Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

SCANNING

AT
SKIMMING
NA PAGBASA
SCANNING
 Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang
ispesipikong impormasyon na itinakda bago bumasa. Kung ang
kahingian ay alalahanin ang pangalan, petsa, simbolo, larawan, o
tiyak na sipi na makakatulong saiyo, scanning ang angkop na
paraan ng pagbasa na dapat gamitin.
 Ibig sabihin ay may paunang pag-alam o pagkaunawa na sa
hinahanap na impormasyon at ang layunin ay matiyak ang
katumpakan nito na makikita sa mga libro o iba pang sanggunian.
SKIMMING

 Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto


kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto at kung ano
ang pananaw at layunin ng manunulat.
 Mas kompleks ang skimming kaysa scanning dahil nangangailangan ito ng ng
mabilisang paraan ng organisasyon at pag-aalala sa panig ng mambabasa upang
maunawaan ang kabuuang teksto at hindi lamang upang matagpuan ang isang
tiyak na impormasyon sa loob nito.
 Ginagamit ang skimming bilang bahagi ng metodolohiyang SQRRR (Surving,
Questioning, Reading, Reviewing, at Reciting) kung saan mahalaga ang pagbuo
ng inisyal na impresiyon sa akda.
ANTAS NG
PAGBASA
PRIMARYA

 Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang


makamit ang literasi sa pagbasa. Kinapapalooan ng pantukoy sa tiyak
na datos at ispesipikong imporamasiyon gaya ng petsa, setting, lugar,
at mga tauhan.
Halimbawa:
Sa pagbasa ng maikling kwento, natutukoy ng mambabasa kung
sino ang mga tauhan, katangian nila, setting at ang pangyayari ng
kwento.
MAPAGSIYASAT

 Sa antas na ito, nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at


nakapagbibigay ng impresiyon dito. Sa pamamagagitan nito,
nakakapagbigay ng mabilisan ngunit makabuluhang paunang rebyu sa
isang teksto upang matukoy kung kakailanganin at kung maaari itong
basahin ng mas malalim.
 Maaaring gamitin ang skimming sa antas na ito. Titignan ng mambabasa
ang titulo, heading, at subheading.
 Paimbabaw ang katangian ng pagbasang ito sapagkat halos panlabas na
bahagi lamang ng teksto ang tinitingnan.
ANALITIKAL

 Ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip upang malalimang maunawaan ang


kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat. Bahagi ng antas na ito
ang pagtatasa sa katumpakan, kaangkupan, at kung katotohanan o opinion ang
nilalaman ng teksto.

Upang makamit ang analitikal na antas na pagbasa kailangang isagawa ng


mambabasa ang mga sumusunod;
1. Tukuyin kung saang larangan nakapaloob ang teksto.
2. Ibalangkas ang teksto batay sa kabuuang estruktura o kung paano ito inayos ng
may akda.
3. Tukuyin ang suliranin na tinatangkang bigyang-linaw ng may akda.
4. Unawain ang mahalagang terminong ginagamit ng may akda tungo sa pag unawa
ng kabuuang teksto.
5. Sapulin ang mahalagang proposisyon ng may akda.
6. Alamin ang argumento ng may akda.
7. Tukuyin sa bandang huli kung saan nasulosyonan o nasagot ang ba ng may akda
ang suliranin ng teksto.
8. Tukuyin kung saang bahagi ng teksto nagkulang,nagkamali, o nagging ilohikal ang
npagpapaliwanag ng may akda.
SINTOPIKAL

 Ang salitang syntopikal ay binuo ni Mortimer Adler mula sa salitang syntopicon


na naimbento at ginamit niya sa aklat na A syntopicon; An Index to the
Great Ideas (1952) na nangangahulugang “KOLEKSIYON NG MGA PAKSA”.
 Sa sintopikal na pagbasa, nakabuo ka ng sariling perspektiba o pananaw sa
isang tiyak na larangan ng mula sa paghahambing ng mga akdang inunawa
mo.
 Ang sintopikal na pagbasa ay hindi lamang sa pag unawa sa mga nariyan
nang mga eksperto sa isang larangan o disiplina, kundi ang pagbuo ng
sariling Sistema ng kaalaman at pag unawa mula sa pagbasa sa mga
ekspertong ito.
LIMANG HAKBANG TUNGO SA
SINTOPIKAL NA PAGBASA
PAGSISIYASAT
Kailangang tukuyin agad ang lahat ng mahahalagang akda hinggil sa isang paksang
nais mong pag aralan.
Kailangang tukuyin kung ano ang mahahalagang bahagi na may kinalaman sa pokus
ng iyong pag aaral

ASIMILASYON
Tinutukoy ang uri ng wika at mahalagang terminong ginamit ng may akda upang
ipaliwanang ang kanyang kaisipan.
MGA ISYU
 Lumilitaw ang isyu kung kapaki-pakinabang at makabuluhan ang
nabuo mong tanong tungkol sa isang paksa at may magkakaibang
pananaw ang mga binasang akda tungkol sa partukular na suliranin.
 Kung malalim na naunawaan ang pagpaliwanang ng mga binsang
akda, natatalakay mo nang maayos ang bawat panig at
nakapagbibigay ng sariling konklusiyon.
KUMBERSASYON
 Ang pagtukoy sa katotohanan batay sa sintopikal ng pagbasa ay
hindi ang pangunahing punto at layunin sapagkat lagging
kuwetiyonable ang katotohanan.
 Ang halaga ng pagkatuto ay nagmumula sa mayamang diskurso at
diskusyon sa pagitan ng mga eksperto, kabilang na ang sarili.
 Nakakapag-ambag ng bagong kaalaman na hindi inuulit ang sinasabi
ng mga naunang eksperto.

You might also like