pagbabalangkas ay maayos na pagtatala ng mga pangunahing kaisipan o paksa ayon sa pagkakasunud-sunod sa isang katha o seleksyon. LAYUNIN NG PAGBABALANGKAS
• Upang malaman kung naunawaang mabuti
ang aralin. • Upang maisaayos nang mabuti ang mga ideya. • Upang makatulong sa pagtuklas ng mga kailangan pang impormasyon / tala • Upang maging patnubay sa pag-aaral. Mga Prinsipyo sa Pagbabalangkas • 1. Siguraduhing ang mga ideyang ilalagay sa bahaging I, II, III ay mga pangunahing ideya. • 2. Siguraduhing parallel ang mga ideya sa gagawing balangkas. • 3. Mahalaga ang konsistensi sa pagbabalangkas. Maging konsistent sa paggamiit ng mga bantas. • 4. Siguraduhing hindi bitin ang mga bahagi ng balangkas. PARAAN SA PAGGAWA NG BALANGKAS 1. Hanapin o alamin ang pangunahing diwa ng buong seleksyon. 2. Isulat ito bilang pinakapamagat ng balangkas 3. Isulat ang pangunahing diwa ng bawat talata na bumubuo sa seleksyon. 4. Gamitin ang roman numerals (I, II, III…) sa pagsulat ng pangunahing diwa o paksa. 5. Gamitin ang malaking letra sa pagsulat ng unang salita at lahat ng mahahalagang salita ng bawat pangunahing diwa. 6. Maglagay ng tuldok pagkatapos ng roman numerals at malaking letra. 7. Isulat nang may pasok sa ilalim (indention) ng pangunahing diwa ang mga kaugnay na paksa. 8. Gamitin ang malaking letra (A, B, C…) sa bawat kaugnay na paksa (sub topic). 9. Gamitin ang arabic numerals (1, 2, 3…) sa unahan ng mga detalye na sumusuporta sa kaugnay na paksa. 10.Isulat ito nang may pasok sa ilalim ng kaugnay na paksa. Simulan ito sa malaking letra. Halimbawa ng Pagbabalangkas sa Pagsusulit