Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 43

Intelektuwalisasyon

ng Filipino

Aralin 7
Gawain
Panoorin ang sumusunod na video tungkol sa mga
proseso sa isang paglilitis:

(Panoorin ang bandang 00:12:00 – 00:15:00)


Mga Tanong
1. Paano mo naintindihan ang proseso?
2. Paano kung hindi nakakaintindi ng Ingles ang mga
nasasangkot, paano ito makaaapekto sa kanilang
akses sa katarungan?
3. Bakit mahalagang mapatibay ang paggamit ng
Filipino sa larang ng hustisya? Sa iba pang larang?
4. Totoo bang para lang sa ordinaryong
komunikasyon (hal., tsismisan, pakikipag-usap sa
kasambahay, daryber o tindera, atbp.) ang
paggamit ng Filipino? Bakit o bakit hindi?
Naniniwala ka ba sa pormulang
ito? Bakit?

wika=talino
Tampok na Babasahin:
“Intelektwalismo at
Wika” ni Renato
Constantino
Pangkatang gawain:
• Maghanap ng kapareha upang sagutin
ang sumusunod na tanong batay sa
artikulo ni Constantino. Maghandang
ibahagi sa klase ang mga sagot.
1.Paano naapektuhan ng kolonyal na kasaysayan
ang pagbabasa/kaugalian ng mga Pilipino?
2. Ano ang ebidensya na walang tradisyong
intelektuwal ang mga Pilipino?
3.Paano nasabing bigo ang sistema ng
edukasyon sa paglikha ng mga intelektuwal?
4. Ano ang mga kakayahan ng isang “tunay na
intelektuwal”?
5. Ano-ano ang mga katangian ng mga
maling edukasyon ng lipunan? Bakit sila nagkaganito?
6.Ano ang epekto ng wika bilang instrumento ng
pag-iisip sa paggamit ng wikang dayuhan?
INTELEKTWALISMO AT WIKA
ni Renato Constantino
• Ang tradisyon ng intelektuwalismo, kagaya ng sa
mga bansang Kanluranin, ay umiiral sa ating kapwa
bansang Asyano tulad ng India, Indonesia, Vietnam
at iba pa.
• Tulad natin, karamihan sa kanila ay nakaranas ng
kolonyalismo, ngunit sa larangan ng sining at
kultura, malayo tayo sa kanila. Ang dahilan nito ay
ang pagkakaiba ng sistema ng kolonyalismong
inilatag sa atin, at ang kawalan natin ng matatag na
sibilisasyon noong tayo’y sinakop ng unang
kolonisador.
INTELEKTWALISMO AT WIKA
ni Renato Constantino

• Sa Pilipinas, naging ganap ang pananakop sa lahat


ng larangan ng ating buhay—sa relihiyon, sa
edukasyon, sa istruktura ng lipunan, sa ekonomya,
sa kultura at pati na sa wika. Dahil dito, ang tatak ng
ating mananakop, lalo na yaong sa mga Amerikano,
ay malalim na nakaukit sa ating mga institusyon, sa
ating isip at pananaw sa daigdig.
INTELEKTWALISMO AT WIKA
ni Renato Constantino

• Marami-rami na rin sa ating mga kababayan ang


nakapag-ambag ng mahahalagang kontribusyon sa
daigdig ng kaisipan. Subalit, kadalasa’y hindi natin
ito binibigyan ng gaanong importansya. Ito’y isang
dahilan ng kawalan ng tradisyong intelektuwal. Di
katulad sa ibang bansa, wala tayong matutukoy na
iba’t ibang daloy ng pag-iisip na pinayayabong at
pinasusulong ng mga grupong intelektuwal mula sa
isang henerasyon tungo sa susunod. Wala tayong
tinatawag na intellectual tradition.
INTELEKTWALISMO AT WIKA
ni Renato Constantino

Ipinagmamalaki natin bilang isang bansa ang ating


mataas na antas ng literacy, ngunit lumilikha tayo ng
mga mamamayang walang karanasang intelektuwal
tungkol sa kahulugan at layunin ng ating bayan. Ito
sana ang magbibigay sa kanila ng batayan upang
suriin ang kalagayang pambansa at pandaigdig.
INTELEKTWALISMO AT WIKA
ni Renato Constantino

Ang kababawan at kawalang-kakayahan sa gawaing


pang-intelektuwal ay isang malubhang problema ng
lipunan. Kakaunti ang mga Pilipinong maaaring
masabing tunay na mga intelektuwal na nagsusuri,
nagtataya, at nakauunawa sa lipunan bilang isang
kabuuang ugnay-ugnay.
INTELEKTWALISMO AT WIKA
ni Renato Constantino

Marami sa ating kababayan ang nagmamalaki na sila ay


kabilang sa intelihenteng sektor ng bansa.
Ipinagmamalaki pa ng ilan sa kanila ang pagka-
intelektuwal. Sa katunayan, ang marami sa kanila ay mga
semi-intelektuwal lamang, at ang iba ay mga mental
technicians.
Lumilitaw sa ating pagsusuri ng posisyon at katangian ng
mga mental technicians sa ating bansa na sila ay biktima
at daluyan ng kolonyal na kamalayan; sila ay tagatanggap
ng miseducation at sa gayon ay nagiging miseducators ng
lipunan.
INTELEKTWALISMO AT WIKA
ni Renato Constantino

Sapagkat ang edukasyon sa bansang ito kadalasan ay


negosyong pinatutubuan, mahal ang pagtatamo ng
mataas na kaalaman.
Bukod pa rito, ang pagtanaw ng maraming pamilya
sa edukasyon ay isang instrumento lamang ng
pagtatamo ng personal na ambisyon sa buhay.
Ang pangkaraniwang layunin ay mataas na kita at
katayuan sa lipunan.
INTELEKTWALISMO AT WIKA
ni Renato Constantino

Sa ating karanasan, ang mahabang kasaysayan ng


paggamit ng Ingles ay di nagbunga ng kaunlaran, maliban
sa mga nagtatrabaho sa mga dayuhang kompanya o sa
ibang mga bansa. Bagkos, ang Ingles ay nakapigil sa pag-
unlad ng karamihan sa mga Pilipino na di lubos na
nakauunawa rito ngunit napilitang mag-aral nito at sa
pamamagitan nito. Nauntol ang pag-unlad ng wikang
pambansa bilang wikang panturo, wikang opisyal, at wika
ng negosyo. Naging limitado ang kaalaman at kakayahan
ng maraming Pilipino na itinali sa Ingles gayong hindi nila
magamit ito sa malalim at maunlad na paraan.
INTELEKTWALISMO AT WIKA
ni Renato Constantino

Ang wika ay instrumento ng pag-iisip. Sa


pamamagitan ng wika ay umuunlad ang kaisipan. Sa
pag-unlad naman ng kaisipan ay umuunlad ang wika.
Ngunit kapag ang wika ay naging sagabal sa pag-iisip,
ang pag-iisip ay nababansot o nababaog at
magbubunga naman ng kulturang bansot. Ang
malikhain, mapanuri at mapagbuod na kaisipan ay
hindi uunlad sapagkat ang mga mag-aaral ay nahirati
sa pagsasaulo sa dayuhang wika.
INTELEKTWALISMO AT WIKA
ni Renato Constantino

Ang edukasyon ay dapat lumikha ng mga Pilipinong


naniniwala na sila, bilang indibiduwal o kolektibo, ay
pantay sa ibang mga sambayanan. Ang paggamit ng
sariling wika bilang instrumentong mapagpalaya at
nagbibigay-kapangyarihan ay isang mahalagang
hakbang tungo sa layuning makabansa.
INTELEKTWALISMO AT WIKA
ni Renato Constantino

Ilang dekada nang patuloy na pinarurupok o


pinahihina ng ating pagtanggap at pagkaalipin sa
wikang banyaga ang kalidad ng intelektwalisasyon
dito sa bansa.
Ang laging binibigyang-halaga ay ang wikang
dayuhan, tradisyon at kapangyarihan sa kasalukuyan.
Hindi nakapagtataka na ang ating pag-iisip ay
hinuhubog ng itinuturong maka-dayuhan at ng
mismong reyalidad.
MGA PANANAW SA WIKA
ni Bonifacio Sibayan

Ang wikang ginagamit sa CDs ay dapat na


intelektwalisadong wika. Ito ay dapat na nasusulat
kung kaya ang pagsusulat at pagbabasa ay
maituturing na isang kinakailangang kasanayan.
Mahalaga ang imbakan ng mga impormasyon na
nasusulat sa wikang ito para masabing ganap na
intelektwalisado.
MGA PANANAW SA WIKA
ni Bonifacio Sibayan

FILIPINO IS NOT (YET) AN INTELLECTUALIZED


LANGUAGE.
Ang tanging CDs lamang na gumagamit at may
mayamang paggamit ng WF ay ang literature o
panitikan. Maliban rito ay kapos na ang iba pang CDs
sa mga pagpapalaganap at pagpapayabong ng wika
sa kani-kanilang mga erya.
MGA PANANAW SA WIKA
ni Bonifacio Sibayan

PROSESO NG INTELEKTWALISASYON NG WIKA


Kinakailangan muna ang pagkilala sa
iba’t ibang mga populasyon ng taong may iba’t ibang
kaalaman at kasanayan sa Filipino.
Mga institusyong susuporta sa tunguhing ito
MGA PANANAW SA WIKA
ni Bonifacio Sibayan

SOURCE LANGUAGEs for INTELECTUALIZATION


Ang isang umuunlad na wika ay kailangan ng
panggagalingang wika para sa intelektwalisasyon
nito. Tulad ito ng nangyari sa Ingles sa kanyang
paghihiram mula sa ibang mga wika sa labas ng
kanyang nasasakupan.
MGA PANANAW SA WIKA
ni Bonifacio Sibayan

LANGUAGE REPLACEMENT AND LANGUAGE SHIFT


Isang malaking balakid sa intelektwalisasyon ng
Filipino ay ang pagpapalit ng tuon ng mga
mamamayan sa paggamit ng Ingles tungo sa Filipino
sa mga CDs.
Upang ganap na maging intelektwalisado ang wika,
mahalaga na mapalitan ng Filipino ang Ingles sa mga
CDs. At ito ang pinakamalaking dilemang kinakaharap
ng Filipino sa ngayon.
TATLONG KLASIPIKASYON
NG DOMEYN PANGWIKA
1. Larangang Pangwika na Nagkokontrol
(Controlling Domains of Language)
• May katiyakan at wastong gamit ng mga salita.
• Estandardisado at intelektwalisado ang wika.
• Nagdidikta, pasalita man o pasulat.
• Kadalasang ginagamit sa mga matataas na antas ng
karunugan gaya ng simbahan, batas, media, paaralan,
pamahalaan, industriya, negosyo, komersyo at iba pa.
TATLONG KLASIPIKASYON
NG DOMEYN PANGWIKA

2. Nagkokontrol nang Bahagya na Larangang Pangwika


(Semi-controlling Domains of Language)
• Pinahihintulutan ang pakikibahagi ng tao sa iba’t ibang gawain
subalit hindi kinakailangan na maging dalubhasa ang isang tao
sa paggamit ng wika.
• Hindi masyadong istrikto sa paggamit ng wika.
• Relihiyon at entertainment ang mga halimbawa nito.
TATLONG KLASIPIKASYON
NG DOMEYN PANGWIKA

3. Di-Nagkokontrol na mga Larangan ng Wika


(Non-controlling Domains of Language)
 Pasalita lamang na kadalasang makikita sa tahanan
at sa lingua franca ng isang bansa.
 May kalayaan ang ispiker kaugnay sa gamit ng wika.
Mga Katangian ng
Intelektuwalisadong Wika
 Ang wika ay intelektuwalisado kung ito ay nasusulat
(Sibayan, 1999).
 Hindi sapat ang pasalitang paraan para masabing
intelektuwalisado ang isang wika. Kinakailangang ang
wika ay nakapagpapalimbag ng iba’t ibang balon ng
karunungan (libro, ensaklopidya at iba pa) na magagamit
ng tao tungo sa paglago ng kanyang kaalaman
• Sa kaso ng Filipino, ang pag-iintelektwalays dito
ay nararapat ipokus sa mga lawak na
kumokontrol na wika o controlling domains of
language, mga lawak na ayon sa kanya ay
nagdidikta ng wikang inaasam at pinapaboran
ng mga taong gumagamit ng wikang iyan.
• Halimbawa nito ay ang gamit ng wika sa mahahalagang
larangan tulad sa edukasyon, pamahalaan, batas,
hukuman, agham at teknolohiya, negosyo, pangkalakalan,
industriya, mga propesyon na may bahaging larangan (sub
domains) tulad ng medisina at abogasya, mass media at
literatura.
APAT NA HAKBANG SA
INTELEKTUWALISASYON NG WIKA

1.Seleksyon - yugto ng pagpili ng wikang


papaunlarin upang maging intelektuwalisado.

Halimbawa: Bahasa Sur sa Indonesia


Bahasa Melayu sa Malaysia
APAT NA HAKBANG SA
INTELEKTUWALISASYON NG WIKA

2. Estandardisasyon - pagkakaroon ng kaisahan sa


likod ng linggwistikong pagkakaiba-iba ng mga
wika.
Estandardisado ang wika kung tiyak ang
paggamit nito ayon sa tiyak na disiplina batay sa
mga limbag na teknikal na mga teksto gaya ng mga
aklat, diksyonaryo,tesauro at iba pa.
APAT NA HAKBANG SA
INTELEKTUWALISASYON NG WIKA
• 3.Diseminasyon - ang wikang estandardisado ay
laganap na ginagamit at nauunawaan lalo na para sa
mga tiyak na larangan ng karunungan.
APAT NA HAKBANG SA
INTELEKTUWALISASYON NG WIKA
4.Kultibasyon
Ito ang proseso ng paglinang sa wikang
estandardisado. Kung saan sa higit na paggamit ng
wika napagyayaman ang iba't ibang mga
pagpapakahulugan ng mga tiyak na termino at salita
na siyang daan para sa elaborasyon ng kahulugan ng
mga rejister ng isang intelektuwalisadong wika.
PARA KANINO ANG
INTELEKTUWALISASYON?
• Isa itong kondisyon o kalagayan na naipapakita na
o nabibigyang pagkakataon ang wika na umunlad at
magamit sa iba’t ibang domeyn o mapaggagamitan
nito, hindi lang sa pang-araw-araw na
komunikasyon. Kung gayon, hindi lang dapat na
makinabang dito ang mga nasa mga unibersidad
kundi pati ang karaniwang mamamayan (P.
Constantino).
PAMBANSANG WIKA AT ANG ISYU NG
INTELEKTWALISASYON Dr. Jose V. Abueva
• … walang wikang nananatiling salat kung gagamitin
ito hindi lamang sa pang-araw-araw na buhay kundi
sa diskurso at iba pang larangang pang-intelektwal.
Dinamiko ang wika. Binibigyang-buhay ito ng mga
taong nagsasalita, nag-iisip at nagsusulat dito.
Lumalawak at yumayaman ito ayon lamang sa
paggamit ng mga tao. Kung walang intelektwal na
nangangahas na gumamit ng pambansang wika,
iiral nga ang alamat na ang pambansang wika ay
para lamang sa tahanan, sa palengke, sa mga
babasahing pangmasa, sa pangsuyo sa mga botante
tuwing eleksyon.
PAMBANSANG WIKA AT ANG ISYU NG
INTELEKTWALISASYON Dr. Jose V. Abueva
…ang mga kaalamang natutuhan natin sa kanluran
ang nagpabilis ng ating pagpasok sa modernong
panahon at ng paglahok natin sa pandaigdigang
sibilisasyon. Ngunit sa kabilang banda naman,
hiniwalay tayo ng dayuhang wika sa sarili nating
kultura. Binansot nito ang pagyabong ng katutubong
kaisipan sa iba’t ibang larangan. Sinupil nito ang ating
pagkamalikhain. Inukit nito sa ating kaisipan ang
alamat na hindi maipapahayag ng ating sariling wika
ang mga komplikado at abstraktong ideya.
PAMBANSANG WIKA AT ANG ISYU NG
INTELEKTWALISASYON Dr. Jose V. Abueva
Ang isyu ng intelektwalisasyon, kung gayon, ay higit
dapat tingnan bilang proseso ng pagpalawak ng
kaalamang-bayang tunay na sumasaklaw sa buong bayan.
Dapat ding tingnan ito sa aspekto ng kung paano
lilinangin ang mga ideya’t kaisipang higit na aakma sa
ating realidad at pagkatao, bubuhayin ang ating
pagkamalikhain, babahaginan ng biyaya ng gawaing
pang-intelektwal ang higit na nakararaming mamamayan
upang mabigyan sila ng sandata sa kritikal na pagsuri ng
kanilang kalagayan at makalahok sila sa diskurso o
usaping bayan. Kasaysayan ang nagsasabi sa atin na hindi
mangyayari ito kung ipipilit ang banyagang wika.
PAMBANSANG WIKA AT ANG ISYU NG
INTELEKTWALISASYON Dr. Jose V. Abueva
Sa panahon ng dekada sisenta sinimulan sa UP ang
reeksaminasyon ng kabuluhan ng umiiral na edukasyon sa
pangangailangan ng bansa. Bagamat hindi tinatalikuran ang
kaalamang nakuha sa kanluran, nakita ang kahalagahan ng
pagkaroon ng matibay na pundasyon sa sariling kultura upang
maging mas maselan sa pagsala ng mga banyagang ideya’t
konsepto. Hindi prinoblema ng mga propesor ng UP ang
sinasabing kasalatan ng wikang pambansa sa bokabularyong
intelektwal. Hindi rin prinoblema ang kakulangan ng teksbuk.
Kasabay sa pagsaliksik sa kultura at kaisipang Pilipino,
sinimulan agad ang pagturong iba’t ibang disiplina tulad ng
pisika, matematika, sosyolohiya, sikolohiya, agham pulitika,
literatura, kasaysayan, kemistri at iba pa sa wikang Filipino. At
gayon din, sinimulan ang pagsulat sa Filipino ng bunga ng
reserts.
PAMBANSANG WIKA AT ANG ISYU NG
INTELEKTWALISASYON Dr. Jose V. Abueva
Sa kalagitnaan ng dekada sitenta, nakapagdebelop na
ang UP Departamento ng Sikolohiya ng tinawag nilang
“Sikolohiyang Pilipino.” Ang mga masteral na tesis at
disertasyong naisulat sa Filipino mula 1974 hanggang sa
kasalukuyan ay matitibay na testigo sa pagkamabisa ng
ating pambansang wika bilang behikulo ng abstrakto o
teoretikal na pag-iisip. Mula 1974, higit na tatlong
masteral na tesis ang naisusulat sa wikang Filipiino bawat
taon. Mula 1978 naman, may isa o dalawang
disertasyong naisusulat sa Filipino bawat taon. Ang
pinakamayamang ani ay noong 1990 kung kelan pitong
disertasyon ang naisulat sa wikang Filipino.
ANG INTELEKTWALISASYON NG WIKA:
MULING PAGTINGIN ni Bro. Andrew Gonzales
1. Kailangan itong maging
estandardisado lalo na sa
anyong pasulat
2. Kailangang makasulat ng
PROSESO NG mga diksyunaryong
monolingguwal, grammar
INTELEKTUWALISASYON at handbook ng retorika
3. Kailangang palaganapin ang
wikang katutubong napili
bilang pangalawang wika
kung ang barayti nito ay
hindi ang unang wika ng
higit na nakararami.
4. MAHALAGA ANG
KULTIBASYON
Repleksiyon:

Matapos mong malaman na mahalagang


magkaroon ng intelektuwal na tradisyon
ang bansa at mayroon ding konsepto ng
intelektuwalisasyon sa wika, pumili ng
isang hayop o halaman na maaaring
maging simbolo ng iyong sagot sa mga
sumusunod na tanong.
• Bakit kailangang magamit ang wikang
Filipino sa aking larangan?

• Paano ako makatutulong sa


intelektuwalisasyon ng Filipino sa aking
larangan?

You might also like