Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Batayang Kaalaman sa

Mapanuring Pagbasa
Aralin 1
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK
Crizel Sicat-De Laza
May-akda
Layunin ng Talakayan

• Matukoy ang kahalagahan at kahulugan ng pagbasa


• Makilala ang pagkakaiba ng intensibo at ekstensibong Pagbasa
• Malaman ang kahulugan at gamit ng scanning at skimming sa
pagbasa
• Matukoy ang antas ng pagbasa
Daloy ng Talakayan

• Kahalagahan at Kahulugan ng Pagbasa


• Intensibo at Ekstensibong Pagbasa
• Scanning at Skimming sa Pagbasa
• Antas ng Pagbasa
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa

“Huwag kang magbasa,


gaya ng mga bata, upang
libangin ang sarili, o gaya
ng mga matatayog ang
pangarap, upang matuto.
Magbasa ka upang
mabuhay.”
Gustave Flaubert
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa

Ayon kina Anderson et al. (1985), sa aklat na Becoming a


Nation of Readers, ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng
kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. Ito ay isang
kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon
ng iba’t iba at magkakaugnay na pinagmumulan ng
impormasyon
• Ang pagbasa ay kompleks, daynamikong proseso ng pagdadala ng mensahe
sa teksto at pagkuha ng kahulugan mula sa teksto. Ito ay integratibong
proseso ng pagsasanaib ng apektibo, perseptwal at kognatibong domeyn.
-Rubin at Bernhardt
Ang pagbasa ay kasangkapan sa pagkatuto ng mga kabatiran ukol sa iba’t ibang
larangan ng pamumuhay. Sa katunayan, 90% sa napag-aralan ng tao ay mula sa
kanyang karanasan sa pagbasa. - Baltazar(1977)
Ang pagbasa ay isang "psycholinguistic guessing game"
-Goodman

Para sa lubusang pag-unawa sa isang teksto, kailangan ang dating kaalaman ng


tagabasa ay maiugnay niya sa kaniyang kakayahang bmuo ng mga konsepto at
kasanayan sa pagpoproseso ng mga impormasyon.
-Coady
Ang kakayahang pangkaisipan ay ang panlahat na kakayahang intelektwal ng
isang tagabasa.
-Badayos

Ang pagbasa ng anumang uri ng katha ay nagkakabisa sa ating isip, damdamin


at kaasal
-(Belvez et al., 2004)
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa

Ayon kina Wixson et al. (1987) sa artikulong “New Directions in


Statewide Reading Assessment” ang pagbasa ay isang proseso ng
pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksiyon ng:
1) imbak o umiiral nang kaalaman ng mambabasa;
2) impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa; at
3) konteksto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa.
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa
• Ang pagbasa ay isang kompleks na kognitibong proseso ng pagtuklas sa
kahulugan ng bawat simbolo upang makakuha at makabuo ng kahulugan.
William S. Gray
• Si Dr. William S. Gray (1885-1960) ay isang Amerikanong edukador at
tagapagtangkilik ng literasiya o kaalaman at kakayahan sa pagbasa at pagsulat.
Tinagurian siyang "Ama ng Pagbasa" dahil sa angking kahusayan sa pag-
aanalisa ng mga bagay- bagay at dahil na rin sa kahusayan sa gramatika.
Intensibo at Ekstensibong Pagbasa
Intensibo Ekstensibo
• Kinapapalooban ng malalimang • Ayon kina Long at Richards (1987),
pagsusuri sa pagkakaugnay-ugnay, nagaganap ang ekstensibong pagbabasa
estruktura, at uri ng diskurso sa loob kapag ang isang mambabasa ay nagbabasa
ng teksto, pagtukoy sa mahahalagang ng maramihang babasahin na ayon sa
bokabularyong ginamit ng manunulat, kaniyang interes, mga babasahing
kadalasang hindi kahingian sa loob ng
at paulit-ulit at maingat na paghahanap klase o itinatakda sa anomang asignatura.
ng kahulugan.
• Kadalasan, ang layunin ng mambabasa sa
• Sa ganitong uri ng pagbasa, ganitong uri ng pagbasa ay upang makuha
nakatutulong ang pagbabalangkas o lamang ang “gist” o pinaka-esensya at
paggawa ng larawang konseptuwal kahulugan ng binasa na hindi
upang lubos na maunawaan ng mag- pinagtutuunan ng pansin ang mga salitang
aaral ang isang teksto. malabo o hindi alam ang kahulugan.
Scanning at Skimming sa Pagbasa
Scanning Skimming
• Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang • Mabilisang pagbasa na ang layunin ay
pokus ay hanapin ang ispesipikong alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto,
impormasyon na itinatakda bago bumasa.
Kinapapalooban ito ng bilis at talas ng mata sa kung paano inorganisa ang mga ideya o
paghahanap hanggang sa makita ng kabuuang diskurso ng teksto at kung ano
mambabasa ang tiyak na kinakailangang ang pananaw at layunin ng manunulat.
impormasyon.
• Kung ang kahingian ay alalahanin ang
• Mas kompleks ang skimming kaysa
pangalan, petsa, simbolo, larawan, o tiyak na scanning dahil nangangailangan ito ng
sipi na makatutulong sa iyo, scanning ang mabilisang paraan ng organisasyon at pag-
angkop na paraan ng pagbasa na dapat alaala sa panig ng mambabasa upang
gamitin. Ibig sabihin, may paunang pag-alam o maunawaan ang kabuuang teksto at hindi
pagkaunawa na sa hinahanap na impormasyon
at ang layunin ay matiyak ang katumpakan nito lamang upang matagpuan ang isang tiyak
na makikita sa mga libro o iba pang na impormasyon sa loob nito.
sanggunian.
Antas ng Pagbasa
Primarya • Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa
at pantulong upang makamit ang literasi sa
pagbasa. Kinapapalooban lamang ng
pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong
Mapagsiyasat impormasyon gaya ng petsa, setting, lugar,
o mga tauhan sa isang teksto.
• Itinuturing na magkakahiwalay ang mga
impormasyong ito, na mahirap para sa
Analitikal bagong mambabasa upang makabuo ng
kabuuang hinuha at pag-unawa sa teksto.
• Nauunawaan lamang ang hiwa-hiwalay na

Sintopikal impormasyon sa literal na antas at hindi


nakabubuo ng interpretasyon mula sa
pagkakaugnay-ugnay ng mga nito
Antas ng Pagbasa
Primarya • Sa antas na ito, nauunawaan na ng mambabasa
ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng mga
hinuha o impresyon tungkol dito.
• Sa pamamagitan nito, nakapagbibigay ng
Mapagsiyasat mabilisan ngunit makabuluhang paunang rebyu
sa isang teksto ang mambabasa upang matukoy
kung kakailanganin niya ito at kung maaari
itong basahin nang mas malaliman.
Analitikal • Paimbabaw ang katangian ng pagbasang ito
sapagkat halos panlabas na bahagi lamang ng
teksto ang tinitingnan. Hindi ito pinagiisipan

Sintopikal nang malalim para magbigay ng interpretasyon


o pinag-uukulan ng pansin ang ilang bahaging
hindi maunawaan sa teksto.
Antas ng Pagbasa
Primarya • Sa antas na ito ng pagbasa, ginagamit ang
mapanuri o kritikal na pag-iisip upang
malalimang maunawan ang kahulugan ng
Mapagsiyasat teksto at ang layunin o pananaw ng
manunulat.
• Bahagi ng antas na ito ang pagtatasa sa
katumpakan, kaangkupan, at kung
Analitikal katotohanan o opinyon ang nilalaman ng
teksto.
• Malalim at mapanuri na ang antas na ito,
Sintopikal ngunit hindi rito nagtatapos ang layunin ng
pagbasa.
Antas ng Pagbasa
• Sa sintopikal na pagbasa, nakabubuo ng sariling
perspektiba o pananaw sa isang tiyak na larangan mula
Primarya sa paghahambing ng mga akdang inunawa.
• Ito ay hindi lamang pag-unawa sa mga nariyan nang
mga eksperto sa isang larangan o disiplina, kundi ang
Mapagsiyasat pagbuo ng sariling sistema ng kaalaman at pag-unawa
mula sa pagbasa sa mga ekspertong ito. Ang mga aklat
na binasa mo ay mga kasangkapan lamang upang
Analitikal maunawaan mo ang mga kaalaman na naipundar na ng
mga naunang iskolar.
• Sa pamamagitan ng sistematikong paraan, pinaghahalo
ang mga impormasyon mula sa aklat at ang mga
Sintopikal sariling karanasan at kaalaman upang makabuo ng
ugnayan at bagong mga pananaw at kaalaman. Ibig
sabihin, sa antas na ito ng pagbasa, itinuturing mo na
rin ang sarili bilang isa sa mga eksperto ng iyong
binasa.

You might also like