Lakbay Sanaysay SSS

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

Ang aming lakbay sanaysay ay

naganap noong oktubre 04, 2019.


Ang lugar na aming napuntahan ay
matutunghayan sa mga sumusunod
na larawan.
Ang paglalakbay na aming
naranasan ay napuno ng mga
masasayang pangyayari,
pagkamangha sa lugar o paghanga
sa mga makikita sa mga nakapaligid
at mga alaalang magiging bahagi ng
aming buhay.
ANTIPOLO CATHEDRAL CHURCH

Ang una naming destinasyon ay ang simbahan ng antipolo na kung


saan ito ay isa sa pinaka tanyag na simbahang kalotiko dito sa
Antipolo. Pag pasok pa lamang sa simbahan makikita mo na ang
Inang Birhen na kung saan ito rin ay isa sa dahilan kung bakit
dinarayo ang simbahang ito. Makikita mo naman sa ilakawang
palapag ng simbahan ang ibat ibang kasuotan ng Birhen at
magagandang pangyayari noong sinauna pang panahon.
Ang larawan na ito ay ang loob ng simbahan may mga tao na
bagong dating para sa susunod na misa. Kung titingnan
napakaganda ng simbahan at dito ka makakapagdasal ng
taimtim. Kung papansinin ang imahe sa gitna ay sa likod nyan
o sa ikalawang palapag may mga nagdadasal din at pinipunas
ang kanilang kamay o panyo dahil ito daw ay nagbibigay
himala ayon sa matandang nakausap namin sa labas ng
simbahan.
Makikita sa larawan ang nakahigang si jesus lumapit kami ni
Marinel dito ang humawak gaya ng ginagawa ng ibang mga tao, at
kinuhaan naman pala ng litrato ni carla. Sa paghawak sa salamin
ng kinahihimlan ng panginoon ay mistulang nakakagawa ng
himala kung ikaw ay naniniwala sa kanya. Makakaramdam din ng
pagkaligtas dahil ang nasa harap ay ating tagapagligtas.
Ito ang una naming litrato ng magkakasama kung
saan umakyat kami sa ikalawang palapag ng
simbahan at sa paligid may iba ibang imahe ang
makikita may mga tao rin na kumukuha ng kanya
kanyang litrato. Mapapansin ang nasa likuran namin
ay ang “our lady of antipolo”
OUR LADY OF ANTIPOLO
Ito ang litrato sa likuran namin kung saan makikita ang
imahe sa gitna at may mga tao din sa paanan niya na
nagdadasal at nag aalay ng mga prutas.
Ang larawang ito ay mga iba’t ibang kasuotan ng birhen ng
antipolo, nung una kong nakita ito ay parang nakakatakot
kasi wala itong mga ulo. Pero ang nais lang pala ipakita
nito ay ang mga magagandang kasuotan ng mahal na
birhen.
Ang litrato na ito ay kuha samin ng di kilalang babae kung
saan nanghingi rin sya ng pabor kay khaye na kuhaan din siya
ng litrato. Noong nagtanong siya na kung magpapakuha rin
kami ng litrato ay pumayag agad kami dahil wala naman
kaming ibang kasama na makukuhaan kami ng malayuang
sama-sama.
Kung mapapansin sa likod namin ay iba ibang imahe ito ay sa
ikalawang palapag ng simbahan matatagpuan.
ANG PAGLIKAS NG BIRHEN NG ANTIPOLO

Ang litrato sa aming likuran ay ang paglikas sa birhen ng


antipolo. Matatagpuan ito sa exit na hagdan ng taas ng
simbahan kung kaya’t hindi kami makakuha ng maayos na
larawan sapagkat maraming tao ang dumadaan. Dito rin kami
medyo napahiya kasi sa daanang ito din kami dumaan ng
papasok.
Pagtirik ng kandila
Ang larawang ito ay kuha ni carla kung saan nagtirik kami ng
kandila. Sa pag titirik ng kandila sa simbahan, ito ay
ginagamit para matupad daw ang kahilingan at mga pangarap
sa buhay. Puti ang kandila na aming itinirik sapagkat
sinisimbolo nito ang wish at purity. Ibig sabihin para sa
pasasalamat sa Diyos at para magkaroon malinis na puso at
kaluluwa.
Ito ang larawan kung saan nakalabas na kami
ng simbahan. At dahil wala kami mahihingian ng
pabor na kuhaan kami ng litrato nandiyan
naman si monopad to the rescue at siyempre
oras na para mag ikot-ikot.
Ang lugar na ito ay sa labas ng simbahan na kung saan
makikita ang malahiganting larawan ng pagkain na gawa sa
plastic at ito ay sumisimbolo sa antipolo. Ang suman, mangga,
at kasoy (SUMAKA) ang pinaka maipagmamalaking pagkain ng
Antipolo.
PASALUBONG CENTER
Ito ay ang pasalubong center kung saan makakabili ng iba’t
ibang pasalubong sa murang halaga marami mga iba’t
ibang mga nagtitinda din dito ngunit magkakatabi lang sila
kung kaya’t kung gusto mong makamura tingnan mo muna
lahat ng mga nagtitinda. Nakabili sila lyka ng suman sa
halagang limampung piso at may walong piraso na ito dahil
tanyag naman dito ang suman.
MANG INASAL
Dahil sa nakakapagod na pag iikot, Kumain muna kami sa mang
inasal at syempre dahil RK kami di na kami umorder ng drinks
tamang tubig lang. Si lyka ang taga order lagi saamin. Ang mang
inasal ay kilala sa unli rice kung kaya’t dito kami kumain upang
marami ang kanin meron din silang unli soup kung saan maaari
kang manghingi hanggat gusto mo.
Cloud 9
Pagkaling ng simbahan dumiretso kami ng cloud 9 dahil hindi
namin alam ang papunta sa lugar na ito nagtanong tanong kami
hanggang sa natagpuan namin ang sakayan ng jeep na dadaan sa
pasyalan na ito. At bago pa man kami makarating rito lumagpas
muna kami at nilakad na lang ang naturang lugar.
Ang cloud 9 ay kilalang pasyalan sa antipolo dahil maganda ang
city lights dito kapag pagabi na bukod pa rito 360 view mong
makikita ang kagandahan ng antipolo.
MINI MUSEUM

Ang museum na ito ay madadaanan bago makatulay sa


hanging bridge magbabayad muna ng 70 pesos sa
information room ata yon para makadaan dito at sa hanging
bridge.
May iba’t ibang mga lumang bagay ang matatagpuan dito.
Ang mga larawan ng bawat isa samin ay sa
loob pa rin ng mini museum kung saan ang
nasa likod namin ay istatwa ni gat jose rizal
at ang sulat na nasa harap namin ay
nakasaad ang pamamaalam niya sa sulok na
ito puro mga imahe niya ang makikita.
HANGING BRIDGE

Ang larawan na ito ay kuha nung tumulay kami ng hanging bridge


kung saan sobrang kaba ang mararamdaman dahil pataas ng
pataas yung tulay. Habang nasa taas kami kanya kanyang kaba ang
nararamdaman ng bawat isa ngunit sa kabila nito makikita parin
ang magandang tanawin.
Ang larawang ito ay sa taas na pagkatapos ng nakakatakot na
pagtawid sa hanging bridge. Ito ang pinakamasayang araw para sa
aming magkakaibigan dahil nakapunta kami sa isang lugar ng
sama-sama makikita sa ngiti ng bawat isa ang sayang
nararamdaman namin kahit na medyo kinakabahan pa rin dahil
nasa tuktok kami at ang nag foodtrip lang kami rito at
nagkwentuhan ng kung ano-ano.
Ang larawang ito ay noong pababa na kami.
Nagpakuha kami ng litrato sa isang painting na ito dahil
kamangha mangha ito at parang inilalarawan nito ang isang
dalaga.
Ang mga paintings na ito ay madadaanan pa rin habang
pababa kami nakakamangha ang pagka pinta sa mga ito
dahil mukang bago parin kahit ang mga petsang nakalagay
ay matagal na.
Ito ay sa pinakababa na mula sa taas kung saan tanaw ang
mga magagandang tanawin kinuhaan namin ito ng litrato
sapagkat napakaganda nitong tingnan.
Ang larawan na ito ay huli naming kuha sa cloud 9
sapagkat pauwi na kami.
Isa ito sa pinakamaganda naming larawang magkakaibigan
dahil kumpleto kami.

“a best of friendship doesn’t see when you are together,


But see when you are apart yet, you realize that despite,
distance, silence, friendship still”
GROUP 4
ARAOS
ARCILLA
LORICO
MANGALE
SUMO-OC

You might also like