Filipino, na
ang Ingles ay may sariling balangkas na hindi maaaring
ilipat sa Filipino na sa pagsasalin, ang isinasalin ay diwa
lamang ng pangungusap at hindi pati balangkas nito.
 Sa Ingles , ang simuno ng pangungusap ay laging nauuna
sa panaguri, hindi maaaring panaguri + simuno (paksa).
Samantalang sa Filipino ay karaniwang-karaniwan ang
dalawang ayos ng pangungusap.
Hal. Filipino
Dinilig ni Jose ang halaman. ( panaguri + simuno)
Ang mga halaman ay dinilig ni Jose. (Simuno +
panaguri)
Ingles
Jose watered the plants. (Subject + predicate)
The plants were watered by Jose. (Subject + predicate)
at hindi maaari sa Ingles ang:
Watered by Jose the plants.
 Sa pagsasalin, sapagkat simuno + panaguri ang kayarian ng
lahat ng normal na pangungusap sa Ingles (hindi pinag-
uusapan dito ang “poetic license” sa poetry), malimit na
nadadala ng ganitong balangkas ang nagsasalin sa Filipino
sapagkat maayos din naman sa Filipino ang ganito.
Karaniwan sa Filipino ang kayariang panaguri + simuno,
karaniwan ng ginagawa ng mga dati nang nagsasalin na
sinusubok munang ilagay sa unahan ng pangungusap ang
pandiwa bago ang kayariang simuno + panaguri.
Hal.
Mayor Garcia ordered the suspension of the erring employee.
Simuno + Panaguri
Si Meyor Garcia ay iniatas ang suspensyon ng nagkasalang
kawani.
Panaguri + Simuno
Iniatas ni Meyor Garcia ang suspensyon ng nagkasalang kawani.
 Tinutukoy dito ang katangian ng mabuting
salin.
 Mauunawaan kaya ng target o pinag-
uukulan kong mambabasa ang aking salin?
 Angkop kaya ito sa kanilang antas?
 Ang isang tagapagsalin ay kailangang dilat
ang mga at bukas ang mga tainga sa uri ng
Filipinong dapit gamitin sa kanyang
pagsasalin dahil sa ngayon maraming uri ng
Filipino ang ating naririnig. Kailangan gamitin
niya sa pagsasalin ang uri ng Filipinong
tatanggapin ng kanyang target na mga
mambabasa.
 Maynila Filipino?
◦ Ang Maynila Filipino raw ay yumayaman at
umuunlad sa pamamagitan ng natural na
pagpasok ng mga salitang buhat sa iba’t-ibang
wika ng bansa, sa Ingles,, at sa iba pang
nakaiimpluwensyang wikang dayuhan.
 NSDB Filipino?
◦ Ang Nat’l. Science Development Board
(NSDB) ay lumikha ng isang Lupon sa
Agham upang bumuo ng mga
kinakailangang talasalitaan sa agham sa
lahat ng antas ng krunungan.
◦ Hal. Maugnaying Talasalitaan: Sipnayan,
Agimatan, Agsikapan, Hapnayan,
Kapnayan, Sugnayan, Hignanging
Mangsaghimo, Punlay (punla ng buhay),
tunod- penis (unopened leaf of a banana
plant) at kaluban- vagina(shealth)
 U.P Filipino?
◦ Sa pamplet na “Universal Approach sa
Pagdebelop ng Wikang Pambansa” narito ang
mga halimbawa:
“Iprinopos” sa halip na “iminungkahi”
“Pagdebelop” sa halip na “ paglinang”
“Madiskas” sa halip na “ matalakay”
“Inaprubahan” sa halip na “ pinagtibay”
Gayunpaman, ang U.P Filipino ay may inihatid
na isang mensahe,. Na, sa malao’t madali, sa
ayaw man natin o sa gusto, ang mga salitang
hiram, lalo na sa wikang Ingles na labis na
nakakaimpluwensya sa atin ay papasok sa ating
talasalitaan upang karamihan, kundi lahat, ay higit
na magamit sa ating panahon.
 Ang mga daglat at akronim, gayundin ang
mga pormula, na masasabing establisado o
unibersal na ang gamit ay hindi na
kailangang baguhin pa upang umayon sa
baybay ng katumbas sa Filipino.
◦ Halimbawa: PTA ( sa halip na SGM mula sa
Samahan ng mga Guro at Magulang), DECS (sa
halip na KEKI mula sa Kagawaran ng Edukasyon,
Kultura at Isports), cm ( sa halip na sm mula sa
sentimetro) at H²O( sa halip na Tu mula sa Tubig)
 Kung may pagkakataon na higit sa isa
ang matatanggap na panumbas sa
isang salita ng isinaling teksto, gamitin
ang alinman sa mga ito at
pagkatapos ay ilagay sa talababa
(footnote) ang iba bilang mga
kahulugan.
◦ Halimbawa: Ang “rooster” sa kwentong
“The proud Rooster” ay maaaring
tumbasan ng alinman sa “tandang”,
“tatyaw”, o “katyaw”.
 Gayunpaman, marami rin namang
pagkakataon na kahit itinuturing na
magkahulugan o sinonimo ang dalawang
salita, hindi maaaring pagpalitin ang gamit
ng isa’t-isa. Ang dahilan: Hindi ganap na
magkasingkahulugan ang mga ito. Ang
totoo’y bihirang-bihira ang perfect
synonyms. Halimbawa ay ang “berde” at
“luntian (lunti)” na maaaring pagpalitin ang
gamit sa maraming pagkakataon, ngunit
may mga pagkakataon din na hindi
maaari. Halimbawa: “Lunti/Berde ang
dahon” ngunit hindi maaari ang “Lunti ag
ilaw-trapiko .

You might also like