Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Mga Anyo ng

Sanaysay
Sanaysay
• isang genre ng
panitikan na
tumatalakay ng
pananaw ng may-
akda tungkol sa isang
tiyak na paksa.
Sanaysay
• Ayon kay Alejandro G.
Abadilla, ang sanaysay ay
isang “nakasulat na
karanasan ng taong
sanay sa
pagsasalaysay.”
2 Anyo ng Sanaysay
2 Anyo ng Sanaysay

1. Pormal o maanyo
2. Impormal
Mga Anyo ng Sanaysay

A. PORMAL o Maanyo
• kung akademiko o
propesyonal ang paksang
tinatalakay ng sanaysay
na nangangailangan ng
masusing pananaliksik
Mga Anyo ng Sanaysay

A. PORMAL o Maanyo
• Kailangang patibayin ng may-
akda ang mga datos na inilalahad
niya sa ganitong uri ng sanaysay
sa pamamagitan ng pagbabanggit
ng mga resulta ng pag-aaral, pahayag
mula sa mga awtoridad, datos mula sa
nailimbag na mga saliksik, at iba pa.
Mga Anyo ng Sanaysay

A. PORMAL o Maanyo
• Maingat din ang ganitong
sanaysay sa gamit ng salita at
mahigpit na sumusunod sa
takdang ayos gaya ng Modern
Language Association para sa
mga akademikong sanaysay na
pangwika.
Mga Anyo ng Sanaysay

A. PORMAL o Maanyo
• Ilan sa mga halimbawa ng sanaysay
na nabibilang sa ganitong anyo ang
mga sanaysay na nasa batayang aklat,
ang mga sanaysay na nilalaman ng
mga tesis o artikulo sa dyornal, mga
talumpating binibigkas ng Pangulo ng
Pilipinas sa kaniyang SONA, at iba
pa.
Mga Anyo ng Sanaysay

B. IMPORMAL
• kung ang sanaysay ay
karaniwan namang
tumatalakay sa personal o
kaswal na paksa na maaaring
nakabatay lamang sa
pansariling damdamin o
kaisipan ng may-akda
Mga Anyo ng Sanaysay

B. IMPORMAL
• Magaan ang pagkakabuo
ng ganitong anyo na
maaaring isulat sa
paraang tila nakikipag-
usap lamang.
Mga Anyo ng Sanaysay

B. IMPORMAL
• Maaari ding hindi nakaayon
sa matataas na pamantayan
ng pormal na wika ang anyo
nito, gaya ng pagpapasok ng
mga salitang dayuhan o kahit pa
mga salitang balbal.
Mga Anyo ng Sanaysay

B. IMPORMAL
• Ilan sa mga halimbawa ng
sanaysay na nabibilang sa
ganitong anyo ang mga sanaysay
na tumatalakay sa pansariling
karanasan, gaya ng paglalakbay
sa isang pook o paboritong mga
bagay.
Maraming
Salamat ! 

You might also like