Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Ang Noche Buena ng Isang

Kutsero
Kabanata 5
Talasalitaan:
1. Karomata – sinaunang kalesa
2. Andas – karo o karwahe
3. Pagkulata – pambubugbog
4. Walang Puknat – walang katapusan
5. Sulo – kahoy na umaapoy sa dulo (torch)
Bisperas ng kapaskuhan at kasalukuyang inililibot ang
prusisyon ng Noche Buena sa mga lansangan nang
dumating ng San Diego si Basilio sakay ng karomata.
Naantala ang paglalakbay nila ng ilang oras dahil
hinarang sila ng mga guwardiya sibil at hinanapan ang
kutsero ng sedula. Sinaktan ng mga guwardiya sibil ang
mga kutsero nang walang maipakitang sedula bago
iniharap sa komandante. Muli silang naantala dahil
kinailangang bigyang daan ang may kahabaang
prusisyon. Unang dumaan ang imahen ng Matusalem
kaya't nagtanggal ng sombrero ang kutsero at nagdasal
Ang Ama Namin.
 Panay ang pagkukuwento ng mga kutsero na wari'y nalimutan na
ang ginawang pananakit ng mga guwardiya sibil. "Marahil ay walang
guwardiya sibil sa panahong nabubuhay pa ang mga santo," wika
ng kutsero. "Kung mayroon ay hindi sila mabubuhay nang matagal sa
pagkukata." Sumunod sa prusisyon ay ang tatlong hari ng mga mago
na sila Gaspar,Baltazar at Melchor na nakasakay sa kabayong
nakadamba lalo na ang kabayo ng maitim na si Haring Melchor na
animo'y mananagasa sa dalawang kasama. "Wala ngang guwardiya
sibil noon." Nasa tinig ng kutsero ang pananaghili sa isang masayang
panahong lumipas. "Kung mayroon ay tiyak na huhulihin at ikukulong
ang maitim na Haring Melchor na nasa tabi ng dalawang haring
Kastila."
 Nang mapansin ng kutsero na may suot ding korona ang haring
maitim ay naalala nito ang hari ng mga Indiyo. "Nababatid po ba
ninyo kung ang tali niya sa kanang paa ay nakalag na?" usisa ng
kutsero kay Basilio. "Kanino pong kanang paa?" usisa naman ni Basilio.
"Kanang paa ng hari. Ang hari natin. Ang hari ng mga Indiyo."
Ngumiti lamang si Basilio at nagpatuloy ang kutsero. Batay sa alamat,
ang hari ng mga Indiyo ay nakatali at nakakulong sa isang kuweba
sa San Mateo. Umaasa ang marami na darating ang panahong ito'y
makakalaya. Sa bawat isang daang taon ay nalalagot ang tanikala
ng hari kaya't naging malaya ang dalawa nitong kamay at kaliwang
paa. Sa tuwing nagpupumiglas daw ito'y nayayanig ang paligid
sapagkat napakalakas nito. Tinawag siyang Bernardo ng mga
Tagalog at napagkamalan siyang si Bernardo Carpio ng mga Kastila,
ang bayaning tumalo kay Rolando ng France.
"Kapag nakalag na ang tali sa kanyang paa." pabulong na
wika ng kutsero, "ipagkakaloob ko sa kanya ang aking mga
kabayo at paglilingkuran siya hanggang kamatayan
sapagkat ililigtas niya ako sa mga guwardiyang sibil."
Sumunod sa prusisyon ay ang dalawang hanay ng mga
batang lalaki na tila napipilitan lang. May dalang kandila
at sulo ang iba, ang iba nama'y may bitbit na maliliit na
parol na nakasabit sa patpat. Halos pasigaw nilang
dinarasal ang santo rosaryo na parang nakikipag-away
Ang sumunod sa prusisyon ay si San Jose na nakasakay sa
hamak sa andas , malungkot at napapalamutian ng bulaklak
na asusena ang baston. Tila isang bilanggo si San Jose dahil
napapagitnaan ng dalawang guwardiya sibil ang andas nito
at ni hindi umuusal ng requiem aeternam. Sa bandang likuran
ni San Jose ay naroon ang mga batang babaing
nagsisipagdasal habang nakatalukbong ng panyong puti ang
mga ulo at nakatali sa baba. Sa gitna nila'y may mga batang
may hilang kuneho na gawa sa papel de Hapon at may
nakapalawit na buntot. May dala silang laruan bilang
pagbibigay sigla sa Mesias sa araw ng kapanganakan nito.
Nasiyahan ang kutsero nang mawisikin ng agua bendita
gayundin ang kanyang kabayo. Hindi na tuloy niya mapalo
ang kabayo dahil nabasbasan na. Ang pinakahuli sa prusisyon
ay ang Mahal na Birhen sa kasuotang Divina Pastora.
Sinadyang ipabatid sa mga tao na nagdadalang tao ito sa
pamamagitan ng paglalagay ng bulak at basahan upang
lumaking bahagya ang tiyan. Hindi kasama sa prusisyon ang
kura sapagkat nagagalit siya sa mga taong ayaw magbayad
ng tatlumpung piso sa bawat misa sa madaling araw
bagama't inasikaso niya ang ayos ng prusisyon. Tiniwag niyang
pilibustero mga taong ang gusto'y dalawampung piso lamang
ang bayad.
Hindi namalayan ng kutsero na walang ilaw ang kanyang
karomata at maging si Basilio ay hindi napuna iyon dahil
abala siya sa pagmamasid ng nakasabit na parol sa mga
bahay. Napansin niya ang kalamlaman ng paligid dahil
nanlalabo ang mga ilaw at walang gaanong musiko. May
kulang sa kasayahan na nagaganap at naisisi yon ni Basilio sa
kahirapan ng buhay at panahon. Ang mga presyo ng mga
kalakal ay bumababa gaya ng asukal at iba pang ani.
Nangangamatay ang kalahati ng mga hayop pansaka
habang tumataas ang pagbabayad ng buwis. Ang
pagsasamantala at pang-aabuso ng mga guwardiya sibil ay
walang puknat na siyang nagdudulot upang unti-unti nang
mawala anumang kasiyahan sa kanilang bayan.
May sumigaw na Alto! at tila natauhan sa pagmumuni-muni si
Basilio. Kasalukuyang dumaraan ang karomata sa kuwartel
nang mapuna ng isang guwardiya sibil na wala iyong ilaw.
Hindi sila pinalagpas at sa kanila ng pagmamakaawa ng
kutsero, dahil naantala sila ng prusisyon ay hindi siya
pinakinggan ng guwardiya sibil at patuloy siyang inalipusta.
Tinakot pa ang kawawang kutsero na siya'y aarestuhin at
mailalathala ang nangyari sa pahayagan dahil lumalabag siya
sa kautusan. Nagtiimbagang na lamang si Basilio at bumaba
ng karomata.
 Nagpasya si Basilio na maglakad dala ang kanyang maleta. Ito ang
bayan ng San Diego, ang kanyang bayan ngunit wala siyang kamag-
anak isa man. Sa paglalakad ay napadaan siya sa bahay ni Kapitan
Basilio na bukod tanging may nagaganap na na kasiyahan. Nakita ni
Basilio si Sinang na hindi ma tumaas pa ngunit tumaba naman mula
nang makapag-asawa. Nakita rin niya na nakikipag-usap si Kapitan
Basilio sa kura, sa alperes ng mga guwardiya sibil at maging sa mang-
aalahas na si Simoun. "Makakaasa kayong pupunta kami ng Tiani
para tingnan ang iyong mga alahas, Ginoong Simoun." ani Kapitan
Basilio. "Pupunta rin ako dahil kailangan ng kadena ng isang relo
dangan at ako'y abala sa aking mga gawain," sabi naman ng
alperes. "Kung maaari ko sana itong ipagkatiwala kay Kapitan Basilio."
Natuwa si Kapitan Basilio sapagkat nais niyang mapalapit
sa alperes para hindi pinsalain ang kanyang mga tauhang
manggagawa sa bukid. Hindi niya tinanggap ang perang
ibinibigay ng alperes. "Aginaldo ko na sa inyo." wika ni
Kapitan Basilio. "Hindi ko mapapayagan ang bagay na
iyan." pagtutol ng alperes. "Ang mabuti'y saka na lamang
natin pag-usapan." sabi ng kapitan. Ang kura paroko ay
nagsabi rin ng alahas na gustong bilhin at si Kapitan Basilio
rin naman ang naatasang bumili nito. "Isang pares ng
hikaw na mataas ang uri, Saka na lang din tayo
magkuwento."
 "Wala kayong dapat na alalahanin Padre Kura." ani Kapitan Basilio
sapagkat naghahangad din siyang mapalapit sa mga alagad ng
simbahan. Para kay Kapitan Basilio, maaari siyang gumugol ng mga
regalo para sa mga ito. Samantala, si Simoun ay patuloy sa pagpuri sa
mga binebentang alahas. "Nakapagtataka ang taong ito,
nakakapagnegosyo kahit saan," nasabi ni Basilio sa sarili at saka
nagpatuloy sa paglalakad. "Kung paniniwalaan ang sinabi ng isang tao,
binibili raw niya ang mga alahas sa mababang halaga at ipinagbibili
naman bilang panregalo. Nakakapangalakal ang lahat sa bayang ito,
maliban sa amin." Narating ni Basilio ang bahay ni Kapitan Basilio na
tinitirhan na lamang ng isang katiwala. Malaki ang paggalang sa kanya
nito mula nang mapanood siya nito na mag-opers na animo'y nagtitistis
lamang ng manok. Nagbalita ang katiwala kay Basilio. Dalawang
katulong daw sa bukid ang napiit at ang isa'y naipatapon sa malayong
bayan.
 "May ilan din pong namataya na kalabaw." anang ng katiwala. "Wala ka
na bang ibang ibabalita sa akin kundi panay ganyan?" tanong ni Basilio sa
katiwala. Hindi malupit na tao si Basilio subalit dahil sa ganoong pagtrato ni
Kapitan Basilio ay napilitin siyang tratuhin na rin ng ganon ang mas
nakakababa sa kanya. Pinagagalitan din niya ang mga ito gaya ng
ginagawa ng kapitan. "Ang isa po nating kasama ay namatau, ang
matandang tagabantay ng kaingin, subalit ayaw siyang bigyan ng misang
pangmaharirap sapagkat mayaman daw ang ating Panginoon." "Anong
ikinamatay?" "Katandaan." "Kung namatay sana sa sakit." Gusto ni Basilio
na makagawa ng awtopsiya. "Wala na ba kayong ibabalitang iba sa
akin?" Nakakawala ng ganang kumain ang iyong mga balita. Wala ba
kayong nalalaman sa nangyari sa Sagpang?" Noon ikuwento ng katiwala
ang nangyari kay Kabesang Tales na nadakip ng mga tulisan. Nawalan ng
sasabihin si Basilio at tuluyan nang hindi nakakain.

You might also like