Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

PAGLABAG SA

KARAPATANG
PANTAO
“Ipinanganak na Malaya ang tao,
ngunit siya’y alipin saanman
pumunta”- Jean-Jacques Rousseau
Ano ba ang nagaganap kapag
nilabag ang karapatang pantao?
 Nagdudulot ito ng mapang aliping kamalayan sa isang tao na
dapat ay Malaya

 Nawawala ang pagkakapantay-pantay ng tao kapag nasusupil,


ipinagkakait, o nilalabag ang kanilang mga karapatan
Mga Sanhi ng Paglabag ng
Karapatang Pantao
1. Ideolohiya
- mga paniniwalang nais isulong ng isang pangkat ng lipunan
upang idikta sa iba pang pangkat ang nararapat na
pagpapatakbo sa buhay ng tao

- iba-ibang pananaw ng tao na humuhubog sa mga damdamin at


pangarap ng tao tungo sa hinhangad niyang kaayusan ng
kaniyang buhay
Mga Sanhi ng Paglabag ng
Karapatang Pantao
2. Kalakalan at Kultura
-ito ay ang mga kinikilalang kaayusan sa pamumuhay ng bawat
tao na maaaring maging mapanupil sa iba pang tao

- Halimbawa mga patriarkang komyunidad, pang-aabuso sa


etnikong tribu, at iba pa
Mga Sanhi ng Paglabag ng
Karapatang Pantao
3. Kaisipang Pang-ekonomiya
- dahil sa pagiging maramot ng iilang grupo ng tao sa mga likas na
yaman, nagkakaroon naman ng panunupil sa karapatan sa
masaganang pamumuhay

- Makikita ito sa kalakaran ng ekonomiya at ang kakapusan sa


ating mga pinagkukunang-yaman
Epekto ng Paglabag sa
Karapatang Pantao:
1. Kahirapan
2. Kaguluhan at Karahasan
3. Kawalan ng Moralidad
Mga Halimbawa ng Karapatang
Pantao:
1. Modernong Pang-aalipin

– paggamit ng dahas at pananakot upang


pagtrabahuin ang isang tao para sa kabuhayang hindi
niya pinili o ginusto at walang anumang naibibigay na
sapat na kabayaran para sa kaniyang paggawa
Mga Halimbawa ng Karapatang
Pantao:
2. Karahasan laban sa mga Pangkat Minorya

- ito ay ang pagkakait sa kanilang mga karapatang


maisabuhay ang kanilang kultura na nagaganap
bunsod sa mga suliranin na kinakaharap sa tinitirhan
nilang mga lupain at sa kanilang kabuhayan
Mga Halimbawa ng Karapatang
Pantao:
3. Terorismo

- Tahasang paghahasik ng lagim sa mga


pamayanan sa loob ng bansa upang
maiparating ang hangarin ng isang pangkat
para sa pansariling kapakanan
Pagtugon sa mga
paglabag sa mga
Karapatang Pantao
Pangangalaga sa Karapatang
Pantao:
 Pag-aralan ang mga karapatang pantao ayon sa batas

 Alamin ang mga taong maaaring sabihan tungkol dito :


a. Madla sa Pamayanan;
b. Opisyal ng Lokal at Pambansang Pamahalaan
c. Indibidwal na may hawak ng mga negosyo
d. Manggagawa, magsasaka, at mangingisda
Pangangalaga sa Karapatang
Pantao:
 Magsagawa ng mga gawaing magpapaalala sa mga
karapatang pantao:
a. Seminar o workshop
b. Pagsulat sa pahayagan ng mga magagandang epekto ng
kaalaman at kamalayan sa mga karapatang pantao
c. Pagsagawa ng isang pampublikong talakayan tungkol sa
nilalaman ng Konstitusyon 1987 o ng UDHR
d. Pagtirik ng Kandila o paglalaan ng araw ng pagdarasal para sa
mga nagging biktima ng paglabag sa mga karapatang pantao
Paglutas sa mga Kaso ng
Paglabag:
1. Pumili ng isang kaso ng paglabag na malapit sa
pamayanan at bumuo ng isang proyekto tungkol
ditto
2. Magsaliksik tungkol sa kasong ito
3. Subuking makapag-isip ng solusyon
4. Kumuha ng grupong susuporta sa proyekto upang
malutas ang kaso
5. Alamin kung sino ang maaaring kumalaban sa
proyekto
Paglutas sa mga Kaso ng
Paglabag:
6. Ipahayag o ipaalam sa Publiko
7. Lumikom ng Pondo para makatulong sa mga
biktima nito kung kakayanin
8. Isagawa ang mga plano
9. Suriin ang mga nagawa
10. Kung patuloy ang pagkabigo, huwag sumuko
Sumbungan ng Paglabag sa
Karapatang Pantao:
 Barangay Human Rights Action Center- ito ay ang
pinakamaliit na yunit ng pamahalaan na nagsisilbing tanggapan
ng mga kaso sa paglabag ng karapatang pantao

 Commission on Human Rights


 Opisina ng Tanod-Bayan
 Komisyon ng Serbisyo Sibil

You might also like